Malakas ang ulan at mahangin ngayong gabi hindi pa umuuwi si Dad.
"Anak umakyat kana sa kwarto pagkatapos mong kumain ah" sabi ni Mom habang kumakain kami
"Bakit po? "Napatingin ako sakanya
"Kase para makapagpahinga kana kasi mamaya pa uuwi ang daddy mo eh" tumingin siya sa akin sabay ngiti
"Sige po"ngiting sabi ko
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na si mom para mag hugas ng pinggan, kasi si yaya ay nasa bakasyon at mamaya pa ang uwi niya
"Uhm.. Mom aakyat na po ako sa kwarto ko" nakatinging sabi ko sakanya
"Ah.. Sige na anak mag pray ka muna ah bago ka matulog ok? "
"Opo " sagot ko tska umakyat na sa kwarto ko
Pagbukas ko ng kwarto ko ay nakabukas ang bintana sa gilid ng kama ko at humahangin ng malakas
Papunta na ako sa bintana ng may biglang nalaglag na kung anong bagay na mula sa side table ko
Napatingin ako sa bagay na nalaglag kanina sa side table ko. Lumapit ako sa side table ko para tingnan ang nalaglag
Pagpunta ko dito ay pinulot ko agad ang nalaglag kanina. Tiningnan ko ito
Picture frame namin nila mommy, may basag na rin ito sa parte ni daddy at mommy sa picture frame.
"Daddy? Mommy? " wala sa sariling tanong ko sa aking sarili
Hinaplos ko ang nabasag na parte nito, at pagsabay ng paghaplos ko dito ang malakas na kidlat.
Kaya inilapag ko muna ang picture frame sa kama ko.
Lumpit ako sa tapat ng bintana, halos wala ka ng makita sa labas dahil sa sobrang lakas ng ulan at hangin na sinasabayan Pa ng malakas na kidlat.
Isinarado ko ang bintana at bumalik sa kama.
Kinuha ko ang picture frame at lumabas ng kwarto ko para ipakita kay mom ang nangyari sa picture namin nila daddy.
"Mom!"sigaw ko habang pababa ng hagdan
"Oh? Bakit? "Nag aalalang tanong ni mom
Tumakbo ako palapit kay mom, Iniabot ko ang picture frame sakanya.
"Mom nabasag" sabi ko sabay kinuha niya ito para tingnan.
"Anong nangyari dito?" Nagaalalang tanong ni mommy habang nakatingin parin sa picture frame namin.
"Ewan ko po basta bigla nalang po siyang nalaglag sa side table ko eh" sabi ko habang naka pout.
"Ah ganon ba----"hindi na naituloy ni mommy ang sasabihin niya ng biglang may nag doorbell.
"Saglit lang nak ah"sabi niya tska sumilip sa may bintana.
"Anak halika dito dali"nagmamadaling sabi ni mom. Agad ako pumunta sakanya.
"Anak kailangan mo muna matulog ngayon sa secret budega natin ah"ngiting sabi ni mom pero halata na natatakot siya.
"Bakit po? "Nagtatakang tanong ko
"Kase---" Di na naman natuloy ni mom ang sasabihin niya kasi kinakalabog na ang gate sa labas.
"Tara na anak"nagmamadali kaming umakyat ni mom papunta sa secret budega na ipinagawa nila daddy.
Binuksan na ni mommy toh, pero bago ako pinasok ni mommy sa budega ay niyakap niya muna ako ng mahigpit.
"Anak lagi mo tong tatandaan ah... "Sabi niya habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa aking magkabilaang pisnge.