Chapter 03: Ang Lalaki

31 28 29
                                    

BAD TO THE BONE : CHAPTER THREEP H O E N I X

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BAD TO THE BONE : CHAPTER THREE
P H O E N I X

JANUARY 01, 2017 | AREA B, COMPTON

Mabilis at malalakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya. Sa una ay natatamaan siya at nawawalan ng balanse pero kaagad niya rin namang nababawi ang lakas niya.

Napangisi ako, hanggang pag-iwas na lang ba sa mga atake ko ang kaya mo?

Mas ikinuyom ko ang mga palad ko, hinigpitan at mas lalong linakasan ang pwersa bago lumayo sa kanya. Tyumempo ako, kapag lumapit siya ay mas aatras ako bago tatakbo nang mabilis papalapit sa kanya.

Sumama ang tingin niya sa akin. Para lang kaming nagha-habulan sa loob ng pabilog at maliit na stage. Naka-harang ang mga kamao niya sa kanyang mukha habang ako naman ay naghi-hintay ng pagkakataon upang magawa ang naiisip kong plano.

"Cash, ang bano mo!" sigaw ng isang manonood. Pinilit kong hindi tumingin doon upang hanapin ang dalawang kasama ko, itinuon kong mabuti ang atensyon ko sa bagong salta ng Area B.

Tangina, ang tagal naman. Naiinip na ako.

Ilang saglit pa akong nag-hintay pero hindi siya lumalapit sa akin. Puro lamang siya amba at ang patuloy na pag-depensa niya sa mga atakeng binibigay ko. Kumunot ang noo ko, ano kayang pinaplano ng kumag na 'to?

"Cash, napaka-baduy! Lumapit ka naman kay Phoenix, tangina! Takot na takot amputa, bading! Bading, boo!!" Pagre-reklamo pa ng isa sa mga manonood.

Habang mas tumatagal kami sa ganoong estado ay mas lalo kong nakikita kung paanong unti-unti na nagdidilim ang kanyang paningin at ekspresyon ng kanyang mukha. Mas lalo niyang ikinuyom ang kanyang kamao.

Tangina, naiinip na ako! Bumwelo ako at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. Hahawakan ko sana siya sa bandang bewang upang matuhuran pero bigla akong nakaramdam ng hapdi sa mga braso ko.

"Gago, may kutsilyo pala 'tong si Boy Area B!" sigaw ng host.

Napatingin ako sa braso kong mayroong hiwa. Patuloy lamang ang pag-agos ng dugo mula roon, "Shit. Putangina ang sakit!" bulalas ko at masamang tumitig kay Cash.

Dito sa Area B at lalong lalo na sa Compton, walang mga patakaran. Patay kung patay, walang dayaang tinatawag. Walang rules, walang mga batas. Sarili mo ang masusunod, kagustuhan mo ang gagawin mo. At 'yon ang ginawa ni Cash, kinuha niya na kaagad ang pagkakataong 'yon upang maipakita sa lahat na hindi lang siya basta kung sino.

Dahil dito sa Compton, pwede mong saktan ang kung sino mang gusto mong pahirapan at pwede mong patayin kung sino ang gusto mong patayin.

Ngumiwi ako sa sakit. Pwes, hindi lang rin ako basta kung sino. Ako si Phoenix! Hindi ako basta-basta nagpapatalo porke't merong armas maliban sa kanyang mga kamao.

Bangtan: Bad to the Bone #Wattys2019 #SA2019GRANDWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon