Nakita ko na may mga bagong players na pumasok sa loob ng Badminton Court na pinaglalaruan namin. 3 silang lalaki. Pero umagaw ng atensyon ko yung Lalaking nakatingin sakin mula sa mga bagong pumasok.
Nagpatuloy nalang ako sa pag palo ng raketa. Sa bawat palo at habol ko ng shuttle cock ramdam ko na may nanunuod sakin. Uhm siguro ambisyosya naman ako masyado samin pala.
Napatigil ako sa paglalaro ng badminton hindi ko na nakayanan ang pagkailang na nararamdaman ko ang ayoko kasi sa lahat yung pinapanuod ako habang naglalaro.
Napatingin ulit ako dun sa Lalaking chinito cutie na nakaagaw ng atensyon ko kanina nung pagpasok palang nila. Sya nga ang nanunuod samin ng mga kasama ko.
Lumapit sya sakin. "Oh bakit ka tumigil sa paglalaro?" may mga ngiti sakanyang labi ng ako'y kanyang tinanong.
"Naiilang kasi ako na pinapanuod ako di lang ako sanay". Sagot ko na medyo pamaldita tono.
"Ay sorry naman po :) Sge na maglaro kana ulit". Nagpatuloy ulit kami sa paglalaro. Hanggang sa matapos ay sumali na ang kanilang grupo samin para makipag laro lagi kaming magkalaban. Masasabi mong magaling sya talaga sa pag babadminton.
Ang lakas nyang pumalo sa raketa paroon at parito ang shuttle cock syempre hindi ako nagpatalo sa pakikipaglaro. Hanggang sa kaming dalawa nalang ang natira na naglalaro napagod na kasi yung mga kasama namin.
Napansin ko na napapagod na sya kaya niyaya ko sya na tumigil na. Pumunta ako sa bench kung saan naroon ang gamit namin nandun rin ang mga kaibigan ko narinig ko na niloloko nila ako dahil type ko raw yung Lalaki.
Nakaka tawa dahil hanggang ngaun di ko parin alam ang pangalan nya tahimik lang naman kami maglaro. Pati yung mga kasama nya di parin namin kilala. Tinignan ko ang oras sa phone ko. 9pm na pala. Nagtext narin si Mommy kailangan ko ng umuwi.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na uuwi na ko. Papalabas na ko ng court ng harangin ako ni Chinito cutie.
"Uuwi kana ba?" tanong nya. "Ah oo e". Sagot ko naman.
"Hatid na kita :)" tumango nalang ako dahil gusto ko rin naman sya makilala.
Yohann pala ang pangalan nya. Naglakad lang kami pauwi sa bahay. Lumipas ang araw at nasundan ang pagkikita namin. Nagdadate narin kami masyadong mabilis pero yoon ang nangyari. Mabait sya, Gentleman at sobrang caring. Wala na kong mahihiling pa kung maging kami masyado syang perpekto para sakin.
Nasa bahay kami ngayun nakatingin ako sa salamin. Nakita ko sya sa likod dahil sa nakaharap nga ako sa salamin. Napansin ko sya na nakatitig sakin.
"Oh bakit ka naman nakatingin sakin?" tanong ko ng medyo iritable.
"Cool ka lang Elayne. Wala masyado lang akong nagagandahan sayo. Yung mga mata mong brown na brown. Pati ang pagka wavy ng iyong buhok at lalo na ang mga labi mong mapupula".
Napangiti nalang ako sa mga sinabi nya.
( Ringggggggggggggggggggggggggg ) Tumutunog ang phone ko.
Bigla nalang naging malungkot ang lahat. Nagising na ko sa katotohanan. Isa lang palang panaginip ang lahat. Kaya ayoko nagbabasa ng mga novela. Masyadong dumadami na ang naiisip ko tungkol sa ideal guy ko.
BINABASA MO ANG
The Boy In My Dreams
Teen FictionOne Shot story only. Yung original po na gawa ko is maikli lamang eto na po yung extended version. Requested lang ito ng pinsan ko dahil nabasa nya sa notebook ko. Kung gusto nyo po ng sequel msg nyo nalang po ako para kung gagawan ko. Salamat :)