C17 "Warfreak"

4.9K 894 42
                                    

RID2#CHAPTER 17
WARFREAK

"Rikky?" Tawag ni Tatay mula sa pintuan ko.

"P-Po?"

"Gusto mo bang maghapunan sa labas? Samahan mo kami ng Tyang mo" anyaya niya.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nailing ito nang nakita ako.

"Anak--" he trailed.

"Maliligo na ako Tay, napagod lang ako sa school, alam mo na di ako sanay mag aral" Pilit na ngiti ko sabay punas sa luha ko.

"Rikky kung di mo na kaya, pwede mong sabihin sa amin ng Tyang mo. Makikinig naman kami" May alalang sambit niya.

"Madali lang po ang mga assignments ko haha" tawa ko.

"Nak, hindi sa lahat ng oras pwedeng idaan sa biro ang mga bagay-bagay."

"Tay, ok pa ako" Sambit ko sabay punas ulit sa luha ko.

"Nak dalawang linggo ng parang kinagat ng bubuyog iyang mga mata mo"

"Igo, tigilan mo iyang si Rikky, magsasalita rin iyan pag handa na siya" sambit ni Tiyang mula sa likuran niya.

Tinignan ko si Tyang at tuluyan na akong naiyak. Ganon naman lagi diba pag may dumadamay lalo kang naiiyak.

"Rikky anak--" she looked at me with understanding.

"Tyang, Tay" iyak ko lalo at saka sila niyakap. They both hugged me so tightly.

"Igo nagbago na isip ko ihanda mo iyang Itak mo, susugod tayo ng Maynila" Mamya ay sambit na ni Tyang kaya imbes na maiyak ako ng todo ay natawa ako ng konti.

"Pambihira ka, warfreak ka pa sa akin eh." my father said.

"Sinaktan kaba ni Gavin anak?" Mamya ay sambit ni Tyang.

"Niloko ka?" Tanong naman ni Tatay.

Umiling ako.

"Eh ano ang nangyari kasi? Rikky ano ba ang pinagkakaganyan mo?" Naiinis nang turan ng Tatay ko.

"May-may anak na ho si Gavin" Singhot ko.

Natahimik si Tyang at si Tatay.

"Doon lang ako sa labas" Tatay said at saka umalis. Naupo naman si Tyang sa tabi ko matapos akong maupuhin sa kama.

"Masakit ba?" she asked in a calm manner.

Tumango ako.

"Alam ko, napagdaanan ko na din iyan eh" She smiled at hinawakan ang pisngi ko.

I looked at her. "Siguro magkaiba tayo ng sitwasyon pero parehong may anak ang taong mahal natin"

"Di-di ko siya mahal Tyang" piyok ko.

She smiled. "Hindi ka masasaktan ng ganyan kung hindi"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"Minahal ko ang Tatay mo kahit na mayroon na siyang Rikky sa buhay niya. Noon naiisip ko wala nabang iba? Bakit sa may anak pa ako nahulog?" She chuckled.

"Pero alam mo, nauna kang dumating bago ang pagmamahal ko sa kanya kaya alam kong hindi naman dapat ako masaktan" Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Itinago ba ni Gavin iyong bata sa'yo?" She gently asked.

Umiling ako. "Hindi niya po alam"

I saw her smiled. "Walang panloloko doon anak, hindi niya pala alam na may anak siya. Ibang usapan na kung nagkaanak siya habang kayo"

"Matalino ka Rikky kaya alam kong naisip mo na iyong mga sinabi ko. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka umiiyak ng ganyan, hindi ka naman niloko."

"Ka-kasi Tyang, hindi pwedeng maging kami" I cried.

"Tanggap ko naman iyong bata eh" hagulgol ko pa.

"Pero Tyang, pinsan ko ang nanay ng bata! Papaano ko maaatim na agawan ang kadugo ko? Kahit na sabihin nating ako ang mahal ni Gavin, hindi naman kaya ng konsensiya kong maging ok kami tapos yung mag-ina niya hindi ok" Iyak ko.

"Pinsan?" she asked.

Tumango ako at isinalaysay ang katauhan ni Jessica.

"Ang liit talaga ng mundo, nagusap naba kayo ni Jessica?" mamya ay tanong niya.

Umiling ako.

"Ni Gavin?"

"Hindi na siguro Tyang, mas masakit kung harapan ko siyang tatanggihan"

"Nakapagdesisyon ka na pala at iniiyakan mo kasi hindi mo gusto ang desisyon mo pero wala kang magawa"

Lumuha ako lalo.

"Lilipas din iyan, halika doon tayo sa labas kumain nang hindi ka nagmumukmok dito"

Tumango nalang ako. Mas gumaan din naman ang dibdib ko dahil nailabas ko ang saloobin ko.

"Sasamahan kita sa simbahan bukas, gusto mo bang mangumpisal? O Gusto mong makausap ang mga madre?"

Tumango ako.

"Oh" she said at binigyan ako ng isang kahita.

Binuksan ko iyon at isa itong Rosaryo. Napaiyak na naman ako kasi naalala ko na naman si Gavin. Ibinigay ko kasi ang rosaryo ko sa kanya.

"S-salamat Tiyang" Tanging nasabi ko at hinayaan niya lang akong yumakap sa kanya.

"Lilipas din iyan, tiwala lang ha anak, tahan na nagiging kamukha ka na ng tatay mo sa kai-iyak"

With what she said ay natawa na ako.

Inapi na naman ni Tyang si Tatay. Juskolords.

Rolling in the deep 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon