Ordinary day/monday!

1K 8 5
                                    

ELLA POV

Ewan ko ba kung bakit ganado akong pumasok ngayong araw, siguro dahil alam kong magkikita na naman kami, hindi kami nagkita buong maghapon kahapon dahil may pinuntahan sila ng mama niya kaya ngayon excited talaga ako.

Oh nak, ang aga mo naman yatang bumangon? Bago yan ha.. kung kailan malapit ng magbakasyon nagiging masipag tayo ah.”Si nanay na nagluluto ng agahan namin.

Hindi naman po nay, gusto ko lang talaga maaga gumising ngayon, sa bakasyon ba nay pwede ako pumunta sa probinsiya?"

Pwede anak, bakit hindi? Akin na yung plato at hahanguin ko na ang ulam natin.”

Sinunud ko si nanay at sabay kaming kumain ni nanay, si tatay kasi alas tres pa lang nasa palengke na dahil nagkakatay ng baboy.

Namimis ko na rin sila rose, joan at janice.. at sila kuya ron at kuya jay nay.. kumusta na kaya mga yun noh?”

At sila din miss ka na rin nila, pero bago mo isipin ang bakasyon, ipasa mo lahat ng subject mo anak."

“Opo naman nay."

Pagkatapos naming kumain inayos ko ang uniforme ko.

7:30 pa lang ay nasa labas na ako ng bahay nila errol, tatawagin ko na sana siya ng lumabas si tita nelia..

“Tita, nakabihis na po ba si errol?”

Magalang na tanong ko, ngunit hindi agad ako sinagot ni tita at pinasadahan ako ng tingin, medyo nailang ako sa klase ng tingin ni tita.

Tita bakit ho?”

“Ella, ikaw ba ay nagregla na?”

Nagtaka ako sa tanong ni tita pero tumango ako sa kanya.

Ang tagal namang niyang lumabas.”

Ella, wag mo masamain ang sasabihin ko ha, dalaga ka na iha kung maari lang sana ayoko na lagi kayo magkasama ng anak ko lalo't binata na rin ang anak ko.”

Tita ano pong ibig niyong sabihin?”

“Ang ibig kong sabihin iha iwasan mo na ang anak ko at sana kung maaari wag mo na ipaalam sa anak ko dahil ayokong magalit ang anak ko sa akin.”

“Ho!”

Hindi ko inasahan na marinig ko kay tita ang sinasabi niya.. “may alam kaya siya?” natakot ako pero hindi ako nagpahalata.

Si--ge ho, kung yan po ang gusto niyo tita."

Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod ako na hindi naiintindihan si tita.

alam kaya niya? Hindi! Hindi maari!”

Pumasok ako ng classroom namin na hindi mapakali.

Ella, ok ka lang?”

“Huh? Oo! Ok lang ako.”

“Parang hindi eh, may lagnat ka ba?"

Si karren na seatmate ko, isa siya sa kaibigan ko.. at si eljen.

wala akong lagnat.. wag mo na lang ako intindihin.”

“Ikaw bahala, si errol oh nakatingin sayo.”

Sinundan ko ang tinuro niya at andun nga siya, ngumiti siya sa akin at gumanti rin ako ng tipid na ngiti. Pero dahan-dahan din napalis yun dahil sumulpot si anika sa likuran niya at ikinawit ang kamay sa braso ni errol.

Sex partner ♥ SUPER SLOW UPDATE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon