Chapter 2:The Red Box
---
Nang makababa na ako,pumasok na ako sa village namin.Mga mayayaman nakatira dito,kilala na din ako ng mga guards dito kaya pinapasok din nila agad akong pinapasok.
Nilakad ko na lang pauwi sa mansiyon ni tita.Oo,mansiyon nga.
Habang naglakad ako,i have this uneasy feeling na may nanunuod sa bawat kilos ko.Pakiramdam ko may nakatingin saakin.Parang bawat kilos ko ay minamasdan nila.
Bawat hakbang ko lalong tumitindi ang pawis ko,wala namang araw ngayon kasi maulap.Araw-araw naman akong ganito,pero ngayon lang talaga ako nakaramdam ng kaba.
May mali eh,gusto kong ilibot ang mata ko para tignan kung meron ba talagang nakatingin saakin pero may parte saakin na ituloy ko lang ang paglalakad ko.
Pinagpapawisan pati ang mga kamay ko at dahil sa hindi ko na napigilan ang sarili ko,inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid,paulit-ulit akong lumilingon.Wala naman akong nakitang tao na nakatingin saakin o kung ano pa,pero pakiramdam ko talaga merong nakatingin saakin.
Napakatahimik ng lugar,mas lalo tuloy akong natatakot.Goshh baka pagod lang 'to,mas mabuti na siguro kung makapag pahinga ako ng maaga.
Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang paper bag na bigay ni Clyde at binilisan kong maglakad.
Pagkauwi ko sa bahay ni tita Margaret agad ako nitong sinalubong ng yakap at beso.
"Ohh Elyza,pasok ka"Bumitaw na sa yakap si tita at pinauna akong pinapasok sa loob.
Medyo natigilan si tita at tinitigan ako ng mga ilang segundo.
"Alangan naman na lumabas ako tita"
Nang nagsalita ako,napa-iling na lang siya at ngumiti saakin."Hay nako,ikaw talagang bata ka"natatawang sabi nito.
Umupo ako sa sofa habang si tita naman,pumunta siya sa kusina.Pagkabalik niya,may dala na siyang juice at sandwich.
Tinanggal ko muna ang bag ko at humarap kay tita "Pinapabigay daw po ni tita Ashley to"
Sa una kumunot ang noo ni tita pero agad din naman niyang kinuha "Di talaga nagsa-sawang magbigay 'yon"nakangiting sabi ni tita "Sino nag-abot nito sayo?Nag thank you kaba?"
Kinuha ko muna yung juice at uminom.Pagkatapos ko 'tong inumin,tumingin ako kay tita"Yes tita.Si Clyde po ang nag-abot niyan,binigyan din po niya ako ng cake at cookies"
"Si tita Ashley po ang nagluto niyan.Si Clyde naman yung nag bake ng cake"Dire-diretso kong sagot.
Napatango-tango na lang si tita at dumampot ng isang sandwich.
Di ko pa nasasabi kay tita yung tungkol sa regalo na binigay ni Miss Lei,mamayang gabi ko na lang bubuksan.
Pagkatapos naming ubusin ni tita ang pagkain,umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis.Pagkatapos kong magbihis humiga muna ako ng ilang saglit sa kama ko.
Nilabas ko ang pulang box na bigay ni Miss Lei at nilagay ko sa may malapit na table.
Napabuntong hininga ako at tumitig sa kisame.
Ilang minuto akong walang ginagawa kundi tumitig sa kisame.Napag-isipan ko na bumaba at kainin ang bigay ni Clyde.
Pagkababa ko,dumiretso agad ako sa kusina.Nakita ko si tita na nagluluto,minsan kasi gusto ni tita Margaret na siya ang magluto kahit may katulong naman kami.Wala din naman daw kasi siyang ginagawa,pero minsan tumutulong din ako kapag wala akong magawa.
"Tita nasan yung paper bag na bigay ni Clyde?"
Lumingon si tita saakin ng nakangiti"Ahh tinanggal ko na sa paper bag yung cake at cookies mo,nasa ref na"
BINABASA MO ANG
The Tale of the Seven Crystals
FantasySabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito. Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay. Ito ay ang 'Ma...