"Keep your relationship private without keeping your partner a secret. There's a difference between privacy and secrecy."
"Sorry.” Sabi niya sa akin. Andito kami ngayon sa lugar na walang nakakaalam, kundi kaming dalawa lang.
“Para saan?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at umupo galling sa pagkakahiga sa mga hita ko. At tumingin ulit sa mga mata ko.
“Kasi di pa kita pinapakilala sa mga kaibigan ko. Kasi maliban sa pamilya natin, wala ng ibang nakakaalam na tayo na. Sorry kasi baka iniisip mo kinahihiya kita.” Sabi sa akin ni Lawrence. Napangiti naman ako sa sinabi ng magaling kong boyfriend. Sabagay, daig pa nga ata naming yung mga artista sa pagtatago na kami na. Decision naming pareho na wag munang ipaalam sa mga kaibigan namin na hindi kami, kasi baka maguluhan lang sila.
He is on his graduating year samantalang ako third year pa lang. Plano pa nga nyang gawing 5 years yung course niya para sabay kami grumaduate, kaso hindi naman ako ganun ka selfish para pahirapan pa ulit siya ng isang taon para lang sa akin.
“Ano ka ba, ilang beses na nating pinag-usapan to. Ok lang sa akin no. Ayoko namang maging usap-usapan sa Engineering department no. Na ang masungit na si Lawrence Salazar ay may girlfriend na pala na galing sa Accounting department at 2 months na nilang tinatago yun. Sikat ka pa man din, saka nakakatakot kaya tumingin yang barkada mo idagdag mo pa yang mga fangirls mo.” Tinignan niya lang ako, sabay bumuntong hininga.
“Natatakot ka sa mga yun?” tanong niya. Napakagat ako sa labi ko, at napatungo.
“Nicole Denise.” Tawag niya sa akin, tumingin naman agad ako sa kanya. Ayoko ng ganyang tono ng pananalita niya eh, ibig sabihin kailangan kong sumagot agad.
“Oo.” Alangan kong sagot. Gumulo naman yung expression ng mukha niya. At tumaas ang isa niyang kilay. Meaning, kailangan kong mag explain.
“K-kasi na-iintimidate ako sa kanila. Feeling ko, ayaw nila ako para sa’yo. Kasi kapag nahuhuli nila akong nakatingin sa’yo, tinataasan nila ako ng kilay, minsan iirap. Feeling ko---“, napatigil ako sa pagsasalita ng yakapin niya ako.
“I love you.” Bulong niya sa akin.
“Hindi mo sila kailangan pansinin. Hindi ka nila kilala, kaya wala kang dapat alalahanin. You don’t need to prove yourself to them. They don’t know you, they don’t know us. They don’t know how perfect you are for me. They don’t know the things you did for me. They don’t know how happy I feel when I’m with you.” Di ko alam kung bakit, pero umiiyak ako. Naiyak ako kasi feeling ko, kaya niyang iwanan ang mga kaibigan niya para lang sa akin. Pinunasan niya yung mga luhang pumapatak sa mata ko. Ang babaw talaga ng luha ko ‘pag dating sa lalakeng to eh.
“Pero kasi, feeling ko dapat ko ring patunayan ang sarili ko sa kanila, kasi kaibigan mo sila. Kasi sila matagal mo na silang nakasama simula high school kayo na ang magkakasama, ako matagal mo na rin ngang kasama pero hindi naman tayo ganun ka close nung high school eh.” Sabi ko sa kanya, habang pinag-lalaruan yung mga daliri ko.
“Hayyy, nako! Ano pa bang kailangan mong patunayan sa kanila? Kilala ka nila! Isa ka sa mga consistent Dean’s lister! Hayaan mo nga sila, basta mahal kita tapos! Wag mo ngang I stress sarili mo sa mga kaibigan ko. Pumapanget ka lalo eh!” Napaangat naman agad ako ng tingin sa kanya at naka ngisi pa ang loko! Aba siraulo!
“Sino nagsabi sayong sabihan mo ng panget ang girlfiend mo?!” Tanong ko sa kanya, at nakatanggap siya sa akin ng malutong na batok.
“Yan! Mas gusto kong nakikitang nag-uusok yang tenga at ilong mo sa galit kesa nalulungkot ka.” Sabi niya sa kin ng nakangiti habang hinihimas yung batok niya. Napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Us. (One Shot)
Teen Fiction"They don't know about the things we do, they don't know about the I love yous but I bet you if they only knew they would jealous of us."