chapter 11

16 3 0
                                    


"Nasaan na sya, Marina?!" Nasa may gate na kami ni Lauv nang marinig namin iyon. Boses iyon ni daddy.

Napaurong ako doon.

"Sino yun, madam?" Tanong sa akin ni Lauv habang nagaalala syang nanguusisa sa loob ng bahay.

"Ang daddy ko.." kinakaban ako nang sagutin ko sya.

Gusto na akong dalhin ni dad sa ibang bansa at tumira kasama sya. Pero hindi ko gusto iyon, mas gusto kong kasama si mama.

"Lauv. Dito ka lang ha? Kahit anong mangyari Lauv." Binalingan ko sya. Tiningnan nya muna ako saglit bago sya tumango ng isa.

Nagmamadali naman akong pumunta sa entrace door.

Nagkalat na doon ang laman ng maleta na niprepared ni mama. Pati ang mga babasagin na bagay ay basag na sa sahig.

Kinabahan agad ako kung ano na bang itsura ni mama.

Nagmamadali akong pumunta sa may kusina at nandoon nga sila.

"Anak.." si mama ang nakapansin sa akin at umiiyak na sya. Nakatalikod sa akin noong una si daddy pero nang marinig nya ang sinabi ni mama ay nilingon nya na din ako.

"Jasmine.." sabi ni daddy habang marahang naglakad papunta sa akin. Niyakap nya ako at nanatili ang mata ko kay mama.

Ano ba ang nangyayari?

"Isasama na kita sa Florida." Aniya at ako naman ay mas lalong kinabahan. Umiling ako habang yakap nya ako.

"Daddy, mas gusto ko po dito sa Yienta." Matapang kong saad sa kanya.

"Anak, you will have a better future kapag sumama ka sa akin sa Florida."

Kumalas ako sa yakap ni dad at tiningnan si mama.

"Dito na po ako dad. Matagal nyo na po kaming iniwan ni mama. Hindi na po ako sasama sa inyo." Miserable kong sagot sa kanya.

"Anak.. alam ko na nasaktan kita noong mga araw na iyon kaya nandito ako para bigyan ka ng pagkakataon para gumanda pa lalo ang buhay mo. Maayos na ulit ang negosyo natin sa Florida anak.. isasama na ulit kita doon."

Umiling nalang ako at ngumiti.

"Mahal ko na po ang Yienta dad. At ang mga kaibigan ko dito." Napalingos ako sa may pintuan at nakita ko si Lauv sa may pintuan.

"Lauv!" Gulat na banggit ko.

"Love? May boyfriend ka na ba anak?" Binalingan din ni daddy si Lauv sa may pintuan.

"Dad.. Lauv po ang pangalan nya." Paglilinaw ko.

"Manliligaw nya po ako." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Jusko Lauv!

"Ahh.. kaya ba ayaw mong umalis dito kase may Love kana dito?" Tanong ni dad sa akin habang nakangiti.

"Kaibigan ko po sya dad--

"Anak, papasukin mo muna si Lauv dito sa loob." Sabat ni mama at bahagyang nilapitan ang mga kalat sa loob.

"Lauv." Sinenyasan ko syang pumasok. Tinulungan ko muna si mama na mag-linis bago ko nakitang kinakausap na ni daddy si Lauv.

Nakita ko syang tumango at ngumiti.

"Anak. Si Lauv pala ang nanliligaw sayo, hindi si Gio. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Napalingon naman ako kay mama na katabi ko.

"Ma, kanina palang po sya nagpaalam." Bulong ko.

"Alam ko na susunod dyan ha. Yang pag-aaral mo wag mong pababayaan kapag naging jowa mo na yang si Lauv ha." Medyo nagalinlangan pa ako sa pagsagot.

"Okay po."

Magiging kami ba talaga? Shit!

"Tita, tulungan ko na po kayo." Umupo na din si Lauv sa tabi namin at agad namang tumayo si mama.

"Maghahanda lang ako ng hapunan natin ha. Wag ka munang aalis Lauv dito kana kumain." Sabi ni mama habang nagalalakad na sya pabalik sa kusina.

"Ano bang nangyari madam? Bakit ang gulo?" Sabay lingon nya sa mga naglakat na gamit.

"Nagtalo yata sila. Gusto na akong isama ni daddy sa Florida." Sagot ko sa kanya habang busy sa pagiimis ng mga nagkalat na damit.

"Hindi ka pumayag tama?" Tamang hula nya sa sinagot ko.

"Oo."

"Alam ko na kung bakit." Ngisi nya sa akin at agad ko naman syang tinampal.

"Kapal mo ha!"

"Love ka naman." Aniya na ikinainit ng pisngi ko.

Letchugas ka Lauv!

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon