Chapter 12: Help me
“Ang sabi ko ay mag-ayos ka? Anong pinagka-iba mo sa hitsura mo kanina sa school? Mukha kang anghel na nagbihis lang ng damit! Sino namang lalapit niyan saatin mamaya?”
“Hindi dahil mukhang anghel ako ay anghel na rin ang ugali ko.” Sabi ko sakanya habang umiirap. Umuwi lang naman ako para maligo at magbihis. Hindi ko na rin kailangan magpaganda ng todo dahil maganda naman na ako in the first place.
Makapal ang makeup niya na fitted sa mga lugar na tulad nalang ng pupuntahan namin. Maybe. Hindi ko pa naman kasi nakikita ang bar na sinasabi niya.
“Kdot. Hop in.” Sumakay ako sa sasakyan niya. Feeling ko ay kabilang siya sa mga mayayaman na kakilala ko. Aura palang at mga gamit niya.
Thirty minute drive din bago kami nakarating sa bar na tinutukoy niya kanina. Mukhang maayos naman at parang mas kelangan ko ngang mag-apply ng darker na makeup para maganda tignan sa dilim.
“Tingin mo kailangan kong mag-retouch?” Tanong ko sakanya habang tinitignan ang sarili ko sa mirror.
“Kung gusto mong magkaboyfriend mag-retouch ka na.” sagot naman niya habang pina-park ang sasakyan.
“Mukha ba akong single?” I asked her. Out of curiosity lang.
“Mukhang school bahay ka parati, e. Well, hindi naman halata. Ikaw nga ‘yung tipong parang maraming lalaki sa buhay.” Hah! Nagsalita.
“Baka ikaw. I’m done with parties and boys na kasi.” Kulang nalang ay paikutin ko nang paikutin ang mga mata ko ngayong kasama ko siya. Hindi ko ikinatutuwang may kapareho, no, mas malala pa pala saakin.
Maingay sa loob nang pumasok kami. Bodies are grinding, people are flirting with each other and drinking like there’s no tomorrow.
“Hey! Magtatagal ba tayo!?” Malakas ang pagkakatanong ko sakanya dahil baka hindi niya ako marinig. The music is pounding in my head like hell.
“Bakit? Virgin ka ba?” Oh my god! That’s the last thing na itatanong mo sa taong hindi mo ka-close. Gee! “Doon tayo.” Hinila niya ako sa bakanteng table at doon ay pumwesto. Nagsalumbaba ako pagkaupong-pagkaupo ko. Wala ako sa mood para pumarty.
Umorder siya ng ilang maiinom namin at saka sumasayaw siya sa upuan niya. Isa siyang certified party animal. Gusto ko lang matulog ngayon. Bakit ba ako nag-agree na sumama sakanya?
“Bakit mo ba ako sinama? Hindi nalang ‘yung mga impakta mong kaibigan ang isinama mo? Gee, look Leo wala talaga akong pakialam sainyo ni Damian.”
“Stop calling him Damian!” Inirapan ko nalang siya at saka uminom. As if naman alam pa niya kung tatawagin kong Damian si Damian. Duh! Kasama ko sa iisang bahay ang lalaking gusto niya. “Are you close?”
“Not really.” I took another sip and look around the bar. Pasalamat talaga si Leo dahil maraming gwapo ngayon pero karamihan sakanila ay college students pa lang.
Weird. Nakatitig siya saakin ngayon na akala mo ay may ginawa akong masama.
“I like Carding.” She confessed.
“So? Narinig ko nga kagabi. Ang desperado mo nga, e.” Isinandal ko ang likuran ko ng tuluyan sa upuan at saka nagdekwatro. Humalukipkip pa nga ako at tinitigan siyang mabuti. Mukha kasi siyang naninindak gayong wala naman akong pakialam kay Damian.
“I said I like him.”
“Oh, ano ngayon?” This time ay nagtaas na ako ng kilay. “Anong gusto mong iparating?”
“Sumakay ka sa car niya kagabi!”
“Oh my God! Kaya mo ba ako niyayang pumunta dito ay para lang sabihin na nakita mo akong sumakay sa sasakyan nya kagabi? We’re living in the same roof! What do you expect? Maglalakad pa rin ako kahit na pareho naman kami ng uuwian?” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
“Ikaw ‘yung babae niya?” Kulang nalang talaga ay paikutin ko ng 360 degrees ang mga mata ko dahil sakanya.
“Excuse me?” Mataray kong sabi sakanya. “Anong babae ang pinagsasabi mo dyan? He was a friend, a brother but never a lover. And take note Leo, was. Past tense. Hindi na kami close.” There! I said it! Bakit ko pa ba kelangan i-defend ang sarili ko sakanya? I’m not even sure kung bakit ako ang kasama niya.
“Talaga?” Kagat-kagat pa niya ngayon ang lower lip niya na para bang may gusto siyang sabihin pa saakin at nahihiya lang siya.
“Yeah.” Muli kong ininom ang alak sa harapan ko at ganun din siya. Para nga siyang na-relieve sa sinabi ko. Seriously, wala akong pakialam sakanila ni Damian. Bakit ba ako nandito ngayon?
“Kung ganun alam mong hindi baduy si Carding at sobrang cool niya?” Literal na napanganga ako sa tanong niya saakin. Si Damian? Cool? Hindi baduy? What? Saan nanggaling ang tanong niya? “Damn! Noong college yata ay kulang nalang maglaway na ang mga babae kapag nandyan na siya. Mukha palang niya yummy na! Paano pa kapag nag-drums siya?” Excited na sabi pa niya. Mukhang nagfafangirl siya over Damian.
Saan banda ang pagiging cool niya? God! Hindi ko maimagine.
I think I need to rummage his closet later to confirm kung talagang hindi nga siya baduy. Seryoso ba siyang hindi baduy si Damian? Iniwan ko naman siyang baduy noong lumipat ako ng bahay kaya imposible naman ang sinasabi ni Leo. Nagda-drums siya at masasabi kong magaling siya kaso annoying lang talaga dahil maingay.
Nakasalumbaba na siya ngayon at nakatingin sa itaas. Nagdi-daydream na yata ang bitchesa? Pero hindi ko talaga maimagine si Damian. Well, kapag nakapambahay ayos pa.
“Baduy man siya o hindi ay wala pa rin akong pakialam.” Kako nalang kaya nabasag ang pagdi-daydream niya.
Lumalakas na nang lumalakas ang music ngayon. Hindi katulad kanina na medyo okay-okay pa. Sign na na marami na ang taong nasa dance floor.
“Then help me!” She said in a loud voice dahil hindi na kami magkakarinigan. “Help me get back Carding!”
“At bakit ko naman gagawin ‘yun!?”
“Kasi babalik na ang ex niya! And I hate that girl! I hate everything about that girl!”
***
trololol. ewan may kulang talaga di ko alam XD
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz