Prologue

6 1 0
                                    


"Deng, uuna na ako ha?" Mungkahi ni Catryne- isa sa mga kasama ko ditong nag wo-working student sa pagawaan ng sapatos ni Aling Bebang.

"Hmn" Pagtango ko. "Ingat ka sa pag uwe, Cat" Pag bibigay ko ng payo.

Nag over time kasi kami dahil malapit na magbakasyon at may pinag iipunan kasi kaming pera para sa mga susunod pa naming pag aaral.

Mag hahating gabi na kaya naman pinaalalahanan ko sya. Kahit na madaming katulad namin dito na nag tatrabaho, mabuti na iyong nag iingat.

Marami pa namang mga sira ulo sa daan.

"HAHAHA! Baka sila ang mag ingat!" Sambit nito at nag susuntok pa sa hangin na animo'y may kalaban ito.

Ikinailing ko na lang ang kanyang tugon

"HHAHAHA! O sya, una na ako. Ingat din sa paguwe" Nakangiting sambit nito at umalis na nakakaway habang nakatalukod sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at binilisan na lang ang pag liligpit ng mga gamit dito sa tindahan ni Aling Bebang.

Dati rati ay sabay talaga kaming umaalis ni Cat pauwe. Nagkataong mas maaga ang pasok nito bukas. Samantalang ako ay walang pasok bukas.

Mga ilang sandali pa ay natapos na ako. Nag ayos na ako ng gamit para sa aking pag uwe. Pero bago iyon ay pumunta muna ako kay Aling Bebang para kuhanin ang sweldo ko para ngayong buwan.

*Toktok

"Pasok!"

"Magandang gabi po, Aling Bebang" Pag bati ko. Ngunit tinaasan lang ako ng kilay nito at tumingin sa kanyang relo.

"Magandang umaga na babaita!" Ngumiti na lamang ako sa kasungitan nito.

"Heto kunin mo. Alam ko naman kung anung kailangan mo." Abot nito ng sobre. Agad akong tumungo at lumapit sa kanyang lamesa.

"Maraming salamat po, Aling Bebang" Napangiwi naman ito sa pag papasalamat ko.

"Alam ko. Alam ko! Nga pala" Tumayo ito at may kung anu kinuha sa drawer na nasa likod nya.

"Oh!" Sabay abot ng isa pang sobre

"Halos lahat kayo nakatanggap ng bonus ngayong buwan. Aba naman wag nyo namang masyadong galingan!" Napangiti na lang ako sa sambit nya at inaabot ang sobte.

"Maraming Sala-"

"Alam ko, Alam ko! Malulugi ang pagawaan ko sa inyo, madyado kayong nag sisipag!" Napangiti na lang ako sa tugon nito. At nagpaalam nang umalis.

Mabait naman si Aling Bebang kahit matandang dalaga. Masyado lang itong naka focus sa paggawaan nya ng sapatos.

Paglabas ng gusali ay marami pa akong nakakasabay na mga empleyadong tulad ko. Pero alam kong maya maya ay uunti na lang iyan.

Nagtitipid kasi ako ng pamasahe. May proyekto kasi sa school ngayon na kailangan kong gastusan. Kaysa sa mamasahe pauwe ay naglalakad na lamang ako.

'Malapit lang naman. Ituturing ko na lang itong exercise.'

Kaysa dumaan sa mga eskinita- na alam kong mas mapapabilis ang pag uwe ko ay mas ginusto kong dumaan sa kalye. Dito madami akong nakikitang tao at hindi gaano kadilimam ang lugar.

*Beep

Napahawak ako sa aking dibdib sa biglaang pag busina ng isang sasakyan dito sa daan

"Oy! Kung magpapakamatay ka, sa ibang sasakyan ka mag pasagasa!!" Galit na sigaw ng driver. Humingi na lang ako ng paumanhin kahit na nasa gilid lang naman ako ng daan.

"Pare wag mo sigawan!" Rinig kong sabi ng kasama nito. "Hi, babe! HAHAHAHA" Dagdag nito. Na ikinabahala ko.

Hindi maganda kutob ko dito. Kaysa sa magtagal doon ay minabuti kong humingi na lang ulit ng tawad at naglakad na palayo sa kanila.

Ang akala kong ligtas na ako ay di pa pala.

"Miss, natakot ka ba namin?" Rinig kong sabi nung lalaki sa sasakyan. Sa kaba, ay di ko na ito nilingon at nagmadali pang maglakad.

Palibhasay naka kotse kaya naman mas madali nila akong mahabol.

Kinakabahan ako sa mga taong ito.

Anu ba sa tingin nila ang ginagawa nila?

Nagbago na isip ko. Ng may makita akong eskinita ay nagmadali na akong sumuot doon at tinakbo ko iyon ng buong tapang.

Susme! Sana ay walang sira ulo dito. Malapit na akong makauwe.

Pag papakalma ko sa sarili ko. Pero nagkamali akong makakauwe ng araw na iyon.

"Miss, wag ka namang tumakbo. HAHAHAHA"

"Anung kailangan nyo. Bitiwan mo ako"

"HAHAHAHA"

"Hoy, tama na yan. Isakay mo na yan dito!"

"T-teka! Anu ba! Bitawan mo ko, panget!"

"Aba!"

"HAHAHAHA"

"Panget pala ha!?"

"Argh! I-ibaba mo ko!! Tulong!!"

"HAHAHAHA"

Dahil ng araw na iyon. Ay nagising na lang ako na walang saplot at nasa kwato na hindi pamilyar sa akin.

Nakaramdam ako ng lamig na tumama sa balat ko, nanlumo ako na maisip kong may hindi tama sa pagitan ng mga hita ko.

At nang makita kong may dugo ang bed sheet ay napaiyak na lang ako sa reyalidad ng buong pangyayare.

"A-anung *huk- Kailangan kong maka alis *huk dito"

Kahit masama ang loob pati ang buong katawan ay nagawa ko pang magdamit kahit hindi ko na makita ang panty ko ay nagpantalon na lang ako.

Gusto ko ng umuwe.

Hindi ko kayang magpasalamat ng araw na iyon dahil nakaalis ako sa lugar na iyon ng matiwasay at walang kahit na sino man ang nasa lugar na iyon ang nakakita sa pag alis ko.

Basta ang gusto ko lang ay ang makauwe

Ipagpapatuloy...

Unfaded FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon