Chapter Three
Kuntento niyang tiningnan ang hapag-kainan. The plates and utensils were already on the table. Naka-serve na rin ang kanin at dalawang espesyal na putaheng niluto niya para sa munting salu-salo sa tahanan ng mga Sanchez. Samantala, ang ginawa niyang Leche Flan ay nasa refrigerator pa at mamaya na lang ihahain para sa dessert nila. Actually, tatlo dapat ang putaheng ihahanda niya kung hindi lang siya napuyat kakaisip kagabi kay Milyeta. So when he woke up today, bam! It's already six thirty in the morning. Mabuti na lang at na-brine na niya kagabi ang turkey na naka-serve ngayon dahil kung hindi ay baka hotdogs and eggs lang ang naluto niya.
Medyo ginahol man siya sa oras, confident naman siyang magugustuhan ng mga ito ang inihanda niya sapagkat ibinuhos niya ang lahat ng kaalaman sa kusina para lang magpa-impress. Ni hindi rin nga niya hinayaang tulungan siya ni Aling Serfina, ang kasambahay, sa paghahanda para puwede niyang maipagmayabang mamaya na tanging siya lang at wala ng iba ang gumawa ng lahat ng iyon.
Mico glanced at the clock. It says, eight-twenty already. In a few minutes ay darating na ang mag-asawa at si Luke. This feast isn’t just about him showing off his skills but also a sort of thank you gift and a welcome home party for Mr. Anton and Mrs. Bella Sanchez. Gusto niya magpasalamat sa pagpayag ng mag-asawa na pansamantala muna siyang tumira sa tahanan ng mga ito. Ilang araw bago siya tumulak pabalik sa Pilipinas ay nakausap pala ng Mommy niya si Tita Bella. Pinakiusapan ng kanyang ina ang ginang na kung maaari ay sa bahay ng mga ito muna siya tumuloy dahil baka raw kasi mapaano siya kapag mag-isa lang siyang tumira sa bahay nila. Being an only child, napaka-protective ng nanay niya sa kanya. Sa tingin niya ay na-sense iyon ni Tita Bella kaya pumayag ito sa pakiusap ng ina. And with that, he was very thankful dahil napanatag nito ang kalooban ng nanay niya. And one more thing is, sa pagpayag ng mga ito ay mas mapapalapit siya kay Milyeta.
Sa ngayon, all he could do to repay the wonderful Mr. and Mrs. Sanchez was to cook for them. Saka na siya magpapakain sa restaurant niya kapag tuluyan nang bumukas iyon. Sa ngayon kasi ay inaayos pa niya ang mga dapat ayusin sa itatayo niyang restaurant. Anyway, restaurant-quality ang mga pagkaing inihanda niya kaya sigurado siyang magugustuhan ng mag-asawa ang mga iyon. He grinned. Dagdag good points iyon sa mga magulang ni Carmilette. His very own Milyeta.
He smiled at the image of Milyeta on his head. An annoyed Milyeta was breathtaking. A beaming Milyeta was stunning. A fierce Milyeta was really striking. Every emotion she gives was just so lovely and adorable. Pero ang pinaka paborito niya siguro ay ang makita itong mag-blush.. ‘Yong tipong pulang-pula ang mga pisngi nito maging ang tainga ng babae. God, kung puwede lang niya hilahin ito at halikang muli gaya n’ung nasa airport sila ay ginawa na niya. But he wouldn’t dare having a week-long violet eyeshadow.
Napabuntong-hininga siya sa pagkakaalala sa nangyari kagabi. Out of nowhere ay bigla na lang niyang niyakap ang dalaga. Actually, hindi iyon out of nowhere dahil ginusto talaga niyang ikulong ito sa kanyang mga bisig pagkakitang-pagkakita pa lang niya rito kagabi. She was so funny and cute last night while diving on the sofa he had a hard time stopping himself from hugging her from behind. Pero hindi rin naman siya nakapagpigil noong nasa kusina na sila at nag-aasaran. Napagtagumapayan niyang hindi halikan si Milyeta, pero hindi ang yakapin ito. Luckily, he's still alive and his body organs still intact. Well, he can’t blame himself, can he? He missed her mouth, her sweet scent, her glaring but oh-so-lovely eyes and all her teasing. In short, he missed the whole her. So he hugged her and let his emotions took over so that he could feel her. Feel her where he wants her to be. Yes, in his arms.
May narinig siyang mga yabag na papunta sa dining area na kinaroroonan niya. Lumingon siya sa nakabukas na pinto at nakita ang babaeng nasa isip niya. She was wearing a plain pink t-shirt and white cotton shorts. Her slightly damp long black hair was framing her beautiful face. Ang mapula nitong labi ay bahagyang nakaawang habang ang mga mata nitong may mahahabang pilik ay nakatingin sa mga pagkaing nasa mesa. Nalukot ang mukha niya sa kaalamang mas nauna pa nitong napansin ang mga pagkain kaysa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Something About Us (Completed)
RomancePinamaywangan siya ng babae. Hindi niya mapigilan pagmasdan si Milyeta. Madaling-araw pa lang kaya may kadiliman pa rin sa labas, pero parang nagliliwanag sa parteng kinatatayuan nila dahil sa kagandahan ng dalaga. She was wearing a yellow shirt mat...