<10> Plan has been started

68 8 0
                                    

Kevin's PoV

Inaabangan ko si Kurt sa likod ng canteen ngayon. Dito kasi naman napag-usapan na magtagpo pagkatapos niyang sunduin si Maira sa kanilang bahay. 

Habang naghihintay ay may biglang gumulat sa akin mula sa likod.

"Tyangala ka" sigaw ko sa pagkagulat.

"HAHAHAHAHA" malakas na tawa nito.

"Hayup ka Kurt kailangan mo pa talaga akong gulatin" inis na sabi ko sa kanya.

"Hahahaha sorry bal" paghingi niya ng paumanhin. At pinipigilan niya padin ang tawa, kung siya kaya gulatin ko? 

"Oh ano nang nangyari?" sabik kong tanong.

"Bal muntik na ako kanina" pagsagot niya.

"Ha?!" pagsigaw ko. OA na kung OA pero hindi ko mapigilan eh, pake nyo ba?

"Wag kang sumigaw" kalmadong saad ni Kurt. 

"Bakit anong nangyari?" alalang tanong ko. Hindi pwede to hindi pwedeng masira agad agad ang plano ko ng ganun kailangan kong makaganti.

"Chill bal" paghihinahon niya sa akin.

"Anong Chill? Ngayon pa ba ako magchi chill. Muntik na tayo bal. Ano ba talagang nangyari?" hindi ko na mapigilan ang pag kakasunod sunod na tanong ko. 

"Para kasing nagtataka na siya eh. Tinanong niya kasi ako kanina nang 'Kevin ikaw ba talaga yan?'.  Para siyang naguhuluhan na baka nahahalata na niya itong plano mo" kaninang kalmado ngayon nag-aalala na din siya. 

"Eh ano ang isinagot mo?" tanong kong muli.

"Wala bal. Hindi ako sumagot baka kasi malagay tayo sa alanganin" simpleng sabi niya. Buti na lang talaga matalino itong kapatid ko at nakaisip agad ng palusot.

"Hayy buti naman. Asan na ba siya?" pag-iiba ko ng topic. 

"Andun siya bal sa isa sa mga kubo na malapit sa canteen. Nagpaalam lang ako sandali na bibili akong pagkain para ako ay makapunta dito. Sige bal ah ikaw na bahala sa kanya. Oh ibigay mo itong pagkain na binili ko para hindi ka na gumawa ng alibay" ito talagang kapatid ko halatang halata na may gusto kay Maira, kaya hindi siguro hindi din siya tumanggi kasi mapapalapit din siya kay Maira, mautak talaga. Pero at least makakaganti ako, yun ang pinakamahalaga dito.

"Ok sige bal salamat. Ingat ka sa pagpunta sa school" pagpapaalam ko rito.

"Sige bal ba-bye" sabi niya bago siya bumalik sa kotse niya at syempre hinintay ko munang makaalis siya sa school, bago ako pumunta sa kinaroroonan ni Maira.

****

Habang dala-dala ko ang dalawang supot ng pagkain na binili ni bal ay naglalakad na ako papunta sa mga kubo. Ayos si Kurt ah, binilhan niya din ako ng pagkain, hindi na kasi ako nakakain kanina sa bahay dahil excited na akong isagawa ang plano ko. 

Flashback:

"Hoy Kurt gising na" pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya, and take note 4 :30 am pa lamang, aba bakit ba? excited na akong masimulan ang paghihiganti. 

Natigil ang pagkatok ko sa kanyang pintuan ng buksan niya ito. Aba ang gago nakaligo na at pormang porma na, mas excited ata ito sa akin eh. 

"Kanina pa akong gising Kevin, nakaligo na nga diba?"  he's stating the obvious, hindi naman ako bulag para hindi makita.

"San lakad natin bal? Bihis na bihis ah, at talagang amoy pabango pa" pang-aasar ko rito. Natawa naman ako sa reaction niya, namumula na ang mga pisngi niya at umiwas na ng tingin sa direksyon ko. Hay inlababo na nga talaga itong si Kurt kay Maira. Tsk tsk tama nga ang kasabihan na 'Love is Blind'. Ano kayang nakita don ni Kurt at nahumaling ng ganito.

"S-Stop teasing m-me about M-Maira" aba talagang nabubulol pa siya ah. Lalo naman akong ngumiti ng nakakaloko. 

"I didn't say anything, how come Maira came into our conversation?" mapang-asar na sabi ko sa kanya. Lalo naman siyang namula at umiwas nang tingin. 

"HAHAHAHAHAHA" hindi ko na napigilan ang tawa ko sa mukha niya. Mukha siyang kamatis! I swear. 

"Don't laugh at me Kevin" he said while glaring at me. But he is still blushing, pfft nakakatawa talagang inisin si Bal. 

"Yeah yeah, hindi na, hindi na" natatawa ko pa ding sabi. Tumingin naman siya sa akin ng masama. 

"So ano? ganyan ka na ba? Pwede na ba tayong umalis?" he said. And I can see how excited he is while saying that. 

"Maliligo lang ako ng mabilis at pwede na tayong umalis" I said and ran back to my room. 

After 10 mins. 

"Tara na Bal, simulan na natin ang plano"  hinihila ko na si Kurt papunta sa garage namin para makapunta na kami sa bahay nina Maira. 

"Uyy teka Bal 5:00 am palang oh hindi ba masyadong maaga?" pagmamaktol ni Kurt.

"Yun na nga ang point eh, kapag maaga kang dumating mas maappreciate niya yun, ganun daw ang mga babae sabi CJ" pagpapaliwanag ko. Expert na masyado si CJ sa mga babae kaya alam niya na ang mga taste nito. 

"Pati 30 minutes ang biyahe papunta sa kanila" dagdag ko pa.

"Hindi ba muna tayo kakain?"  hirit na tanong niya pa.

"Wag na dun na lang sa Canteen" sagot ko sabay tulak ko papunta sa kotse niya. 


Wala na naman siyang nagawa dahil nagdrive na siya, sinundan ko naman siya gamit ang kotse lp para makasiguro na gagawin niya ang plano. 


5:30 am nandoon na kami, pero medyo malayo ako sa bahay nina Maira baka kasi makahalata siya eh, mahirap na baka magulo pa ang plano ko. 


5:45 am naman nung lumabas na si Maira sa bahay nila. Kaya umalis nadin ako kasi si Kurt na ang bahala sa kanya. 

End of Flashback.


 Naaninag ko agad ang mukha ni Maira sa isa sa mga kubo rito. Nakapuyod na ito dahil mukhang naiinitan. Hindi naman siya panget eh, hindi din naman siya mataba katulad ng sinasabi niya sa sarili niya. Kung araw-araw niyang aayusin ang sarili niya baka pwede pa siyang tawaging maganda. Huh? Ano ba tong mga pinagsasabi ko nahahawa na ata ako kay bal. Bigla namang napatingin ako sa kanyang mapupulang labi.

"Hmmm parang ang sarap halikan" bulong ko sa sarili ko.  Huh? ano ba tong pinagsasabi ko? Hindi ito pwede. I'm just doing this para makaganti sa kanya. And as I always said IT'S THE PART OF MY PLAN! oh ayan na ah pinalaki ko na ang lettering para hindi na Paulit ulit. Hahahaha. At isa pa ay loyal ako kay Scian, kaya ko nga ito gagawin diba para maging kami na. 

"Hi Princess" bati ko sa kanya ng nasa tapat na ako ng kubo kung saan ay nandoon siya.

Parang slow motion naman ang pagharap niya sa akin, doon ko napagmasdan ang maamo niyang mukha at ang pagkabanas niya sa kanyang kinatatayuan. 

Tangina Kevin, anong pinagsasabi mo?  




When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon