CHAPTER 15

572 32 19
                                    

CHAPTER 15:

Nakahiga lang ako sa kama ko at inalala ko yung gagawin ko dapat kanina. Naiinis ako sa sarili ko ngayon kasi pakiramdam ko nagtataksil ako sa kapatid ko.

I'm here to make Jimin feel Yoongi's love for him— not me falling in love with Jimin. That's not my plan and it will never be part of my plan.

Tumingin ako sa bedside cabinet ko kung saan nandon yung picture namin ni Yoongi, "I'm sorry. I will never do that again, I promise. Kiss is forbidden." Sabi ko. Unti unti na rin akong nakatulog pagkatapos kong tumulala sa kisame.

Paggising ko, I did the usual. Kakain, papasok sa school, kakausapin si Jimin. Kumain kami sa Two Broz at pinicturan ko si Jimin kaso nahuli niya ako. Pinost ko 'yon gamit yung account ni Yoongi kasi for sure, that's what Yoongi will do. Puro tungkol o mukha ni Jimin yung laman ng social media accounts niya.

Nasa kotse ako pauwi at tinitignan ko yung picture ni Jimin na kinuhanan ko kanina. Zinoom ko pa 'yon sa mukha niya at kinabisado ko yung hugis ng mukha niya, yung mata niyang nawawala pag ngumingiti, yung cheeks niya na masarap pisilin at yung labi niyang... kissable.

"Baka mahulog ka na diyan, masyado mo siyang tinititigan." Sabi ni Alys kaya napatingin ako sa kaniya. Okay na kami. Hindi niya ako natiis at nagsorry naman ako sa kaniya. Basta raw at ako na ang bahala sa sarili ko kapag nangyari na ang kinatatakutan kong mangyari.

"I'm being Yoongi today." Sagot ko kaya tinawanan niya ako pero sarcastic.

"Being Yoongi? Jimin is not here. Hindi mo kailangang magpanggap. Nagsisinungaling ka na nga sa kaniya, pati ba naman sa sarili mo." Sabi ni Alys at umiling-iling pa. She has a point.

Tinignan ko muna yung picture ni Jimin for the last time bago patayin yung phone ni Yoongi. Hindi ko na sinagot si Alys kasi baka sabihin na naman niya, nagsisinungaling ako.

I am being Yoongi. That's the truth. Nagpapractice lang kaya ako.

Bibili ako ng apartment pero si Alys na yung nag-aasikaso. Ilang araw na lang yung itatagal namin sa hotel kaya lilipat na ako.

Nakarating na kami sa hotel at pumasok na kami ni Alys. Napahinto kami pareho nung nakita namin si Seulgi sa lobby ng hotel.

Tinignan ako ni Alys saka tinanong, "Gusto mo bang ipakaladkad ko 'yan sa guards?" Seryoso niyang tanong pero umiling ako.

"Leave me here. I can handle her alone." Sabi ko saka naglakad papunta kay Seulgi. Tumayo naman si Seulgi mula sa pagkakaupo niya at naglakad siya palapit sakin.

"Seulgi, what are you doi—" Napahinto ako sa pagsasalita nung hinawakan ako ni Seulgi sa pisngi at hinalikan ako sa labi.

"Hey!" Narinig kong sigaw ni Alys saka hinatak palayo sakin si Seulgi. Napahawak ako sa labi ko saka pinunasan 'yon. Aawayin na sana ni Seulgi si Alys pero hinawakan ko yung braso niya kaya napatigil siya.

"Just tell me why you are here. Wag kang mag-iskandalo rito, please." I said to Seulgi. Tumingin tingin ako sa paligid at konting tao lang naman yung nakapansin samin.

"Okay. But I don't want to see her face kaya paalisin mo muna siya." Pagtuturo ni Seulgi kay Alys. Mukhang nabadtrip lalo si Alys, "Don't point your finger on me, hoe!" Sigaw ni Alys.

Nilapitan ko siya saka hinawakan sa balikat, "Go upstairs. Wag kayo mag-away dito, pwede ba?"

Tinignan muna ako ni Alys bago siya naglakad palayo. Bago siya pumasok sa elevator, tinaas niya muna yung middle finger niya kay Seulgi.

Behind The Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon