Staring at those smiling faces. How they laugh and put that silly smiles at each other. How can they do that?
"Mag isa ka na naman." Rinig kong sabi niya sabay upo sa aking tabi.
"Alam mo naman na hindi ko kaya." Sambit ko sa kanya. "Kailan ka ba magiging handa? Magtatapos na tayo at di pa rin kita kilala." Tumingin si Astrid sa'kin at lumabi. Napangiti ako sa kanyang kakulitan. "Mas mabuti na ganito lang," at nginitian siya nang malapad. "Akala mo ba hindi ko nakikita ang pasa at naririnig ang iyong mga iyak?" Tigalgal akong napatingin sa kanya. Bakit nga ba ganito?"Hayaan mo na Astrid. Kaya ko to," at umalis papalayo sa kanya. Di ko alam bakit di ko masabi sabi sa kanya. Ang hirap pala. Pumunta ako sa aking tambayan, dito sa likod ng skwelahan. Umupo ako sa ilalim ng puno sabay langhap sa sariwang hangin. Napangiti ako. Kitang kita ko kung paano sumayaw ang puno at huni ng ibon.
Ngunit biglang nawala iyon ng marinig ko ang mahihinang tawa mula sa likod ng puno.
"Sinong nariyan?" Tanong ko. "You look like an idiot." At doon bigla akong napaharap at nakita ang antipatikong nang iistorbo.
"Anong kailangan mo?" Sabay irap. He smirk and said, "Ikaw. Bakit ka andito?"