Chapter 5

1.2K 37 0
                                    

Araw ng Linggo at busy si Ella sa paglilinis ng kaniyang silid, buhat kasi ng makalipat siya sa bagong tinutuluyang condominium ay hindi pa siya nagkaroon ng time para iayos ang kaniyang mga gamit. Kung tutuusin ay wala naman talaga siyang plano na mangupahan pa ng isang condominium lalo't halos kalilipat nga lang din nila ng kaniyang pamilya sa bagong bahay na inoffer sa kanila ni Daniel sa isa sa mga Exclusive Village na dinivelop at pagmamay-ari ng pamilya nito. Pero sa huli ay pumayag na lang din siya dahil halos 5-minutes walk lang ang layo ng condominium na ito sa building ng Hendelson Empire. Ibig sabihin ay hindi na niya kailangan gumastos ng gumastos sa pamasahe, pumila ng mahaba sa sakayan ng FX, at mas may oras din siya for her social life dahil nasa Bonifacio Global City sa Taguig ang area niya ngayon.

Lucky for her, kasama sa mga magagandang offer ng Hendelson Empire ay ang pagbibigay ng malaking discount at maluwag na payment scheme para sa lahat ng empleyadong namamasukan sa kompanya. Bawat condominium ay fully furnished na din at may mga nakalagay ng mga importanteng gamit. Isa iyon sa rason bakit nananatiling loyal at dedicated ang mga nagtatrabaho sa kompanya. Karamihan nga sa mga nakilala na niyang empleyado ay halos positibo ang sinasabi tungkol sa pamamalakad ng management. Kaya siguro sa araw-araw na papasok siya ay napapansin niyang ang haba ng pila ng mga aplikante na nagnanais makapasok at makapagtrabaho sa Hendelson Empire. Kumbaga sa isang trabaho, isa na ito sa masasabing job of a life time.

Nang mapalingon siya sa orasan ay napansin niyang mag aalas-onse na pala ng tanghali at saka niya na-realize na hindi pa nga pala siya nakakadaan sa grocery para mamili ng mga stock para sa kaniyang pang-araw-araw na pagkain. Ngunit agad na nabaling ang kaniyang atensyon sa nagri-ring na cellphone, at nang kunin niya iyon at tignan kung sino ang tumatawag ay napairap na lang agad siya.

"I'm busy." Pambungad niyang sagot sabay click ng endcall. Pero di pa man nakakalipas ang limang segundo ay muling nag-ring iyon. "Ang aga-aga mong istorbo, ano ba yun?" kunwaring pagtataray niya para ipakita rito na hindi siya interesadong makipag-usap.

"Busy doing what?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Nothing." Sabay irap.

"Alam mo, gawain ko rin iyan, Ella."

"O, tapos?" sabay make face dahil hindi naman din siya nakikita nito mula sa kabilang linya ng telepono.

"Sabi sa guiness book of world record na very rare talent daw yang ganyan na maging busy doing nothing. And I think we're just the only two people in this world na sobrang lucky to have such a gift." Pamimilisopo nito agad. And she hate it to admit it pero napangiti siya sa sobrang witty nito na kahit ano atang ibato niyang pambabara ay magagawan nito ng paliwanag.

"Sigurado ka bang ako ang kausap mo, Trace?" patuloy na pagkukunwaring mataray para hindi isipin nitong gusto niyang kausap ito.

"Ha? Oo naman. Meron pa bang ibang tao dito sa mundo na may pangalang Ellary Martinez na pag-aakasayahan ko ng precious time ko?"

"I'm really having a bad day," sambit na lang niya saka bumuntunghininga. "What do you want now, Trace?"

"Nothing."

Inilipat niya ang cellphone sa kabilang tenga habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng Sala. It looks perfectly clean now just like how she wants it. "Kung tungkol na naman to doon sa business deal na inoofer mo, like I said, ayoko na. Humanap ka na lang ng ibang tutulong sayo. At kung wala ka na rin namang sasabihin pang importante ibababa ko na to dahil aalis pa ako para kumain at mag-grocey." Imporma niya kay Trace ng mapansing muli ang oras sa nakasabit na wall clock. Medyo nakakaramdam na rin aksi siya ng gutom matapos ang ilang oras na paglilinis.

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon