Lumapit sa 'kin yung guard habang basang-basa pa rin ako, mas lumakas yung ulan kaysa kanina. Ilang minuto na rin ang nakalipas no'ng pumasok si Trevor at iniwan ako rito.
"Miss, hatid na kita sa labas," aniya. Basa na rin ang guard katulad ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari.
Inilingan ko yung guard na dahan-dahan akong hinawakan sa balikat. "Kuya, 'wag na po, ako nalang mismo ang lalabas."
Tumayo ako habang nakayuko, nagpunas muna ng mukha dahil hindi ako makadilat nang maayos sa ulan, isabay mo pa ang luha ko.
Nakita kong naglakad yung guard papunta sa gate at mukhang bubuksan nga ito kaya ang ginawa ko ay lumapit ako roon at dahan-dahang lumabas.
Saktong paglabas ko ay kumidlat kaya napaupo ako sa sahig.
Narinig kong napahagikgik yung guard kaya lumingon ako sa likod ko at ayon nga siya, takip-takip ang bibig at ngumingiti ang mga mata. Imbis na tulungan akong tumayo, tinawanan lang ako.
Tinignan ko siya ng masama at doon ay mukhang natauhan siya. "Hala, ma'am. Mag-iingat po kayo sa susunod, na'ko!" Nilapitan niya ako kaagad at tinulungang tumayo.
"Kuya sige na, doon ka na, umuulan oh, wala pa naman akong dalang payong, magkakasakit ka lang sa akin," aniko sa kaniya na inilingan naman niya.
"Nako ma'am, ayos lang sa akin. Halika na, gusto mo ba sa guard house ka muna?" tanong niya.
Hinawi ko muna ang buhok na kanina pa sumasagi sa mukha ko. Medyo nilalamig na rin ako. "'Wag na kuya, mag-aaksaya ka lang po ng oras sa akin," ani ko sa guard.
Umiling siya. "Nako ma'am, hindi po." Dahan-dahang lumapit sa akin yung guard.
Tinignan ko nalang siya at sinabing "Kuya, patawag naman po ulit si Trevor," ani ko sa kaniya.
Gusto ko ulit siya maka-usap, mukha kasing hindi niya napag-isipan ang mga nasabi niya kanina kaya baka this time, maconvince ko na siya.
Tumango yung guard. "Sige, ma'am." At dali-daling pumasok yung guard.
Umupo ako sa sahig katabi noong mga dahon-dahon at bulaklak. Sana naman lumabas siya.
Noong may narinig akong yabag ay napa-ayos ako ng upo. Sana naman lumabas si Trevor. Uuwi na talaga ako kapag naka-usap ko siya kahit na saglit lang.
[/cough; Magkakasakit na talaga ako sa ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Big City (Completed)
RomanceThe burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to ruin your Big City? ⇨May 1, 2019 ⇨May 1, 2020 Most impressive ranking: #416 in Teenfiction #49 in C...