First day
Cin's POV
Grabehan na cyst! First day na ng pasukan ngayon! Grabe yung kaba ko. Ngayong araw din kasi ang simula ng college life ko! Architecture nalang ang kinuha ko hehe. Sabi nila nanay at tatay magaling daw ako mag drawing.
Hindi naman kami mahirap, 'di rin kami mayaman... Sakto lang ganorn. 7:00 na kailangan ko ng umalis malayo layo din kasi ang Intalgo high University.
"Nay! Aalis na po ako!" sigaw ko pagkatapos ko isuot ang sapatos ko.
"hoy Cin, alas-siyete palang! Alas otso trenta ang klase mo!" sermon ni nanay
"eh nay naman, first day ngayon kailangan maaga, tatanong ko pa sa registrar yung schedule ko" sagot ko habang nagkakamot ng batok.
"hay nako! Baka mamaya may boypren kana dun!?" sagot niya habang nakapameywang
"nay naman di ka pa ba nakakamove on kay geloy.. Ex ko nalang yun nay! Tsk.. Anong oras na nay anlayo ng school lalakarin ko pa"
"Cin umayos ka nga baba ka lang ng condo lalakad ng konti dun na school niyo maka malayo ka naman" pahabol niya.
Agad agad akong lumabas sa unit namin. Sakto may bukas na elevator, pumasok ako agad pinindot ko yung ground floor. Dito kasi kami sa pinakatuktok.
Ang totoo niyan... Pa humble lang talaga ako chosss! Pag mamay-ari namin tong building na to. Ang intalgo high naman ay pag mamay-ari ng lola ko.
Naguhuluhan na ba kayo? Maski ako eh. Sabi kasi ni nanay hanggat maaari wag ko ipagsasabi kahit kanino na mayaman kami. Charotttt. Trip ko lang mag pa humble.
Pero kahit mayaman kami mabait parin ako(wink) HAHAHAHAHHA
________________Omg! Ang laki talaga ng university nato. Anokaba Cin university nga eh.
"Ano ka ba Cin kala mo naman ngayon ka lang naka salta dito" singit ni Fuantel sa kadramahan ko
"talaga naman eh ngayon lang ako nakapasok dito" *pout* sagot ko
"sainyo tong school na'to tas ganyan ka" sagot ni Fuantel habang nakataas ang isang kilay
"Correction sa lola ko hindi akin, tara na nga pupunta pa tayo sa registrar hahanapin natin yung room natin" sabay irap di ako papatalo.
Habang naglalakad kami sana may pumatid sakin, may nabasa kasi ako sa libro tas sa ending kinasal ata sila hahaha.
Dahil sa ka echosan ko di ko namalayan na nasa registrar office na kami tinanong kagad namin ni Fuantel yung room namin.
Architecture building 2, second floor room 1 kami ni Fuantel. Maliit lang kasi ang building 1 ng architecture at puno na rin dun kaya nasa obvious naman nasa building 2 kami---
"bullshit!" reklamo ko kainis! May bumangga lang naman sakin.
"anu bayan! Paharang harang!" reklamo nentong lalaki na bumangga sakin.
"kapal ng muka mo ah! Ikaw na nga 'tong nakabanggang ikaw pa itong makareklamo wagas! Sakit kaya!" sigaw ko saknya.
"tss." sagot niya at mabilis na umalis dahil nag ring na ang bell.
_______________
Nakarating na kami ni Fuantel sa room, konti lang kami dito mga 20 lang kami lahat lahat dito. Pumwesto kami ni Fuantel sa bandang unahan.
"tagal naman ng prof. Kanina pa nag ring yung bell." reklamo nung katabi ni Fuantel
Pagkatapos niya sabihin yun ay bigla rin naman pumasok ang prof namin sa unang period.
"Goodmoring class! Im prof. Benedict kemekemekmekemekeme" pagpapatuloy niya, ipinilit ko saglit yung mata ko----
"huy girl, introduce yourself in front daw sabi ni prof. Cruz" sabi sakin nung babae sa likuran ko. Dali dali na akong pumunta sa unahan.
Sa lahat talaga ng first day, introduce yourself ang pinakaayaw ko. "Hi I'm Szareana Cin Intalgo, my previous school was Holy Saintfield academy. Class valedictorian. Please treat me well." sabi ko at agad na bumalik sa upuan grabe kayabangan level ko dun.
"so miss szareana so you are the grand daughter of the owner of this university? " habol na tanong ni prof. Cruz. Tipid na napatango nalang ako.
Ayoko kasi na ipagkalat kung kanikanino na mayaman, soon to be heiress ako kahit anong kemerot kasi ayoko ring isipin nila na
'sus ganyan lang yan kasi mayaman'
'may pera yan kaya ganyan'
'anak kasi ng businessman'
'anak mayaman kasi'Kaya mas gusto ko isipin nila na simple lang ako ganon.
Pinagpatuloy nila ang pagpapakilala sa isa't isa. Hanggang sa biglang may pumasok sa room. Lalaking bored ang muka.. Walang emosyon.. Pumasok siya sa room habang may nakasalampak na earphones sa tenga niya malamang, alangan naman sa ilong diba?
"You must be?" tanong ni sir dun sa lalaking pumasok sa room
"Cyrus Von Cypriano" walang buhay na sagot niya at dumiretso sa kahilera kong upuan.
Di rin nag tagal habang nag o-orient si prof. ay mayroon nanamang sumulpot na dalawang lalaki---
"Hi po! Ako po pala si Kristoff Niel Rivera, sorry im late" bati niya ng naka ngiti. I found his smile cute. Pero ang bata niya pa tignan. Dumiretso siya sa tabi kong upuan.
"Hi ako si Kristoff! Ikaw sino ka?" tanong niya sakin
"Cin nalang" maikli kong sagot
"Hi! Cin nalang! Grabe ang laki ng school na to aa isang 16 years old na gwapong binata na tulad ko napunta ako dito!" tuwang tuwang kwento niya sakin na agad ako nagulat.
"Ha!? 16? Ikaw? Pano? Tsaka Cin Imtalgo ang pangalan ko hindi nalang hahaha"
"kasi masyado akong matalino kaya na accelerated ako angas noh?"
Natahimik nalang kami ng bigla nang magpakilala yung nasa unahan na kasabay niyang pumasok dito.
"Im Brent Silver Harris" sagot niya. Kung ilalarawan ko siya... Simple lang tignan.
______________"Class dismissed you may all tale your recess" sabi ni prof. Cruz
Nagrecap lang kami ng konti orientation palang naman daw ngayong araw."Tara na Fuantel!" sabay hila sakanya.
"Uy Cin. Pwede ba akong sumama sainyo? Kayo palang kasi ni Fuantel ang ka close ko dito." tanong sakin ni Kristoff
"hmm.. Sige na nga. Basta libre mo kami?" hamon ko sakanya
"sige na nga basta sandwich lang ah" sagot niya habang napapakamot ulo.
_____________Uwian na namin di na kami sabay na umuwi ni Fuantel dahil may family emergency sila. Naglakad ako pauwi sa condo.
Habang naglalakad ako biglang nay lalaking naka sumbrero ang lumapit sakin. Meron siyang kaparehas ng uniform ng IHU(Intalgo High University) tinititigan ko siya ng biglang nag tanong sakin ng..
"Do you believe in love at first sight?"
-----to be continued
YOU ARE READING
PAG IBIG NA KAYA?
FanfictionSi Szareana Cin Intalgo ay mayroong pusong bato dahil sakanyang mga nakaraan. There's a person that will make Cin fall in love, but out of nowhere Cin is confuse about it. Pag ibig na kaya? O isang kahibangan lamang?