Title: Kiss and Lollipop
Nasa school na ako ngayon at kasama ko ngayon si Manda na tahimik ngayon. Nakanguso sya habang nakikinig ng music sa headset nya.
"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa next subject namin.
"Si Kaizer eh!" Ngumuso pa sya at nagtatadyak.
"Oh?" Tanong ko.
Inis nyang tinanggal ang headset nya.
"Inaalok na ako ng kasal bakla! Mukang nagtampo yata! Aba kakampi nya pa ang parents ko tsaka si kuya! Ang baliw na 'yon! Nagbibiro ba sya? High school palang tayo noh!" Dirediretsyong saad nya habang inaaction nya pa ang ibang sinasabi nya.
"Napaka talaga nya! Kung di ko yun mahal, tatadyakan ko talaga sya! Buong pamilya ko, sa kanya kumakampi. My gosh!" Umiling sya sa hangin at bumaling sa akin.
"Nasabi na sakin ni Lauv na kayo na. Ikaw ha!" Nanliit ang mata nya sa akin.
"Wag kang mamangka sa iisang ilog ha. Yang si Drake! Linawin mo dyan yung sitwasyon nyo ng Lauv mo!" Bulalas nya at iniwan na akong mabagal ang lakad habang sya'y nagdadakdak at mabilis ang sigalpot sa corridor.
Ang baliw na yun! Rinig yata ng buong school ang sinabi nya!
"Mahal kong madam!" Nilingon ko si Lauv na tumatakbo papalapit sa akin. Nakangiti sya sa akin at may hawak syang isang jar ng lollipop.
Namamangha kong pinagmasdan iyon.
"For you my one and only madam." Ngisi nya at inabot sa akin iyon. May hawak pa syang rosas sa kabilang kamay.
"Wow Lauv!" Bulalas ko at pinagmasdan ko iyon.
"Hay, bilib ka na agad my Loves?" Inakbayan na naman ako ng mokong at nangingising nakatingin sakin na namamangha.
Agad ko iyong niyakap at hinalikan ang pisngi nya. Bahagya syang nagulat sa ginawa ko.
"Una na ako Lauv ha! Bye! Thanks!" Paalam ko sa kanya nang bahagya na akong nakaramdam ng hiya.
Mabilis ang lakad ko habang umiinit ng husto ang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso.
"Yow! Nakita namin yun ha!" Utas na tumawa si Manda nang masabi nya iyon. Si Reign naman at Trisha ay nag-apir pa.
Mas lalo tuloy akong nahiya. Buti nalang at di ko kaklase si Lauv ngayong subject na ito.
"Madam!" Nagulat ako sa presensya nya. Napapitlag tuloy ako at ang tatlong bibe naman ay kinikilig na.
"Ikaw naman madam! Iniwan mo ako doon!" Maktol nya at nilapitan ako.
"Date tayo mamaya ha? Text kita." Kumindat pa sya bago umalis sa room at agad namang nag-ring ang bell hudyat na simula na ang klase.
Nakakahiya Tin! Nakakahiya!
Namula tuloy ulit ako. Shit!