MAHAL KO O MAHAL AKO?

223 0 0
                                    

🎶 Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siya bang kumakatok sa puso ko?

Oh anong paiiralin ko

Isip ba o ang puso ko?

Nalilitong litong litong lito..

Sinong pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako? 🎶

*MAHAL KO O MAHAL AKO - Kz Tandingan

Nung unang beses kong marinig ang kantang yan, it really melts my heart. Na para bang kinakausap o kinakantahan ako ng singer, na para bang bawat lyrics ng kanta ay tumatagos sa puso ko. 💘 I don't know why. Alam ko iisipin ninyo na "Baka nakakarelate ka sa kanta", when in fact hindi naman. Siguro kase masyadong magaling lang talaga si KZ para mafeel ko yung kanta? O baka nakakacurious lang talaga yung title ng kanta?

Habang pinakikinggan ko yung kanta biglang naitanong ng ate ko "Kung ikaw, sinong pipiliin mo? Yung mahal mo o mahal ka?" at naisip ko "Oo nga noh? Sino nga ba?" ang sagot ko sa ate ko "Depende. Syempre pareho." Ang sagot naman nya "Ako, yung mahal ako." Lahat ng nakausap ko yun yung pinili nila. Pero ako, kung tutuusin wala dapat silang pinili sa dalawang choices. Kasi mahirap ang one-sided love.

MAHAL KO O MAHAL AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon