"T*ng ina mo! Wag mo ko itulad sayo na malandi" sigaw niya sakin habang dinuduro ako.
"Ako pa ba ang nalandi? Sino sating dalawa ang nahulihang nakikipag tawagan sa katrabaho niya" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Sino sating dalawa ang nangangalantari sa may asawa?" Sigaw kong muli na ikinainis niya lalo. Sa sobrang inis niya ay sinuntok niya ang pader na nasa likod niya.
"Pin naman! T*ng ina! Anong pangangalantari don!" Sigaw niya pabalik sakin.
"Yung pagbali mo ng pangako sakin na hindi mo na ulit gagawin. Pero ginawa mo pa rin." Naiiyak kong sagot sa kanya.
"Pan. 3 beses. 3 beses akong nakiusap na tama na. Wag mo nang ulitin. Pero ano? 3 beses mo din binali. Para sa iisang tao. Para sa babaeng katrabaho mo." umiiyak kong dagdag sa kanya.
"Tinanggap ko naman diba? Okay na sakin na nabarkada ka sa babae. Tanggap ko na sakin ayaw mong may barkada akong lalaki pero sayo okay lang" Pagpapatuloy ko habang patuloy pa ring umiiyak.
Hindi siya kumibo at malalim lamang na nakatingin sakin.
"Tinanggap kong exception yung mga barkada mong babae. Pero Pan. Wag mo naman abusuhin oh. Kasi ang sakit na eh" Humikbi ako matapos kong sabihin sa kanya yon.
Muli ko siyang tiningnan habang pinupunasan ko ang mga luha na patuloy pa ring napatak sa mga mata ko.
"Pagod na ko Pan. Gusto ko na muna magpahinga." ilang beses na tong nangyare. Siguro panahon na to para magpahinga muna.
"Pagod na rin ako Pin." matapos niyang sabihin yon ay tumalikod siya at lumabas sa pintuan ng kwarto.
Napaupo ako sa sahig. Nanginginig ang mga tuhod ko. Paano kami humantong sa ganito?
Ang saya namin eh. Bakit kelangan ganito? Bakit hindi matutong makuntento? Kulang pa ba ko? Ano bang pagkakamali yung nagawa ko para humantong sa ganito?
*********************
Sup mga pin and pan fans. Joke! Hahaha!
So naisip ko lang gawin tong story na to out of no where. As in bigla ko na lang naisip na sh*t ang gandang story nito. Kaya eto ako ngayon nagtatype. Hahaha!
Also readers, beware of explicit contents on this story 😉
YOU ARE READING
The Last Hope
Romance"Akin ka noon. Akin ka ngayon. Akin ka bukas. Akin ka sa isang araw. Sa isang buwan. Sa susunod na taon. Sa isang dekada. Kahit ilang libong taon pa. Akin ka. Sa akin lang. Wala nang iba"