15: Sweet Revenge

54 6 3
                                    

Napatingin kaming lahat sa dumating.

I almost cried at muntik ko nang ihampas ang gitara sa kanya. But I'm just so relieved that finally he came.

Hawak ang isa pang gitara, umupo si Kai sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sabi ko on the way na diba?" asar niyang bulong sakin.

Hindi ko rin naman mapigilang hindi maasar. Eh papano ang tagal ng on the way na yan! Anyway, ang importante andito na siya. Napabuntung-hininga na lang ako kasi I'm saved.

"Kadence! How come you are late again?" seryosong tanong ni JP.

Napatingin naman si Kai sa likuran at kita kong nagtama ang paningin nila ni Spencer. Agad nagdilim ang mukha ni Kai. Bakit ba inis na inis sya sa My Amnesia? It really felt like there was bad blood between them. Akala ko wala lang, pero para talagang may malalim na pinaghuhugutan ang galit niya.

Cool na cool naman si Spencer habang nakadekwatro. Naka-angkla pa yung kanang bisig niya sa likuran ng upuan at parang aliw na aliw. Shocks! Bakit ang hot nya?

Binalik ni Kai ang tingin kay Prof JP. "Sorry pre," matipid lang niyang sagot sabay lingon sa akin. "Gawin mo lang yung tinuro ko kanina, okay?"

Tumango ako, "Okay."

"Good." Bumilang siya in 1, 2, 3.. at sabay kaming kumaskas ng gitara. When he started to sing, I couldn't take my eyes off of him.

He's got a naturally raspy sweet voice. His lows were deep, but he could sing above the lead and tenor perhaps up to the 6th octave.

Before we were friends
No one knows come what may
But now it seems we're loving each other
Cause you know we're the same
And I wanna thank you Lord for all the things that you made

I just feel so safe habang pinapakinggan ang boses niya. And I couldn't imagine what could have happened kung hindi siya dumating. Teklats! Kung hindi lang talaga masakit ang lalamunan ko, gusto ko sana siyang sabayan sa pagkanta. Pero parang pati lyrics hindi ko maalala.

Biglang lumukso ang puso ko nang pagdating sa Chorus ay tinitigan niya ako. Muntik ko nang makalimutan yung susunod na chords.

Sh*t! I hate myself. Bakit lagi akong kinakabahan tuwing kasama ko siya?!

Agad kong inalis ang tingin at nagfocus na lang sa paggigitara. Baka mamaya magkalat pa ako, siguradong lagot ako sa kanya.

Lord I cry out loud to you
Cause sometimes I don't know what I'm going to do
And this burden that I feel here inside
You know it's gonna be alright..

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng performance ni Kai (para kasing naging sabit lang ako sa nangyari). Everyone seemed pleased at mukhang nagustuhan nila ang kanta.

"Who wrote the lyrics?" Doc Reagan asked.

"Si Wren po," mabilis na sagot ni Kai.

Napatango naman si Reagan, "And the melody?"

"Siya rin," he said again.

"Amazing. Then what about you Kadence, what was your contribution?"

"Nothing, really-"

"Uhm, no," I cut Kai off. Ayoko namang kuhanin lahat ng credit siyempre hindi naman tama yun, "Actually po, we did it together.." I tried explaining sa paos kong boses.

Pinagalitan naman agad ako ni Kai, "Huwag ka nang magsalita, ang pangit ng boses mo.." pasimple niyang bulong.

Inis ko naman siyang tinitigan, "Anong problema mo?" pasimple ko namang tanong.

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon