Gitara

540 12 6
                                    

"Marielle! Bilis!" sabi ko ng di mapakali, ang bagal kasi niyang kumilos, late na kami sa practice namin.

"Sandali lang steph" ang bagal talaga nito, may program kasi ngayon ang school namin, at lahat ng 1st year high school na kagaya ko ay mag paparticipate, mula first year hanggang 4th year

"Bilis"

"If i know, hindi naman ang pagiging late ang inaalala mo eh, si Pepo" tumpak!, si pepo ang crush ko kahapon lang, first time kasi naming nag practice kahapon, at maaga pa kaming pumasok sa auditorium ng mga kaibigan ko para maganda ang puwesto namin sa mga upuan doon, ng makita ko siya.

si pepo, siya ang guitarista at vocalist ng banda nila, may intermission number kasi sila, kaya nag ppractice din sila sa auditorium, fist time ko siyang makita, feeling ko nag slow motion ang lahat, na para bang tumigil ang oras, ang cute kasi niya, tapos naka glasses pa siya, mukha siyang cute na nerd na sobrang harmless, ang amo ng mga mata niya tapos ang galing pa niyang mag gitara, napansin niya siguro na nakatingen ako sa kanya kaya napatitig siya sa akin, nagtitigan kami pero saglit lang, o baka imahinasiyon ko lang yun.

I know i sound pathetic, pero sa simpleng titig lang kinilig na ako.

"oo na oo na bilisan muna diyan" saway ko sa kanya, parang pagong kasi talaga toh'

"Sus pasalamat ka sa akin, kaya nalaman mo pangalan niya" tama nga naman siya, isang araw kasi nag chichismisan kami sa may corridor ng biglang napadaan si palalabs ko, at siyempre ang kaibigan ko namang pasaway nakita niya na may nakasabit na nametag sa bag ni palalabs kaya doon namin nalaman ang pangalan niya, an eventually nalamain ko din ang real name niya, peter paul gomez, pepo for short, at fourth year na siya,other than that wala a akong alam sa kanya.

"salamat po, sige na bilis!" ng natapos na din siya ay tumakbo na ako papunta sa auditorium, pagdating ko ay hinihingal na ako, nagtipon kami sa backstage, dahil sunod pa kaming makakagamit ng stage.

ng marinig ko ang pamilyar na tugtugin ay nagpantig kaagad ang tenga ko, kahit maraming tao ay nakigulo talaga ako para lang makalapit sa stage.

At ayun! nakita ko siya, nag gigitara ang cool talaga niya kasama ang banda niya.

tapos natigilan ako, bigla siyang napatingin sa akin,

pero baka naman hindi ako yun, assuming lang ako, pero kahit na, sige mag aassume na lang ako, wala namang bayad, ayiiee!

nagumpisa na siyang kumanta, tumili naman lahat ng mga kababaihan sa likod ko, ang sakit sa tenga, kinuha ko ang mga kurtina sa tabi ko at ikinumot sa katawan ko para matabunan ang view ng mga chaka sa likod ko, narinig kong nag reklamo ang iba pero wala akong pakialam.

Ha! sa akin lang siya nuh! ako lang ang may karapatang mag assume dito!

pero bumilis ang pintig ng puso ko ng makita kong nakatitig pa din siya sa puwesto ko, nakatitig sa akin, hindi siya ngumingiti o kung ano man, basta nakatitig lang siya, at ako naman siyempre titig na titig sa kanya. Pero bigla siyang umalis ng matapos ang kanta, ni hindi man lang niya tinulungan ang mga ka banda niya.

The next day ganoon pa din ang set up but this time nasa Kaliwang bahagi na ako ng backstage, at nahuli na ako ng dating dahil marami ng kababaihan ang nandoon, hindi na ako makalusot.

hindi na niya siguro ako makikita ngayon :(

ng mag umpisa na siyang tumogtog ay nagulat ako, kasi nakatingen na naman siya sa puwesto ko, kahit na medjo malayo ay kitang kita ko na nakatingen siya sa akin, napangiti ako, pero hindi pa din siya ngumingiti, nakatingen lng ng diretso. hanggang sa matapos ang kanta, at ganoon pa rin, dali-dali siyang umalis ng matapos na sila

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon