Chapter Nine: Ain't Good
Well, days passed by like a blur. Monday na at papasok na naman ako sa school. Another day for teaching. Pero mukhang excused ngayon ang mga contestants na magp-proceed for Division level. Sa Afternoon Periods namin gagawin ang pagrereview. I am on 3:30 to 5 pm at si Nico sa 1 to 3:30 pm.
Kriingg
"Kuya?" Sinagot ko kaagad ang tumatawag na si Kuya. Nandito na ako ngayon sa parking lot sa harap ng fence ng School.
"Georgina, bakit di mo man lang ako tinawagan na may misa pala sa Chapel ng Village niyo, sabay na sana tayo nina Mommy." Bigla kong naalala na hindi ko pala siya natawagan nung nasa park ako.
"Oh my gosh, sorry kuya. Hindi kita natawagan"
"Kung hindi lang ako tinawagan ni mommy ay hindi ko malalaman. Althea was asking me to at least see you kahit busy"na-guilty naman ako sa hindi ko nagawang pagtawag sa kanila.
"I am so sorry kuya, pakisabi kay Althea sorry. Hindi bale, tatawagan ko na kayo sa susunod para sabay na tayo at para makita ko si Althea" narinig ko ang buntong hininga niya. I felt guilty, I must have dissapointed Althea.
"You better be, my daughter misses you"sabi niya. Ang ganda siguro nun no?, Yung may matawag kang anak mo? I don't know but this past few days ay lagi kong iniisip ang magiging future ko,kung magkakaanak ba ako o paano ko mapapalaki ang anak ko. Ewan pero sa bawat pag-iisip ko nun ay kasali si Nico.
Napatawa naman ako, as if babalik yun sa akin.
"Okay bye George, may trabaho pa ako, love you. Ingat ka bunso"
I sighed.
"Bye, kuya" at ibinaba ko na ang phone.
Naglakad ako papasok ng school. Binati pa ako ni kuya Guard na lagi talagang maaga.
Wala pang masyadong tao sa loob ng faculty room. Si Mr.Gomez lang at ang SSG adviser ang nandoon.
"Good morning teachers"bati ko.
"Good morning Maam George"
"Good morning maam" bati naman nila sa akin.
Nilapag ko ang bag ko sa katabing upuan ko at tiningnan ang katabing table ko. Ang tagal naman ni Gryka, pati si Zyris.
I trailed off from thinking about other things when someone asked me a very shocking question.
"Maam George, kayo na ba ni.....Sir Nico?"nanlaki ang mga mata at halos mabilaokan ako sa laway ko sa tanong ni Mr.Gomez.
"H-huh? Hindi po"sagot ko. Bakit niya naman natanong? Shuckksss.
"Kasi nakita daw kayo nung saturday nagd-date?"umiling ako. Date!? Wha the F!, hindi yun date!
Kumunot ang noo ko, bumilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako na sa simpleng pag treat namin sa mga bata ay mapagkamalan iyon ng iba na nagd-date kami at baka dahil dun malalaman nila na ex ko siya!
"Hin---"
"Nag date kayo George?"may biglang sumingit kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.
Kakapasok niya pa lang at naglalakad siya papunta sa Biometrics. And then there!, naalala ko, hindi pa pala ako nakapag- IN sa Bio.
Mas dumoble pa ang kaba ko. Kalmado siyang nagtanong, walang halong malisya o ano pero kinakabahan ako. Am I that guilty? Baka sila na tapos akala niya nakikipaglandian ako sa boyfriend niya. We treated the children, hindi iyon date!
Kahit kinakabahan ay sinikap kong maging kalmado lalo na nung humarap na siya sa akin pagkatapos mag In.
"Hindi naman"sagot ko.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...