Chapter Ten: The Jealous Girlfriend
Kinabukasan.
Ganun pa rin ang ginawa ko. Magising nang maaga kumain, pumasok sa klase, nagturo, vacant, nagturo ulit, nag-lunch, pumasok sa klase at nag-review pagdating ng 3:30 pm.
Sa tuwing pumapasok ako sa faculty ay nakangiti ang mga guro, binabati nila ako, pati si Nico. Well everyone except Nico's Girlfriend. Irene.
Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kaniya. She is just so jealous. Paano magtatagal ang relasyon nila ni Nico niyan?.
Well, it is not my life after all, bahala na nga sila, basta ako, nagt-trabaho ako para magka-sweldo at ma- prove kay daddy na tama ang desisyon ko. I don't have time for any other things.
" Snacks po muna kami maam George" paalam ng dalawang bata sa akin nang matapos namin ang isang topic. Tinanguan ko naman sila at pinalakad na.
" 10 minutes " sabi ko. Ngumiti naman sila at tumango-tango.
Naglakad na sila paalis at ako nalang ang naiwan sa loob ng clinic. Nandun kasi sa Principal's Office ang assigned teacher dito.
Napabuga ako ng hininga. The strands of hair in my face waved as I blew air. Nakakapagod ngayong araw na ito.
Inilagay ko muna ang ballpen sa mesa at tumayo. Nag-stretching ako. Matagal na rin simula nung nakapag-exercise ako. Busy na rin kasi.
"Jo?" Napatigil ako at napatingin sa labas ng pintuan. Nakatayo doon si Gryka at si Zyris.
"Hmm?" Lumapit ako sa kanila. Zyris' foot is tapping creating a hammer like noise.
"You cannot believe this" sabi ni Zyris. The look on Zyris' face is just so, hard to understand. Parang naf-frustrate siya na ano.Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit?" Pagod na tanong ko.
Tumingin si Zyris kay Gryka na para bang naghihintay ng permiso.
"Should we say it?" Tanong ni Zyris kay Gryka. Umirao si Gryka at tumingin kay Zyris na para bang kanina pa siya tinatanong ni Zyris tungkol dito.
" Just say it Rys!" nataranta si Zyris sa lakas ng boses ni Gryka kaya bahagya pa itong napatalon.
" Ang magaling mong ex at si Irene ay naglalandian " deretsahang sabi ni Gryka. Natigilan ako.
Napataas naman ako ng kilay. Nico and Irene. Bakit nga ba apektado parin ako sa kanila?
Naglalandian. Tsk. Para namang ngayon lang. Well, I don't care anyway.
Bumabagabag iyon sa utak ko at halos ilang minuto akong tahimik. I tried to get myself together to make it look like I am not affected.
"So?, That is the least of my concerns right now. I've got some important things to do. I shouldn't bother thinking about that. Wala naman akong pakialam" mabuti nalang at hindi ako naputol o nautal. I still have that effect from Nico huh? Binigyan ko sila ng pagod na tingin para mas magmukhang wala akong pakialam.
What I said is a lie. Alam ko kung ano ang nararamdamn ko pero tinatanggi ito ng isip ko. Ayaw kong tanggapin na parang nahuhulog ulit ako kay Nico. Isang tingin, isang salita, isang pag- comfort niya sa akin, wala na, iikot na naman ang mundo ko, tatalon na naman ako at wala na namang sasalo. Busit.
"Really?" Nagtaas ng kilay si Gryka. She laughed without humor.
"Oo nga, uuwi na ba kayo?" Tanong ko para maiba ang usapan. Binigyan ako ni Gryka ng tingin na para bang naaawa siya sa akin.
"Jo, you can't deny it. You are too obvious. Minsan nagsisinungaling ka but hey!, We are cousins, I know you already. Alam kong nasasaktan ka." Sabi niya. I got hurt by that. I was touched at the same time. Ang ganda pala talaga sa pakiramdam na may taong kilalang kilala ka o di kaya'y alam nila ang tunay mong nararamdaman o naiintindihan ka nila. Kailanma'y hindi ko pa naramdaman iyon.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love [COMPLETED]
Romance"Maybe I'm not afraid to be a failure because of him. I'm afraid because I am falling inlove again." Georgina Helena Montero transfers at a public school from a private school and started teaching as a Science Teacher in Grade 7. Akala niya magiging...