Chapter Eleven: Accident

36 2 0
                                    

Chapter 11: Accident

Days passed by like a blur, ni hindi namin namalayan na ngayon na pala ang Division Level ng Science Fair. The venue will be 5 hours away from our province kaya kailangang maaga ang departure namin.

I woke up 2 am, naligo na ako at pagkatapos ay nagluto. I told Yaya Mabel na ako na ang magluluto ng baon ko. I cooked grounded meat, pork bola-bola and baked some cookies. I remembered also having these foods when I was a contestant back then.

Sinuot ko yung t-shirt na pina-print namin para sa mga coaches. Inayos ko na ang bag ko, ang bag na may laman ng mga pagkain ko, at ang water bottle ko.

Hindi pa tuyo ang buhok ko, kaya hindi ko pa tinatali. Mom is already awake. Ganito siya kapag may special events akong dadaluhan, o kagaya nito. She helped me pack my foods while dad is still asleep.

3 am ang call time namin, sa 7/11 daw magga-gather para doon na hinatyin ang bus na sasakyan namin.

" Aren't you sleepy George?" Tanong ni mommy. Alam kong gusto niya pang matulog pero dahil gising ako ay gumising din siya.

"Nope, naligo na ako, alam mo naman mom na kapag nasabuyan ako nang tubig ay mawawala na ang kagustuhan kong matulog" sabi ko. Ngumiti naman siya.

Natapos na ang pag-pasok ko sa foods kaya nilagay ko na ang backpack ko sa likod at binitbit ang bag na may mga pagkain at water bottle ko.

"Magpapahatid ka ba kay Manong?" Tanong ni mommy.

Umiling ako.

"Hindi na po, natutulog pa iyon eh, mag-aabang nalang ako ng taxi sa labas ng village" sabi ko.

"Are you sure?"tanong ni mommy.

I smiled.

"Yes po"

"Kung ganun mag-ingat ka, gusto mo bang ihatid kita sa labas ng village?" Tanong niya. Kita mo ang pagod sa kaniyang mga mata habang patuloy siyang humihikab.

"Nope, wag na mom, kaya ko na, baka magising si daddy at wala ka sa tabi niya. Matulog ka na po ulit" sabi ko. Napahikab siya.

"O sige, mag-ingat ka Georgina ha, tumawag ka lang sa akin" sabi niya.

"Yes mom" I smiled

"Aalis ka na anak?" Natigilan ako sa narinig ko. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig iyon. Lumingun ako sa hagdan papunta sa second floor ng bahay.

Gustong tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko. Dad was standing there. The way he called me anak, parang gusto ko nang umiyak.

Hindi ako makapag-salita. Gulat na gulat ako dahil hindi ko ito inexpect.

"Y-yes dad" maluha-luha kong sagot.

"Hmm, mag-ingat ka, gusto mo bang ihatid kita?" As in, natigilan talaga ako at naninibago sa inasal ni daddy. I want to cry right now, pero hindi pwede.

"H-huwag na po d-dad, mag-aabang nalang ako ng taxi s-sa labas ng v-village" sabi ko. Natigilan siya.

She looked at my mom and then to me, nagtagal ang tingin niya sa aking mga mata habang ako ay hindi na mapalagay. Hindi ko alam kung tititig din ba ako o ano? Basta yumuko nalang ako para mag-iwas ng tingin. I heard him sigh. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.

"Hmm, mag-ingat ka. Goodluck" sabi niya nang nakangiti. Gusto ko nang umiyak. Nakita ko naman si mommy na ngumiti sa akin. Niyakap ko siya at madaling naglakad papunta kay daddy para yakapin siya. Una nabigla pa siya pero agad din namang nakabawi at hinaplos ang buhok ko.
I

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon