Chapter Twelve: Conversation

34 3 1
                                    

Chapter 12: Conversation

After that accident, we all went home. We stopped at Jollibee first to eat, para malibang ang mga bata. And after that, we sent them home para makapag-relax, kahit na may time pa para maka attend sila sa school ay pinauwi na muna namin sila. The coaches too, pinauwi na rin kami.

The bus was left at the Municipal Hall. Sinuri kaming lahat at mabuti naman at walang nasaktan.

Pagdating ko sa bahay ay sobrang shock si Mommy. Maaga pa kaya hindi pa siya pumupunta sa trabaho. She was in the middle of drinking her glass of water while walking across the room when she saw me entering the door.

" Oh, wala nang contest George?" Tanong niya. She was still wearing her Pajamas and Shirt under her Night Dress. After all, umuulan pa, mabuti na ngalang at hindi ako nag motor.

" Meron " sabi ko. Kumunot ang noo niya. Umupo siya sa sofa at sinenyasan akong umupo.

" Oh, bakit ka umuwi, may nakalimutan ?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa tabi niya.

" Naaksidente po ang sinasakyan naming bus" paliwanag ko. Nanlaki ang mga mata niya at napainom ng tubig habang hawak hawak ang dibdib niya. Kaya hindi ko gustong sabihin to sa kaniya.

"Oh my...okay ka lang, hindi ka ba nasaktan, wala ka bang galos o sugat?, Sabihin mo George, nauntog ba ang ulo mo?" Tanong niya habang sinusuri ang buong katawan ko. Hinawakan pa niya ang braso ko para. No mom, someone protected me.

" Mom, wala po. Sa bandang likuran ng bus ang nabunggo, nasa harapan po ako" she sighed in relief matapos akong suriin at mapagtantong okay lang ako.

"If your dad learns about this, naku!" I was kind of taken aback by what she said. My dad still cares for me, eventhough we are in some kind of misunderstandings. He cares for me.

" You should rest George naku!, Gustuhin ko mang pagsalitain ka tungkol sa nangyari, I think it is best if you rest. Mamaya na tayo mag-usap" sabi niya. Still sounds and looks frustrated.

" Oh, wala kang trabaho sa Municipal Hall mom?" Mom is a fiscal at nasa Government na siya ngayon nagt-trabaho.

" Wala naman akong mga aasikasuhin sa opisina ko, nagpaalam narin ako na baka sa bahay lang. You know I love rain, especially when I am in the house and besides, napagod din ako sa last na kaso. Binilin ko nalang ang secretary ko na tawagan ako kapag may importanteng mga bagay na kailangan ako" she said. I know, my mom likes the rain. Ako rin. I usually love it when it rains at nandito lang ako sa bahay, nakaupo sa sofa umiinom ng gatas, nanonood ng T.V o nandun sa kwarto natutulog o nakahiga at nakikinig sa music.

"Oh, well then, sa kwarto nalang ako mom. Gisingin niyo nalang ako kapag lunch na. I am tired and in the state of shock" sabi ko. Worried flashed through her face.

" Would you want me to sleep beside you darling?" Tanong niya. Umiling ako.

" No need mom, my songs will do for me to stay calm and rest" sabi ko.

"Well then, take a rest. Manonood lang ako ng Titanic dito" sabi niya. I smiled. I really love having conversations with my parents. I think it is the best thing in the world.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang tahimik na lugar. Tanging ang ulan lang ang maririnig. Ang ulan na tumatama sa mga dahon ng kahoy. Ang tipikal na tunog ng ulan. Tiningnan ko ang sliding door na made of glass patungo sa balcony. Hindi nakatakip ang kurtina nito kaya kitang kita ko ang makulimlim na kalangitan at ang mga patak ng ulan.

Hindi naka-on ang air-con ng room ko pero malamig, dahil sa ulan. Tiningnan ko ang kama ko at parang gusto ko nang tumalon doon kaya naman, nagbihis na ako. Iyong makapal at fury na pajamas at shirt ko ang sinuot ko, tapos tinabunan ko pa ng Night Dress. Pagkatapos ay tumalon sa kama.

Unforgotten Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon