CHAPTER 10

3.8K 103 0
                                    

VINCE’S POV

 

Girlfriend ko na nga talaga si kerstine ngayon. Mahal ko sya at di ako gagawa ng bagay ng makakasakit sa kanya.

“beb.. ano ready ka na??” tanong kay kerstine

“wait lang..”

Paglabas nya ng kwarto natawa ako bigla ewan ko ba si kerstine talaga pinapasaya nya ako

“beb.. anu ba yang suot mo pupunta tayo sa farm hindi sa mall haha!”

“baket? Okay naman suot ko ah”

“oo nga e okay nga yang hills mo e tsaka yang supershorts mo okay yan!”

“eto na magpapalit na”

Nagpalit naman agad sya. Nung nasa farm kami nakita ko yung mga kakababata ko dun si mico at rina.

“brod! Ano kumusta??” tanong ni mico

“uy mas lalo kang gumwapo ah. Sino yang kasama mo? asan na si yvonina?” sabat naman ni rina

“wala na yun adik ka. Girlfriend ko nga pala si kerstine..”

“pare dalhin mo nga ko minsan sa may manila ang gaganda pala ng mga babae dun” dagadag pa ni mico

Hinawakan ko ang kamay ni kerstine at ipinakita kay mico

“wala ka ng makikitang ganito sa manila ako lang ang meron nito no!”

Matagal tagal din kaming nagkakawentuhan nina mico. Nung maghahapon na niyaya ko ng umuwi si kerstine.mabilis naman kaming nakauwi. Nakita kong nag iisa si kerstine sa may terrace kaya nilapitan ko ito

“bat nandito ka dun tayo sa loob”

“ahm vince?”

“hmm?’

“si Yvonne ba madalas mo syang dalhin dito?”

“bakit mo naman natanong pa yan??”

“e kasi sya lagi yung hinahanap nila”

“uyy. Ang girlfriend ko nagseselos”

“hindi ah”

“hmm oo madalas ko syang isama ditto medyo naging matagal ko rin kasi syang naging girlfriend . ahm im sorry wag na lang natin syang pag usapan”

“mas gusto ko ngang pagusapan natin sya. Matagal ko na din gustog itanong kung bakit kayo nagkahiwalay pero di ko matimingan na nsa mood ka . kaya ngayon na boyfriend na kita wala naman sigurong masama na ikwento mo na diba??”

“gusto mo talagang malaman??”

“oo”

“hay. Hmm fourth year highschool kami nung maging kami ni Yvonne. Sobrang mahal na mahal ko sya nun. E syempre kelangan ng magcollege magkakahiwalay kami. Nalaman kong a st.john sya papasok kaya dun na rin ako nagenroll kahit na ayaw ng daddy ko. Nag hrm sya ako naman eto accountancy. Masaya naman yung first two years tapos nitong magsesescondyear college na bigla na lang syang nag iba. Palagi na lang kaming nag aaway. Masyado na syang nagiging selosa tapos dina magkatugma yung schedule namin hanggag dumating yung araw na sinabi nyang pagod na sya. Sinubukan kong kausapin sya pero wala e ayaw na nya talaga til I met you mis sandiego..”

‘uh bakit naman?”

“diba humingi ako ng pabor sayo.  di ko naman alam na maiinlove ako sayo.”

“nagsisisi ka ba?? : (“

“adik! Syempre hindi no im so blessed to have you!”

Niyakap ko sya after ng conversation namin niyaya ko na syang matulog maaga kasi kaming uuwi bukas sa manila.

“bye lolo migs nagenjoy po ako ng sobra!” sabi nikerstine kay lolo

“hehe sana bumalik ulit kayo ha?”

“opo!”

“lo una na kami ha?”

“sige mag ingat sa pagmamaneho..”

“opo.”

Tulog si kerstine sa buong byahe lagi ya na lang akong tnutulugan kunsabagay napatagal ang kwentuhan namin kagabi. Saktong 6 a.m nakarating na kami ng manila inagapan namin kasi may pasok pa kami.

Lets Make This Last ForeverWhere stories live. Discover now