Chapter 6

1.1K 37 2
                                    

Matapos makapaggrocey ng mga supplies at stocks ay sumaglit si Ella sa bookstore para bumili ng ilang mga personal na gamit at nang libro na rin na pwede niyang mabasa lalo't tiyak na mabo-bored siyang mag-isa sa bagong titirhang condominium.

"Hmm, I wonder how women reacts with this kind of things?"

Napalingon si Ella sa nagsalita. Isang lalaki ang nakita niyang nakatayo roon at pinagmamasdan ang isang kopya ng magazine, nang titigan niya kung ano iyon ay saka niya napansin na hubad na babae ang nasa cover niyon. At dahil hindi naman niya kilala ito ay inisip niyang wag nang pansinin ito dahil baka kausap lang din nito ang sarili.

"Don't you think it's a little too much to have this kind of magazines on a public area lalo sa isang bookstore na accessible ng mga bata at teenager?" muling salita ng estrangherong lalake.

Sa labis na pagtataka ay nagpalinga-linga siya sa paligid, sinipat niya kung meron bang malapit sa kanila na maaari nitong kausap pero wala naman siyang kausap. Lumingon din sa kanya ang estrangerong lalake nang mapansin marahil siya at iniharap sa kanya ang magazine.

"What do you think, Miss?"

"Sorry, ako ba yung kausap mo kanina pa?" nagtatakang tanong niya rito lalo't hindi naman din niya ito kilala.

"Yeah, you." Nakangiting tugon nito at saka nagpalinga-linga sa paligid. "Wala naman akong makitang iba na pwede ko kausapin maliban sayo."

Hindi malaman ni Ella kung weirdo o sira ulo ang lalakeng nasa harapan niya. Hmm... mukhang wala naman tong sayad sa utak, mukha din namang di kinapos ng turnilyo sa ulo? Saad ng kaniyang isapan habang pinagmamasdan ang binata.

"So what do you say, Approve ka ba sa mga ganitong klase ng gawain ng mga kabaro mo?" ulit na hinging opinyon nito nang muling itaas sa kaniyang harapan ang hawak na magazine.

Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ng lalaking ito. Pero hanga siya sa lakas ng loob nitong kausapin siya. "Kung may ipapakita naman sila, bakit natin sila pipigilan sa gusto nilang gawin?" aniya. "Mukhang choice naman nila ang maghubad sa harap ng mga camera. Kaniya-kaniyang trip lang yan sa buhay." Napakunot ang noo nito. "Okay, so, malabo ang naging kasagutan ko. But to make it short and simple, kung hindi naman nakakagulo sa buhay ko ang paghuhubad ng babaeng iyan, bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin sa katawan niya. Modern na panahon ngayon, dapat openminded ka na, uso mag-move on."

He stared at her for a moment before a grin appeared on his lips. For a moment there, she thought she saw Trace's image on this man. Marahan siyang napailing. Sa pagkaasar niya sa binata kanina, pati tuloy sa ibang tao ay nakikita niya ito.

"I like your attitude. Feeling ko magkakasundo tayo." anito saka inilahad sa kanya ang kamay. "My name's Lorenzo Joaquin Montgomery, but you can simply call me Renzo."

Nagdadalawang isip man ay tinanggap naman niya ang kamay nito. "Ellary Martinez. But you can call me Ella."

"Nice to meet you, Ella You know, may naalala ako sa iyo. Ganyang-ganyan din kasi ang attitude ng mga fiances at asawa ng mga kaibigan ko. Palaban, prangka, straight forward na may sense."

"Hindi naman ako palaban. Nagsasabi lang ako ng opinyon ko."

"Well, that's just it. Hindi ka nahihiyang magsabi ng opinyon mo. And for me, it's one fine quality. Sa panahon ngayon, maraming mga babae ang busy sa pagpapaganda lang pero baluktot kulang naman sa essence at utak." Ibinalik nito sa estante ang magazine at dumampot ng tungkol sa real estate, housing, at business economics. "May gagawin ka ba pagkatapos mo rito?"

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon