Chapter 7

1K 33 2
                                    

Matapos makipag-usap sa telepono ay binalikan ni Trace si Ella na noo'y nakapila na sa cashier. Pero ang ipinagtataka ng dalaga ay kung bakit parang iratado ito at tila galit?

"Problema mo?" nagtatakang tanong niya sa binata.

"Nothing." nakapamewang na sagot nito at ayaw siyang tignan.

"Tinagusan ka ba?" pang-aasar niya para mas lalong sirain ang mood ni Trace, sa mga ganitong pagkakataon lang kasi siya nakakabawi rito kaya nilulubos niya talaga. "Parang may extra pa ata akong pad dito, you want?"

"Ha, ha, ha... funny." peke at inis na ekspresyon ni Trace.

Imbes na mangilag ay mas lalo lang natuwa si Ella na asarin ng asarin si Trace. Aminin man niya o hindi, cute talaga ito kapag ganoong parang bata na nagtatampo o naiinis. No matter how tough and masculine he looks physically, meron at meron pa rin talagang something cute and childish about his actions na mas lalong nakaka-attract dito.

"Si Jace ba yung tumawag?" simpleng pag-uusisa niya.

"No." tipid na sagot pa rin nito na halatang nawala sa mood matapos ang tawag na iyon.

"Babae mo?"

"Hindi, lalake mo."

"Si Renzo?" kunot-noong kumpirma niya, "Bakit daw?" nagtataka siya kung bakit tatawag ito at kung anong maaaring sinabi nito para mawala sa mood si Trace.

"Nevermind." malamig na tugon ni Trace na ayaw pag-usapan ang binata.

"Ah, okay." sabi na lang niya. "Pagtumawag ulit, sabihin mo tawagan na lang niya ko."

Tila tigreng nanlilisik ang mata nito ng tignan siya ng masama, "You gave him your number?"

"Oo, syempre magdi-date nga kami diba?"

"Forget about the date, bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa Cebu tonight?"

Napalingon siya rito. "At ano namang gagawin ko sa Cebu kasama ka?"

"Well, you can be my secretary, I have a meeting there first thing on the morning kaya kailangan kong umalis mamayang gabi."

"May sariling kang secretary diba, siya isama mo." mabilis niyang tanggi sa offer nito. Right now she's really confuse sa sobrang random ng mga pinagsasabi nitong si Trace,

"I know you'll enjoy it there. Kaya kung ako sa iyo, ikansela mo na ang date ninyo ni Renzo. Oh, wait. Let me do that. I can call him up and sabihin ko na—"

"No, Trace" mabilis na pigil niya ng ilabas nito sa bulsa ang cellphone. "Wag mo pakialaman ang date namin ni Renzo, pwede ba? Kasi kahit anong gawin mo I would still go out with him."

"He'll kiss you on your first date." Pananakot nito ng tignan siya ng seryoso.

"E, di masaya. Sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng first kiss." Tatawa-tawang reaksyon ni Ella para mas lalong inisin si Trace. "By the way, is he a good kisser?"

"How the hell should I know?" halos pagalit na nitong sagot. Matatawa na sana siya sa eksaheradong reaksyon nito kung hindi lang ito muling nagsalita. "Wait, you don't have a first kiss?"

"Shut up, Trace."

"You don't have a first kiss!" tila batang reaksyon nito na sobrang nasurpresa sa kaniyang sinabi. "Wala ka pang nahaha---"

"Ang ingay mo!" mabilis niyang tinakpan ang bibig nito, sabay pinanlakihan ng mata "Susuntukin ko yang mukha mo!"

"Ops. Not the face." Mabilis na tinakpan nito ang mukha at bahagyang lumayo sa kaniya. "Magagalit ang mga babae ko kapag nakita nilang nasugatan ako."

One That Got Away (Playboy Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon