Title: Missing, Lauv
"Okay na ba 'to Lauv?" Lumabas ako sa kwarto ko at pinakita sa kanya ang outfit na suot ko.
Ngumisi nalang sya sa akin kase pang-limang palit ko na ng damit.
"Okay na yan. Bagay naman sayo kahit ano eh." Tumayo sya sa couch at nilapitan ako.
Ngumuso nalang ako.
Mamaya na kase ang concert eh! Kailangan ko talaga ng perfect outfit para doon.
"Tumigil ka nga Lauv! Alam ko namang-
"Okay na yan madam, mamaya malate ka pa." Kinuha nya na ang bag ko at sya na mismo ang nagsakbit noon sa balikat nya.
Habang nasa byahe kami ay sumasabay sya sa kanta habang nagdadrive. Mukang masaya ang mokong ah?
"Bakit ba ang saya saya mo? May ticket ka ba papunta sa concert?" Utas ko natigil lang sya saglit at hinarap ulit ako.
"Oo naman madam! Ako pa." Ako naman ang nagulat sa sinabi nya. May ticket din sya?
"Saan naman galing?"
"Sa bilihan ng ticket? Saan pa? Madam naman.." tumawa sya ng nakakaasar.
Jusko naman ang abno nitong lalaking 'toh!
Totoo nga, dahil parehas kaming nasa VVIP ni Lauv. Katabi ko pa nga sya at nakangisi habang nagvivideo ng nangyayari sa concert.
Sumasabay ako minsan sa kanta at sya naman ay panay ang support sa akin kapag di ko na abot ang high notes.
"And be part of my forever.." sabay na kanta namin sa huling parte ng kanta.
Nakatingin sya sa akin at seryoso nyang sinasaulo ang muka ko.
"Mahal na mahal kita madam."
Kumalabog ang puso ko sa tuwa. Natutuwa ako! O my! Ang landi landi ko na!
Unti unti syang lumapit sa akin at hinalakan ang noo ko.
"Kung alam mo lang.." aniya at niyakap ako.
IYON nalang ang pinanghahawakan kong ala-ala namin ni Lauv simula noong araw na iyon.
Hindi na ulit sya nagparamdam sa akin o sa mga kaibigan man lang nya.
Nagtataka na ako kase di ko na rin sya ma-contact.
Nasa trabaho pa ako ngayon at nagiisip habang namimigay ng flyers.
Nasan na kaya sya? Ang tagal tagal na nung araw na yun!
"Hi." Nagulantang ako sa biglaang pagtawag sa akin.
Nilingon ko si Drake na nakangiti sa akin. Naka-uniform pa sya at medyo magulo pa ang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kanya.
"Drake.. O my! Nasan na ba ang pinsan mo?" Nilapitan ko sya at bigla naman syang umiwas ng tingin.
"He's.. I mean I don't know. Di pa sya nagte text sa akin. By the way, kamusta ang concert? Na-enjoy mo ba?" Di ko na napansin ang huling tanong nya sa una nyang sinagot sa akin.
Nasan ka na ba Lauv?
"Salamat nga pala sa ticket." Medyo malumanay na sabi ko sa kanya at bumaling na ulit sa mga taong naglalakad.
Sana nag-text man lang sya? Pero bakit ba sya nawawala?
Lauv naman!
Umuwi ako ng wala sa mood. Naka-pili na ako ng gown para sa prom.
Ni hindi pa nga nagpaparamdam sa akin si Lauv at halos limang araw na iyon. Wala akong alam kung nasaan sya. Di ko pa nga alam kung tutuloy ba ako sa prom dahil baka di dumalo doon si Lauv.
"Anak, okay ka lang ba?" Si mama iyon pagkatapos nyang magsalita ng magsalita sa harapan ko.
Ni hindi nga pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya.
"Po?"
Nag-aalala syang umupo sa tabi ko.
"Ano bang iniisip mo anak? May mali ba sa mga gusto kong--
"Ma, wala po. Uhm, may iniisip lang po ako. Sorry." Ngiwi ko at halos sampalin na ang muka ko para magising na ang kaluluwa ko.
"Bakit ba? Ano ba iyang iniisip mo, ha?"
"Si Lauv po ma."
"Ayan na nga ba! Break na agad kayo?" Tanong nya na nakapagpawala ng mga pangambang iniisip ko.
"Ma! Hindi pa po kami!"
"Sus! Hay mga kabataan ngayon.." iling iling ni mama at tumayo na.
Ano nga bang nangyayari sa akin?