CHAPTER 4

3 0 0
                                    

Naanig naman ni Amede ang papalapit na anino ng isang tao. Hindi niya patanto kung lalaki o babae ba ito dahil balot na balot ang mukha nito sa pulang tela at mata lamang ang nakikita niya. Napatitig naman ito sa kanya ngunit umiwas din at dali dali siyang pinalibutan ng mga ahas na nakakubli lang sa naglalakihang mga bato.

Tumalon naman ang estranghero ng napakataas at agad niyang pinana ang mga ahas. Natutunaw ang mga ahas sa tuwing napapana ito at iiyak naman ang matanda sa tuwing may namamatay na ahas. Nang unti unting nauubos ang mga ahas na itim, tanging ang matanda at ang ahas na malaki at may apat na ulo nalang ang natira. Agad itinapat ng matanda ang baston niya sa estranghero at umilaw ito, pinakawalan naman nito ang itim na apoy sa deriksyon ng estranghero ngunit agad itong napaiwas.

"huwag kang duwag! Ilantad mo ang iyong pag mumukha! Lumapit ka sa akin!" galit na galit na sigaw ng matandang babae na nakasakay parin sa ulo ng malaking ahas.

Pinakawalan naman niya ang itim na apoy na nag mula sa baston na itim. Ngunit nakailag naman ang estrangherong balot na balot ang mukha. Biglang tumaas ang napakalaking ahas, lumundag naman ang estranghero malapit kay Amede at bumulong ito.

"Bibilang ako hanggang tatlo at sabay tayong tatakbo mula rito" pabulong na sabi ng estranghero kay Amede. Tumango nalang sya dahil hindi niya alam ang gagawin niya dahil gulat at takot siya sa mga pangyayari.

"isa"

Pag bilang palang ng estranghero, gumapang naman ang ahas malapit kay Amede. Pinana niya ito ngunit hindi naman natibag, tumawa ng napakalakas ang matandang babae.

"Maari mong napatay ang iba kong mga alaga! Pero ang isang ito'y hindi mo matitibag! HAHAHAHAH" makalakas na tawa ng matandang babae. Itinapat niya ulit ang baston niya kay Amede ngunit agad hinila si Amede ng estranghero patago sa malaking bato.

"Hindi mo siya mamaring kunin!" galit na sigaw ng babaeng matanda at bumuga ng apoy ang kaniyang mga mata. Gulat na gulat si Amede sa mga nakikita, napaiwas siya bigla dahil muntikan na siyang matamaan ng ligaw na apoy na nag mula sa mata ng babaeng matanda.

Tatlong beses pang naulit iyon ngunit naplingon siya sa estranghero na hirap na hirap ng kalabanin ang apoy na ibinubuga ng mga mata ng matandang babae. Nag tago sa isang bato ang estranghero sa gilid na pinag tataguan ni Amede, Tatlong hakbang lang ang layo nila.

"Lumabas kayo dyaan! Hindi kayo makakatakas sa kalabos ng kamatayan! HAHAHA" Sarkastikong tawa ang pinakawalan ng matandang babae. Sa kabilang dako naman , nanginginig na si Amede at balot na balot na siya ng takot. Bigla nilang naramdaman ang gapang ng ahas na ngayo'y hinahanap sila.

"Dalawa"

Sambit naman ng estranghero at tumango kay Amede, hindi na magawang tumingin ni Amede dahil sa subrang takot at pangamba.
Gumapang naman ang estranghero palapit kay Amede at tumabi ito sa kanya. Bigla namang bumagsak ang isang bato malapit sa kinaroroonan nila, umaapoy pa ito sinyales na nagbuga na naman ng apoy ang matandang babae. Gumapang na ang ahas, at gulat silang napatitig sa matanda at ahas dahil nag aapoy na ang mga ito.

"Tatlo!" sigaw ng lalaki at tumakbo na ito, mabilisan naman ang pag gapang ng nag aapoy na ahas at bumubuga ng apoy ang mga mata ng matanda.

Tumatakbo sila ngayon sa maliblib na lugar habang mag kahawak kamay. Natauhan nalang sila ng huminto sila sa ilog at hindi nila na pansin ang oras dahil nag bukang-liwayway na. Nang napansin ni Amede ang kamay nila bigla siyang bumitaw at napalingon naman ang estranghero. Nagtama naman ang kanilang paningin, sa pagkakataong iyon biglang humina ang ikot ng mundo kasabay noon ang pag ihip ng napakalamig na hangin at tumaas ang ilog sa dagat at sumabay sa tugtugin ng mga bato sa ilog. Pamilyar naman si Amede sa mata ng lalaki ngunit hindi niya alam kong kanino ito. Lumakas ang ihip ng hangin at nag liwanag na  biglang natangay ng hangin ang telang nakabalot sa mukha ng estranghero ngunit agad itong yumuko at biglang lumundag sa ilog. Tumakbo naman si Amede dahil hindi man lang niya ito napasalamatan sa pagligtas sa kaniya. Naagaw naman ng pulang tela ang paningin ni Amede, ang tela na bumalot sa mukha ng estranghero.  Agad ito kinuha ni Amede at tinupi ito ng maayos at nag simula na syang mag lakad sa liblib na gubat at ilang hakbang niya lang ay natanaw na niya ang palasyo.

THE DISCONNECTED NECKLACE Where stories live. Discover now