Nanigas si Amede dahil sa kanyang na kita, kinakabahan siya dahil umahon ang tubig na hugis tao sa ilog, napako siya sa kinatatayuan niya. Nag lakad papalapit sa kaniya ang taong tubig, napakalinaw niyang tubig kung titignan mo siya mula ulo hanggang paa ay walang bahid ng ano mang balat kundi tubig at tanaw mo ang mga tanawin mula sa harap hanggang sa likod niya. Mahaba ang kasuotan nito may kapa pa siya na tubig din, mahaba ang buhok at kulot ito ngunit tubig rin ito maging ang mukha ay tubig ngunit mababakas din ang kagandahang taglay ng taong tubig.may Dyamante din ito sa noo at tubig rin ito ngunit may iilang kulay ang naroon gaya ng pula, berde at asul. May dala dala din siyang baston na may bilog sa ibabaw na siyang inaagusan ng tubig.
"Batid kong nasa pelegro ang aking misyon" mahinhing saad nito kay Amede, bigla namang kinilabutan si Amede ng ngumiti ito sa kaniya. Tatayo na sana siya at mag lalakad kahit saan dahil hindi na niya alama ng gagawin. Nang biglang dumilim ang paligid, at tanging liwanag lang nang buwan ang nakikita niya, nagulat naman siya ng nabiyak ang buwan habang inilabas nito ang napakasilaw na liwanag. Pumikit si Amede dahil hindi niya kayang tignan ang liwanag dahil napakasakit nito sa mga mata.
"Ako nga pala si Ada(Fairy) Dhianna ang Reyna ng mga ilog." saad nito kay Amede, pag lingon niya kay Dhianna bigla nalang siya nawalan ng malay dahil hindi na siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniyang paligid.
Nagising nalang si Amede dahil sa malakas na pwersa ang bumalot sa katawan niya bigla nalang siyang napaupo dahil sa gulat ng napagtanto niyang nababalot siya ng tubig at liwanag ng buwan.
"Mag hunos dili ka Prensesa" saad nu Dhianna at inilagay niya ang kaniyang kamay sa hinihigaan ni Amede at tinanggal ang nakabalot na tubig sa kaniyang katawan lumapit din ang isa pang babae at tinanggal ang liwanag na nakabalot sa katawan ni Amede. Napatulala nalang si Amede sa babaeng nabalot ng liwanag. Halos mag kamukha ang dalawa maging ang kasuutan at maging ang ganda ng mukha pati na rin ang buhok ang nag kaiba lang sa kanila ay ang baston at ang bumalot sa katawan nila, ang baston ng babaeng balot ng liwanag ay may hugis buwan sa ibabaw nito at ang buong katawan naman niya ay liwanag na makukuha sa buwan. Ang mukha niya lang ang walang liwang kung kayat nakikita ang kaniyang makinis at maputing balat maging ang kulay kahel niyang mga mata at ang haba ng pilik mata niya maging ang natatanging tangos ng ilong at ang mapupula at maninipis niyang mga labi. Natauhan naman si Amede dahil nag salita ang babaeng nasa harapan niya.
"Ako nga pala si Trixia at ikaw ang aking misyon, ako ang Reyna ng mga buwan" saad ni trixia at lumpit ito kay Amede at hinipo ni Trixia ang noo ni Amede.
Si Dhianna at Trixia ay mag kapatid ngunit dahil sa isang pangyayari nabigyan sila ng misyon. Tahimik lamang ang kanilang buhay noon ngunit dahil sa pagkawala ng kwentas ay naging ganito na ang kanilang buhay.
"Ate, mag igib na raw tayo nang tubig at humayo na tayo sa palasyo ni Reyna Elizabeth sabi ni itay" saad ni Trixia sa kaniya ate, nag aaral lamang sila sa palasyo ng Reyan Elizabeth, masaya na sila na nakakagamit ng simpleng mahika.
Labintatlong gulang palang si Trixia sa mga panahong nag aaral pa lamang siya sa palasyo ni Reyna Elizabeth at Labin lima naman si Dhianna ng mga panahong iyon. Mula sa hindi makapangyarihang pamilya sila na bibilang, kung tutuusin wala silang espasyo sa palasyo ngunit dahil sa kabaitan ni Reyna Elizabeth ay nag karoon sila ng lugar roon. Wala kasing anak at asawa ang Reyna kung kayat masaya siyang kasama ang dalawang bata.
Mga tao talaga sila, pwedeng mamatay sa ano mag gutom at pag kauhaw. Taga silbi lamang sila sa kaharian ng Reyna at dahil sa hindi inaasahang pangyayari may biglang lumusob sa kaharian ng Reyna at bakipaglaban ang Reyna at natalo niya ang mga kalaban ngunit pagkatapos non ay nanghina na ito dahil napagtanto nila na wala na sa kaniya ang suot na kwentas. Mula noon sinikap nilang matuto ng mga mahika na ginagawa ng maetra nila hindi naman sila na bigo dahil mabilis nila itong natutunan. Ngunit nahirapan sila mag palit ng anyu dahil wala silang sapat na kaalaman sa mahikang ito at nakita nila ang estrangherong tumulong kay Amede at nang hingi sila ng tulong dito. Sa pagkakataong iyon ay natulungan nga sila at nag iba ang kani-kanilang mga hitsura at naging taong tubig si Dhianna at naging liwanag ng buwang naman si Trixia mula noon nag karoon na ng buwan at mga ilog kahit saang mang lupalop ng mundo dahil ang mga lugar na pinupuntahan ni Dhianna ay mag kakaroon ng ilog mismo sa lugar kung saan siya mag pahinga dahil sa pagod sa paghahanap ng kwentas ng reyna. Isa na roon ang malinaw na ilog ang ilog kung saan naging sila ni Carter at Vyle. Si Trixia naman ang naging ilaw ni Dhianna sa Gabi at sumusunod siya kay Dhianna saan man ito mapadpad. Kaya ang daigdig ay naliliwanagan pagsapit ng Gabi ngunit kung wala namang buwan ang kalangitan pumupunta si Trixia sa ilog at binibisita ang kaniyang kapatid. Si Trixia lang kasi ang may kapangyarihang bumaba at umakyat.
YOU ARE READING
THE DISCONNECTED NECKLACE
FantasíaMAG KA IBANG TAO AT MAG KA IBANG MUNDO NA PINAGTAGPO NGUNIT PILIT PINAGLAYO