"Angela, gising na riyan, aalis na kami ng Kuya at papa mo!" Narinig kong sigaw ni mama mula sa sala ng bahay namin na naging dahilan ng pagkagising ko mula sa pagtulog ko."Opo, mama!" Sigaw ko pabalik at bumangon na mula sa kama ko at nagpunta sa banyo upang mag-sipilyo at ma-ligo.
Narinig ko naman ang pagsara ng main door ng bahay namin, senyales ng pag-alis nila, at pinagpatuloy ko ang pagligo hanggang matapos ako.
May pasok kasi sila Kuya, Mama at Papa sa trabaho nila at ako naman ay walang pasok ngayon kaya ako lang ang natira dito sa'min.
Magta-tanghali na at wala akong magawa kaya naman naisipan ko'ng maglinis ng bahay namin dahil nabo-boryo ako.
Habang ako ay naglilinis sa kuwarto ng mga magulang ko, napansin ko na magabok ang ilalim ng kama nila kaya lumapit ako dito't winalisan iyon, hanggang sa may mawalis ako na isang metal na bagay kaya agad ko itong dinampot.
May kabigatan ang bagay na'yon at para itong medalyon na kulay ginto, may isang daliri'ng hinliliit ang haba't lapad.
Pinagmasdan ko ito at nakita ko ang disenyo into na Rosas at may mga tinik pa, may nakasulat rin dito kaya naman binasa ko iyon.
Pagmamahala'ng nagdudulot ng
Kapahamakan at kamatayan sa inyong pagma-mahalan.Matapos mabasa iyon ay nakaramdam ako ng matinding hilo at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam noon.
Naghahabol ang hininga ko at nagpa-pawis na rin ako, napa-luhod rin ako at nandi-dilim ang paningin ko, pakiramdam ko'y mayroo'ng umiikot sa ulo ko at nagpupumilit na makalabas, ngunit bago pumikit ang mga mata ko ay nakita ko na binalutan ako ng liwang na sa tingin ko'y nagmumula sa medalyon.
Pag-mulat ng mga mata ko ay agad akong tumingin sa paligid ko.
Na..nasaan ako?
Nawala na ang hilo'ng naramdaman ko kanina ngunit tiyak ako na wala ako sa silid ng mga magulang ko.
Sa tingin ko ay nasa isang hacienda ako at may natatanaw akong mga taong mukhang trabahador at ako'y nasa medyo tagong bahagi ng hacienda na napali-libutan ng mga puno.
"Angela," Rinig kong tawag sa'kin ng isang Boses na mukha'ng nang-galing sa isang babae at agad kong nilingon ang pinang-galingan nito.
"Si..sino ka?" Tanong ko sa babae.
"Ako si Anael, isa akong anghel at ikaw ay reinkarnasyon ni Ariela," Sambit niya gamit ang kaniyang malamyos na tinig.
A..ano? Ako? Reinkarnasyon?
Hindi ko man nakikita ay sigurado ako na kita sa mukha ko ang pagka-lito.
"Ibinalik kita sa panaho'ng ito, 1930, upang mabago mo ang tadhana. Huwag ka'ng iibig sa aking kapatid na si Zadkiel, may misyon siya rito at dapat niya itong matapos ng hindi umi-ibig sa kahit kanino, kung hindi, buhay niya ang kapalit."
Ibig-sabihin nasa sinaunang panahon ako. Bakit parang mas'yadong mabilis, hindi ko masiyadong maintindihan.
"Bakit bawal siyang umibig?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
TIME TRAVEL
FantasyTuklasan natin ang pagbabalik panahon ni Angela upang subuka'ng baguhin ang tadhana, nagawa kaya niya? Batid natin na ang tadhana ay tadhana, kahit anong gawin natin ay hindi ito mababago.