Chapter 31: Jealous Josh

1K 50 23
                                    

Chapter 31: Jealous Josh
~💖~
Special SHOUT OUT to Laine738 and lalisa_jeon_liskook

Mint's POV

May gaganapin palang liga sa susunod na araw at andito ako ngayon kasama si Rod.

"Ano nga palang sasabihin mo, Rod?" Tanong ko sa kanya.

Tinext niya kasi ako kahapon na magkikita kami ngayon.

"Di ba may gaganaping liga sa susunod na araw, wala pa kasi kaming nakukuha na muse ng team namin eh.  Pwede bang ikaw na lang?" Tanong niya na ikinagulat ko.

First time ko lang kasing alokin na maging muse, pero bakit nga ba ako?

"Huh? Di ba si Cindy palagi ang kinukuha niyo?" Tanong ko.

"Dun siya sa grupo nila Josh." Saad niya.

"What? Edi magkalaban kayo ni Josh? Di ba magkagrupo kayo?" Takang tanong ko.

"Yeah, hinati kasi ni coach ang grupo namin. Kami ang magkalaban, and we're both captain of our team. Kung sino ang mananalo sa amin ay siya ang magiging captain ng team for nationals." Paliwanag niya.

So, kinuha pala ni Josh si Cindy for his group. I think part rin 'to ng way niya para magawa niya na ang inuutos ko sa kanya. Great.

"Okay, payag na ako." I said at nginitian siya.

"Really? Thank you, Avrei." He said at niyakap ako.

"Don't worry, i'll make sure na mananalo kayo." I said.

Hmmm... I have a great plan, sisiguraduhin kong mananalo sila Rod sa laban dahil sa gagawin ko. Humanda ka Josh.

~•~

Maya-maya lang ay pumasok na ako ng classroom namin at binalita  ko sa squad ang napag-usapan namin kanina ni Rod.

And also, wala akong balak na ipaalam kay Josh na magiging muse ako ng kalaban niyang team. 'Cause it's a surprise.

Gusto kong makita kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita niya ako sa mismong araw na yon.

Nagsukat na rin ako ng damit na susuotin ko sa liga.

Kinabukasan ay kung saan ay araw na magtutuos ang team nila Josh at Rod.

Sinuot ko na rin ang damit ko na may nakalagay ng team nila Rod. Ako na rin ang nag-ayos sa sarili ko. Marunong rin naman na ako magmake-up kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang gagawa.

Naglagay ako ng light make up na babagay sa suot ko pero sa lips ako bumawi. Since red team naman si Rod ay palaban na red matte lipstick ang nilagay ko. Naghalf-ponytail lang ako para sa buhok ko at nilagyan ng red lace, kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko.

At bale ang suot ko palang damit ay pencil skirt na red at team shirt nila Rod pero ginawa itong crop top. At nag white shoes na lang ako para sa paa ko. 

After that ay pumunta na ako sa  quarters nila Rod, nakita kong naghahanda na rin sila. Maya-maya lang ay tatawagin na rin sila kapag malapit ng mag-start ang liga.

"You look stunning, babe." Rod said and he kissed my cheeks.

"Oh well, thank you." Saad ko at inilagay ko sa batok niya ang mga kamay ko.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon