Pinilit kong maging maayos yung mood ko, ayokong ipahalata sa kanyang hindi ako okay dahil lang sa mga sinabi niya. Kaya ng tinanong niya ako kung okay lang ako sinabi ko na lang na napagod lang ako. Kaya hinayaan niya akong matulog buong byahe.
Hindi ko na nga namalayang nasa manila na pala kami. Hinatid niya ako sa bahay. Kinuha niya sa compartment ng kotse niya iyong mga gamit ko at inilagay sa tapat ng pinto ng bahay ko. Hinintay ko muna siyang makaalis pero bago siya bumalik sa kotse niya lumapit muna siya sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
"Magpahinga ka na. Thank you. Naenjoy ko ang LU dahil sayo." Nakangiti niyang paalam saakin bago sumakay sa kotse niya. Tanging pagkaway lang ng kamay ang nagawa ko.
Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng bahay ko ng kusa itong magbukas. Sumalubong sakin ang nakapamewang na si Scarlet. Hindi na ako magtataka kung nakita niya iyong mga nangyare. May pagka matanglawin pa naman ang babaeng ito.
"So kamusta naman ang LU?" Hindi ko siya pinansin at dire diretso lang akong pumasok sa bahay ko.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Kanina lang ang saya saya mo pa ah. Tapos pumasok ka lang dito sa bahay mo gusot na ulit yang mukha mo." Panguusisa niya. Chismosa talaga.
"Prinsesa ka di ba? Kaya mo bang magban ng tao para hindi na siya makabalik dito sa Pilipinas?" Ayun lang ang nasabi ko.
"Wag mong papakinggan ang isasagot niyan, tandaan mo run-away princess yan." Sabad naman ni Claude sa usapan. Inirapan lang siya ni Scarlet.
"Alam niyo kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa siguradong iisipin ko na may relasyon kayo." Inirapan lang ako ni Scarlet.
"Speaking of relasyon. Alam mo ba kung anong pinagkakabusyhan niyang si Scarlet lately?" Saad ni Eurydice ni kakalabas lang ng kusina kasama si Cora.
"May reunion pala dito sa bahay ko. Bat parang hindi ako invited?" Sarcastic kong saad.
"I'm busy with work." Defensive na saad ni Scarlet.
"Kelan pa naging trabaho si Keiro Buenaventura?" Taas kilay na tanong sa kanya ni Cora. Sinamaan naman ng tingin ni Scarlet si Claude.
"Princess, my loyalty is sworn under your name. So with all due respect hindi ako ang nagkalat ng balita." Depensa ni Claude.
"Oo nga naman Princess. Hindi sa kanya galing ang balita dahil may mga mata rin kami. Hindi na kailangan ni Claude magsalita dahil kitang kita namin na hinatid ka niya dito. Ehem." Nang aasar na saad ni Eurydice.
"So dalaga na pala ang prinsesa natin?" Dagdag ko sa pangaasar nila. Nginisian lang niya ako.
"Hindi ako ang galing ng LU, I didn't spent 3 days with the guy I liked. She did. Now spill, nasayo na ang spot light." May ngising tagumpay sa mukha ni Scarlet. Mukhang alam niyang kahit anong bato ko ng topic sa kanya madali lang niya maiibalik iyon saakin. Pero asa pa siya. Wala akong balak pagusapan si Jaxon sa harap nilang lahat. Nakakawala lang sa mood ang bwisit na yun.
"Alam niyo ng lahat na asa LU kami ni Jaxon ngayon weekend, pero hindi namin alam kung bakit hinatid ka dito ni Keiro." Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Business matters." Maikli niyang sagot.
"Business lang ba talaga, o muling ibalik ang tamis ng pagibig." Tumatawang saad ni Eurydice.
"Ah bahala kayo." Pikon si gaga kaya nagwalkout.
Dala dala niya yung basket ng strawberry papunta sa guest room. Dito pa talaga balak matulog. Hindi na rin nagtagal sil Eurydice sa bahay ko. Umalis din sila. Pero si Claude nanatiling nakahiga sa sofa.
"May guest room sa taas doon ka na matulog. Hindi aalis yang prinsesa mo dito." Puna ko sa kanya.
"Halata nga. Sabi niya kay Keiro ito daw bahay niya e."casual niyang saad. Siraulo talaga itong si Scarlet ano nanaman kayang problema non.
Kinaumagahan nagising ako sa makulit na pagdodoorbell sa bahay ko. No choice tuloy ako kung hindi bumangon at tingnan kung sino iyon. 7am pa lang ng umaga grabe na kung makapang bulabog. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa taong nandoon. Nakasimangot ito at halatang irritable.
"Hi! Anong kailangan mo?" Magalang kong tanong. Syempre bait bait tayo.
"Si Scarlet?" Nakakunot ang noong tanong niya. Mukhang nagtataka siya kung bakit ako andito.
"Wala siya dito. Maagang umalis." Pagsisinungaling ko. Tumango tango lang siya tapos umalis na.
Pagkasarado ko ng pinto pinuntahan ko sa kusina si Scarlet. Sabay kaming lumabas ng kwarto kanina at siya ang inuutusan kong magbukas ng pinto pero hindi niya ako pinansin at dumiretso lang sa kusina haynako.
"Wag mo ng itanong kung anong kailangan ni Keiro sakin. Dahil hindi ko rin alam at wala akong balak magsalita. Ayoko siya pagusapan." Iyon agad ang sabi niya mukhang alam na agad kung anong sasabihin ko.
"Bakit mo sinabing dito ka nakatira?" Nagtataka kong tanong.
"Dahil tinutulungan niya sila mommy na hanapin ako." Seryoso niyang saad.
"Ayos ayusin mo na nga yang gusot ng pamilya mo. Para hindi ka na tago ng tago dito." Ayun lang ang sinabi ko at naghanda na ng umagahan.
"Wear something nice and comfortable today." Saad niya. Nagtataka ko siyang nilingon. Problema nito?
"Anong meron?"
"Wala lang. maganda lang ang panahon ngayon, maganda makipagdate." Nakangisi niyang saad parang may pinapahiwatig.
Hindi ko na siya pinansin, minsan talaga may sayad yang kaibigan kong yan. Pero sinunod ko yung sinabi niyang masuot ng something nice at comfortable. Syempre kapag broken hearted tayo kailangan hindi natin ipapahalata.
9am na ako nagbukas ng clinic. Walang masyadong kliyente ngayong araw kaya bored na bored ako sa buhay. Naglalaro lang ako sa phone ng may pumasok sa clinic ko. Hindi ko agad tiningnan kung sino dahil busy ako sa kakalaro pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Inangat ko ang tingin ko at nagulat ako ng makita si Jaxon.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong kay Jaxon.
"Hindi na ba ako welcome dito?" Malungkot niyang saad habang may pilit na ngiti sa mga labi.
"Hindi naman. Pero akala ko ba susunduin mo si Linda sa airport ngayon?" Lalong lumungkot yung mga mata niya.
"May emergency daw. Baka next week pa siya makauwi."
"So bakit hindi ka pumasok sa opisina mo? Lunes ngayon ah."
"Ayaw mo na ba kong nakikita? Aalis na lang ako. Aayain pa naman sana kita magamusement park." Nangongonsensya niyang saad. Ang sarap irapan.
"Seryoso ka jan?"
"Hindi. Samahan mo na ko. Ayokong magisa ngayon masyadong malungkot." Nakanguso niyang saad. Akala mo naman bata pa siya. Pero atleast kahit hindi na siya bata ang pogi niya pa rin. 'Maharot' 'maharot' narinig ko nanaman ang boses ni Scarlet sa utak ko.
"Tara na nga ayusin ko lang sarili ko tapos isasarado ko lang tong clinic." Kelan na nga ba kasi ako nakatanggi sa kanya?