SIMULA
Hay ano ba naman yan! Apat na subject tuloy-tuloy ang quiz tapos 7-7 pa kami ngayong araw! Sobrang malas. Psh! Buti na lang last quiz na ‘to. One more quiz then party rock! \m/ one more stress and I'll survive this day.
Isasara ko na ang locker ng may umihip sa tenga ko.
"FUDGE!" Sino ba yun? Sino pa ba? Humarap ako sa kaniya, and that took my breath away. Sobrang lapit namin. Sobra. Mga 5 centimeters lang siguro ‘to. Parang sa teleserye, konting lapit na lang and we can already kiss. Naputol ang imagination ko ng batukan ako ng loko.
"Nanaginip ka na naman! Subject niyo?" Nakangiti niyang tanong. Sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko dahil siguro sa pagkagulat ko sa kaniya. Umatras ako para makahinga pero pinagsisihan ko pa ata ang pagatras ko. Siguro dahil sa ilaw, mas lalong nadefine yung features ng mukha niya. Kumikintab ang noo niya mula sa pawis at unti unting tumutulo patungo sa kaniyang kilay. Kitang kita ko ang magandang hugis ng kilay niya. Mukhang makapal kung ibabase sa mata niyang hiwa na lang dahil sa pagkakangiti. Natatamaan ng ilaw ang gilid ng ilong niya kaya lalong napakita yung katangusan nito at ang labi niya…ayoko na. Ayoko na. Ang gwapo talaga nito at ang bait pa.
!@#$%^&
"AWWWWW!" wala na binabawi ko na, wala na talaga, binatukan na naman ako. Mukha lang siyang anghel pero maitim pa sa buhok niya ang budhi niya. "Sabi ko, ano subject niyo? Balita ko swerte niyo daw ah, apat oh! Kamusta naman? Pasado?" Nakakalokong ngiti niya. Humalukipkip siya at sumandal sa lockers. Sinusubukan na naman ako ng loko-lokong ‘to. Top 3 siya ng batch namin at ako ang top 1. Inaasar na naman ako nito kasi last grading nagtop 2 siya at ako ang 3.
"Perfect ko." Pabulong kong sabi. Napayuko ako sa hindi malamang kadahilanan. Ewan. Nahihiya ako or something, di ko maintindihan sarili ko. Ano bang bago? Wala na naman akong naiintindihan sa sarili ko these past few months. "nakanaks, apir tayo diyan! Galing-galing ng kapatid ko oh! Manang-mana sa kuya!" ginulo niya buhok ko at tinapik tapik. Yeah right, kapatid.
"Sige, late na ko." Nanlamig ako bigla. Talaga namang magkapatid kami dito sa school, pero bakit ngayon sa tuwing sasabihin niya ‘yan para akong binubuhusan ng malamig na tubig., parang may kung anong naglalarong mga ipis sa tiyan ko, parang ang bigat bigat ng katawan ko. Ewan, napakagulo ng buhay.
"Sungit mo. Hintayin kita mamaya, may tatanong ako sayo eh. Dating hintayan ah." Tuloy-tuloy lang ako maglakad habang nagsasalita siya. Hindi ko alam pero inis na inis ako. Naiinis ako sa kaniya, naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako sa mundo."HOY DATING HINTAYAN AH! XYRIEL!!! DATING HINTAYAN!" Naiwan siya sa likod at halos hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi sa bilis ko maglakad. Naiinis ako sa mundo kasi bakit sa lahat ng tao, kami pa. Naiinis ako sa kaniya kasi bakit siya pa. Naiinis ako sa sarili ko kasi pilit kong binibigay sa iba yung sisi kahit ang totoo, ako ang may kasalanan.
Ako nga pala si Xyriel Zayn Mendoza. 16 years old. Senior na ako dito kaya alam na. Biro lang, kahit seniors na kami, hindi naman namin nakakaligtaan ang mga batas dito. Daig pa nga namin minsan ang mga freshmen kung makasunod. Yung kanina, si Keith Cyriel Reyes yun. Ang bestfriend ko. 17 years old.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kapatid. Kasi ganito yan. Dito sa school, may family tree. Eh since gradeschool kambal-tuko na kami nitong si keith. Sobrang kilala na namin ang isa’t isa na pakiramdam ko minsan iisang tao na lang kami. Sobrang open naming dalawa na halos lahat ng sikreto ng isa’t isa ay alam namin. Kahit utot at hininga ata namin alam namin ang ibig sabihin. Dahil doon, napagkakamalan kaming magkapatid.Parehas pa kaming 'sayril' ang bigkas sa pangalan, magkaiba nga lang ang spelling. Kaya naging kuya ko siya, at bunsoy ang tawag niya sakin. Oo na, ang korni, pero dun kami masaya eh. Actually siya lang, napapahiya ako kapag tinatawag niya kong bunsoy eh. And guess what? Inlove ako sa kuya kong 'to. Ang cliché no? Hindi ko inakala na mangyayari din sakin ‘to. Akala ko ligtas na ako dahil hipster ako, pero hindi pala nadadala ng ganun yung puso. Parang may sariling sistema na sinusunod at hindi nagpapatinag.
BINABASA MO ANG
I love you, kuya - one shot
RomanceBestfriends kayo simula pa noong nakadiaper kayo, bestfriends kayo simula pa noong unang natuto kayo magsulat. Sabi nga nila, magkadikit ata yung bituka niyo kaya naisipan niyo maging magkapatid. Pero sa isang iglap, nahulog ka sa kaniya, masakit ka...