Chapter 12
Francis' POV
Bago lang ako gumising..
Saturdaaaaaaaaay na pala, ang bilis lang ng araw..
Tapos itong si Ella ay kaaga aga ng gugulat agad.
"Francis!" sabi ni Ella sabay hampas sa braso ko 3 times.
-_________________________-
"Aray ano ba?" sabi ko. habang hinahawakan angbraso ko..
"Magbihis kana!" sabi niya
"Magbihis?? Ano ba meron?" sabi ko. Parang kanina pa kasi siyang sobrang saya..
"AH GANON!" sabi niya at nagwalk-out.
Ano kaya nangyari du------
Ayyyyyyyy !! NAKALIMUTAN KO.
Anniversary pa la naming mag Bestfriends..
Naku.
Patay.
Paano ko ba makakalimutan yun, eh naka marka talaga yung date na Anniversary namin sa kalendaryo ko. At may reminders pa sa cellphone ko..
Grabe 9 years na pala kaming magbestfriends ni Ella..
Ang tagal na pala naming nagsasama..
Sinundan ko si Ella.
Nagtampo yata..
Ilang minuto rin ang pagsuyo ko sa kanya..
Buti na lang at naging okay rin kami.
"Alam mo ikaw! Buti na lang at Anniversary natin! Kung hindi! Argh!" sabi niya
Inakbayan ko siya.
Tapos bumulong.
"Happy Anniv satin, Gabriella. Treat kita?"
***
Nasa MOA kami..
"Kumain muna tayo??" sabi ko
"Sige."
"Saan mo gusto?" sabi ko sa kanya
"Greenwich!" sabi niya
Parati na lang yata Greenwich..
Last Aniv namin sa Greenwich rin..
"Shakeys na lang tayo.."
"Sige ikaw bahala." sabi niya at ngumiti sakin
Hinawakan ko yung kamay niya..
Ewan ko bakit, basta ginawa ko lang.
Napagkamalan pa kaming magnobya..
*Ang cute nila oh..*
*Bagay sila.*
Magkaharap kami sa table..
"May I take your order?" sabi ng waitress
"Couple ba kayo??" dagdag pa niya
Wow. Grabeng waitress na to, usisera..
"Haa? Hindi.. " sabi ni Ella. sabay "hindi hindi" na hand gesture
"Ano gusto mo?" tanong ko kay Ella
"Ikaw na lang bahala." sabi niya
"Sige. Isang Pizza Grande *bla bla bla bla* "
"Yan lang po Sir?" sabi ng waitress
"Yes."
"Can you wait for 15 minutes?" sabi ng waitress