Chapter 15 - Death Race

412 17 9
                                    

Updated! :)

Guys, kung natagalan kayo ng bonggang-bongga sa pag-uupdate ko, SORRY talaga! I tried my very best na makapag-update kagabi but waley eh.

Therefore I conclude...walang kwenta ang smartbro pagginamit ko doon sa lugar namin. ANG BAGAL!  ~__~

 

‘eto na po...

-----------------------------------------------

“Short moments are sometimes the most cherished ones cause it will always give us the thought that it will never happen again.”

 

“Saan na yun? Dito ko lang yun nilagay ah.” Halos hindi na maipinta ang mukha ni Julia sa kakahanap ng wallet niya sa bag. Kulang na lang eh ilabas niya lahat ng gamit niya.

“Oh? Bhest? Bilisan mo na! Nandito na sundo namin. Sabay ka na.” Sabi ni Chandria sa kanya habang nagpapatulong sa driver nito.

“Mauna na kayo Bhest. Nakalimutan ko yata sa locker yung wallet ko. Kitakits na lang bukas!” mukhang nagmamadali ang mga kaibigan niya at alam niyang hindi ito mahilig maghintay. Time conscious ang mga ito lalo na si Ann na ilang weeks nang super moody at sobrang seryoso.

 

“Ganun ba? Okay, sige. Ingat ka ha! Alis na kami! Bye!”

“Bye!” Hinintay niya munang makaalis ang mga kaibigan bago pumunta sa locker niya. “Hay! Salamat! Buti naman at nandito lang. Akala ko nawala ko na.” Laking pasasalamat ni Julia ng makita ang wallet niya. Nang maisara ni Julia ang pinto ng locker niya bigla siyang nakaramdam ng takot. Medyo madilim na at masyadong tahimik ang hallway.

 

 

“Hello? May tao ba jan?” lumingon siya para tingnan kung may tao sa likod niya pero wala naman siyang nakita. Nagtayuan ang mga balahibo niya, never pa niyang naexperience ang ganitong pangyayari. “Wala namang ganyanan oh.” Dahil natatakot siya binilisan niya ang paglakad hanggang sa nakalabas nap ala siya ng campus. Maggagabi na at wala pang taxi o jeep man lang na pwede niyang masakyan. Dahil nagmamadali na makauwi, napagdesisyunan niya na lang na maglakad hanggang sa highway. Habang naglalakad, ramdam ni Julia na parang may sumusunod sa kanya. Hindi siya mapakali kaya upang malaman kung may nakasunod nga sa kanya, binilisan niya ang paglakad at bigla siyang lumingon para tingnan kung sino ang kanina pang sumusumod sa kanya.

“Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?!” nagulat siya ng makita ang isang lalaking nakaitim at nakashade. Sa kabilang kanto naman ay may lalaki ring nakasuot ng ganito at parehong may baril na nakabulsa. Naging alerto siya at mabilis na tumakbo, paglingon niya hinahabol din siya ng mga lalaki, pero hindi lang dalawa kundi lima. Limang lalaking mukhang kikidnapin siya. Napahinto siya ng may mabilis na sasakyang huminto sa harap niya.

“SAKAY NA!!!!! BILIS!!!!” Nakita niyang si DJ ang nasa loob ng sasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan pang pumasok sa kotse. Inis man siya kay DJ pero hindi ito ang oras para ipairal niya ang pride niya. Kapag nahuli siya paniguradong mapapahamak hindi lang siya, pati na rin ang pamilya niya.

My Life In High School (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon