Chapter 9

8 1 0
                                    

Hindi ako sa bahay dumiretso. Kailangan kong maginom. Kailangan kong makaramdam ng iba, gusto kong kalimutan tong sakit na kanina pa ko pinapatay. Dumiretso ako sa bar na laging pinupuntahan ni Scarlet.

Pagkapasok ko doon dumiretso ako agad sa bar counter at umorder ng alak. Sunod sunod lang yung order ko at nakakairita kasi ang alam ko dapat mapait ang lasa ng alak pero bakit mas mapait yung sakit na nararamdaman ko?

"Kuya isang bote pa nga ng vodka. Yung matapang yung kayang panindigan yung pagiging pafall niya." Saad ko. Napailing lang yung bartender.

Madaming tumatabi sakin mayroong nagkikipagkilala pero umaalis din agad dahil sinisita sila nung bartender. Binabanggit pa nga yung pangalan ni Scarlet.

"Kuya bat kilala mo si Scarlet?" Curious kong tanong. Hindi niya ko sinagot nagkibit balikat lang siya. Ang ganda kausap.

"Bakit ba kanina mo pa binabanggit si Scarlet? Malakas ba siya dito?" Hindi nanaman niya ako sinagot.

Ang snob naman nito akala mo pogi. Amp. Mas lamang naman si Jaxon sa kagwapuhan kesa sa kanya. Hindi ko na siya pinansin. Kinausap ko na lang yung vodka at pinagalitan.

"Alam mo ikaw. Sinungaling ka. Paasa ka din e." Dinuro duro ko pa yung bote ng vodka. "Dapat nalalasing na ko ngayon. Dapat nakakalimutan ko na siya. Dapat hindi ko na siya naiisip. Pero anong ginagawa mo? Lalo mo lang siyang pinapaalala sakin. Punyeta naman e! Pagod na ko masaktan. Pagod na." Punyeta umiiyak na ako. Dito ko pa talaga naisipang umiyak. Pero paki ko ba sa kanila, e sa ang sakit sakit na ng puso ko e.

"Ano? Ubos ka na hindi mo pa rin ako napapatumba. Wala ka pala e." Mayabang kong saad. Pinitik ko pa yung bote kaya nahulog ito. Patay malisya lang ako. Kunwari hindi ako nagkakalat dito. Hihi

"Kuya isa pa ngang bote!" Saad ko. Inabutan naman niya ko agad. "Salamat!" Hindi ko na siya pinansin at binuksan na yung hawak kong bote.

"Isa ka rin kayang dissapointment kagaya nung kaibigan mo kanina? Hmm" saad ko bago ko ininom ang laman nito mula sa bote.

Aware ako sa pait pero parang wala lang sakin. Walang wala pa ring panama yung sakit ng puso ko. Punyetang mga alak naman to walang silbi. Kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Jaxon.

"Hello Jaxon! Naiistorbo ko ba kayo niyang si Linda mo?" Suminghot ako. Punyeta bat ba tumutulo nanaman tong luha na to. Bwisit. Hindi pa umiimik si Jaxon sa kabilang linya.

"Pwede bang ako naman? Wag na yang si Linda na yan? Ako kaya nagpakalma sayo kagabi! Hindi kaya yun panaginip!" Naiirita kong saad habang umiiyak pa din.

"Tangina naman Jaxon. Sa loob ng limang taon na kilala kita hindi mo man lang nahalata na gustong gusto kita. Punyeta ano? Wala ka ba talagang sasabihin?!" Matapang kong saad. Pero wala. Wala akong nakuhang sagot. Itinapon ko ang phone ko at nakarinig ako ng pagkabasag ng mga bote pero pakialam ko ba. Tangina bat ba ko inlove na inlove sa hayop na yon? Wala naman akong napala sa kanya kung hindi paasahin ako. Punyeta.

*Scarlet's P.O.V

Palabas pa lang ako ng hospital ng makareceive ako ng tawag mula kay Claude.

"Ano?" Mataray kong tanong sa kanya. Ugh pagod na ko gusto ko ng mahiga at matulog.

"Nasa bar daw si Illisea, tumawag sakin si Alfred. Kailangan mong sunduin yon. Hindi sasama sakin yon, nagdrunk call pa sakin. Akala siguro ako si Jaxon." Pagsusumbong niya sakin. Napairap ako sa hangin. Jusko naman talaga ang kaibigan kong yon. Ano nanaman kaya ang nangyare?

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon