"Hi, Kiana!" Rinig kong sigaw ng lalaki na nasa likod ng pila.
"Hi!" Bati ko din bago bumaling sa lalaking nasa harap ko ngayon. "Yes?" Tanong ko na agad naman niyang ikinapula.
Nakayuko niyang binigay sa'kin ang dala-dala niyang cupcakes at flowers. "P-Para sayo..." Nahihiyang sambit niya at hindi pa rin makatingin sa'kin.
Ngumiti ako bago ko kinuha sa mga kamay niya. "Thank you. What's your name again?"
"B-Bret..." Sagot niya.
"Nice name, Bret! Thank you for this!" Sabi ko bago siya umalis sa harapan ko.
Sumunod sa pila ay nagbigay na naman ng bulaklak pero may nakalagay na number niya sa may tangkay. Napataas ang kilay kong bumaling sa kanya. "Call me later?" He winked at me.
Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis. "Sure, later." Panloloko ko. As if namang gagawin ko talaga 'yun. I have better taste.
"OMG, ano na naman ito?" Rinig kong reklamo na naman ni Fritzy habang naglalakad silang tatlo papunta sa'kin. "Dinaig pa ang pila sa cafeteria, girl!"
"Ano pa nga ba? Syempre, nakapila na naman mga boylet ni Kiana at nagbibigay ng kung ano-ano." Sagot ni Vienna at umupo na sa tabi ko.
"Hindi na ko magugulat kapag umiyak 'yang mga 'yan ng sabay-sabay." Sabi ni Cassie sabay tawa. "Grabe kung mag-alay ang mga 'to! OMG, ate girl! Are you some witch or one of those doctor quack quacks?"
Inirapan ko sila. "Pwede ba? Palagi na lang ako 'yung napapansin niyo." Sabi ko sa kanila.
"Duh? Sino bang hindi makakapansin sayo sa ginagawa ng mga boylet mo?" Sagot ni Fritz.
"I know maganda ako pero pati ba naman kayo hindi pa nasasanay?" I smiled at them and flipped my hair.
Sabay-sabay silang kumunot ang noo sa'kin. "Seriously?"
"Kung alam mo lang, sawa na kami sa pagmumukha mo." Sagot ni Cassie sabay irap sa'kin.
Gosh, bakit ko ba naging kaibigan mga 'to?
Hindi ko na lang sila pinansin at bumaling na lang ulit sa last na lalaking nakapila. May dala-dala siyang box of chocolates na agad naman niyang inabot sa'kin. He smiled sweetly. "Hi, Kiana! Pwede ba tayong magdate sa Saturday?" Yaya niya.
Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa. Hmmm, pwede na.
"Sure! Just text me, here's my number." Sabi ko at sinulat na lang sa kamay niya ang number ko. "There! See you!"
Pagkaalis na pagkaalis nung lalaki, may biglang sumugod na babae sa'kin at tinapunan ako ng juice.
"What the hell? Kiana!" Gulat na napatayo sina Vienna at dinaluhan ako.
"What's your problem, bitch?!" Sigaw ni Cassie sa babaeng walang-wala sa kalingkingan ko.
"She's the problem! Ang lakas ng loob landiin ang boyfriend ko!" Galit na galit na sagot ng babaeng 'to.
Natahimik na lahat ng students at pinapanuod na kami. Oh, looks like she wants to start a show. Then I'm willing to play with her.
Tumayo na ko sa maganda kong pagkakaupo habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya. I gave her my sweetest smile. "Kung sino 'man 'yang boyfriend mo, siya ang lumapit at hindi ako. Alam naman nating lahat na hindi ako naghahabol pagdating sa lalaki. Sila ang kusang tumatakbo palapit sa'kin." Sagot ko sa kanya na lalo niyang ikinagalit.
"HOW DARE YOU?! ANG KAPAL NG MUKHA MO! ANG SABIHIN MO NILANDI MO ANG BOYFRIEND KO KAHIT ALAM MONG MAY GIRLFRIEND NA 'YUNG TAO!"
Hindi ko na napigilang tumawa sa mga pinagsasabi niya. "Come on! Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo, ano? I don't even know you and your boyfriend so paano ko malalaman?" Nakangiti kong sagot sa kanya.
Napatawa na rin 'yung tatlo. "Look, girl, nagsasayang ka lang ng oras so you better leave."
"Tanggapin mo na lang kasi na hindi makuntento sayo 'yang boyfriend mo kaya ayun, naghahanap pa rin ng much better sayo." Pang-aasar ko.
"BITCH!" Naiiyak na siya at akma na kong sasampalin nang pinigilan ko.
"Oops, wrong move. Don't even lay a finger on me. Hindi mo alam kung sino ako." Seryoso kong sabi sabay sampal sa kanya. Kinuha ko na 'yung bag ko at aalis na sana nang humarap uli ako sa kanya. "And yes, I am a bitch. The baddest bitch so don't even think of blocking my way, aryt? Let's go, girls!"
"The show has ended. Thank you for watching!" Sambit ni Cassie sa lahat ng nanunuod sa'ming students bago sumunod sa'kin.
YOU ARE READING
Our Summer
Teen FictionA city girl named Kiana Maxine Dela Fuente is known for being the baddest bitch in town. She loves to play around and have fun with her friends and boys until her parents decided to bring her to a place with different lifestyle from hers.