Kabanata 6
Gigil na gigil kong binagsak ang cellphone ko sa tabing lamesa ng kama ko at napahilamos ng mukha. Alas tres na ng umaga pero heto ako at gising na gising pa! Hindi ako makatulog kaya naisipan kong manood pero nawalan din ako kaagad ng gana.
Kakatapos ko lang maglaro ng online games at ubos na ubos ang pasensya ko dahil sa mga nagiging kampi ko. Akala ko pa naman okay na ang mga kampi ng gan'tong oras, pero hindi! Kahit anong pag-adjust ko, kampi ko na talaga ang nagiging problema!
"Badtrip na kampi 'to!"
Bumuntong hininga ako at bumangon para kunin ang tumbler ko sa gilid. Uminom ako ng tubig at sinilip ang cellphone ko.
Ilang araw na ang nakakalipas mula nang huling kita namin ni CK. Matapos niyon ay hindi na kami ulit nagkita. Busy siya para sa graduation nila dahil marami siyang kailangang ipasa. Nang mag offer naman ako ng tulong sakaniya ay inilingan niya lang ako at sinabing kaya na niya.
"Ano kaya ginagawa nila Nomari?" tanong ko sa sarili at pumunta sa facebook para i-istalk ang kaibigan.
Saktong active ito sa facebook nang tignan ko ang account nito. May bago siyang mga shared post kaya nag chat ako.
Val:
ARRIIII!
Wala pang isang minuto, na-seen na agad niya kaya napangiti ako. Inabot ko ang earphones sa paahan ko at kinabit sa cellphone ko bago nangingiting tinawagan ang kaibigan.
"Oh my, Val! Kumusta ka na?"
Ngumiti ako sa screen at ngumuso.
Hindi na kami masiyadong nakakapag-usap nila Nomari, Mandy, at Monday matapos namin lumipat ng bahay. Minsan nag ku-kumustahan kami pero madalas ay hindi. Okay lang naman ang gano'n dahil alam kong busy din sila at gano'n din naman ako. Pag kailangan naman namin ang isa't isa nandiyan sila at s'yempre nandito rin ako pag kailangan din nila ako.
"Okay lang ako. Medyo marami lang nangyari nitong mga nakaraang araw pero bumabawi naman si tadhana sa'kin."
Natawa ako sa naisip at naisip si Caden.
"Nakita ko si Khalid, ah? Lumipat pala 'yon dito sa Alma Mina?"
Kumunot ang noo ko at napaisip saglit. Hindi alam ng mga kaibigan ko na hiwalay na kami ni Khalid. Hindi ko pa na ku-kwento sakanila 'yon dahil busy sila nitong nakaraang linggo.
Huminga akong malalim.
"Ah, talaga?" pa-simple akong ngumiti kay Ari na para bang wala lang 'yon. "Wala rin akong balita kay Khalid. Kaya 'di ko alam na lumipat siya."
"Huh? Wala kang balita sa... boyfriend mo?"
"Wala na kami ni Khalid. Mahigit buwan na ang nakakalipas..." humina ang boses ko.
"Oh.. I'm sorry, Val. Hindi ko alam...."
"Okay lang naman. Hindi ko rin kasi nai-kuwento sainyo. Busy ako masyado no'n 'tsaka alam mo na, broken din." Tumawa ako.
"Pero ano... ganito, uuwi kasi kami ng Manila next- next week? Gusto mo ba magkita tayo? Kwento mo rin ano'ng nangyari. My god! Wala na kaming alam sa nangyayari sa'yo!"
"Puwede naman. Saan kayo rito?"
"Si Monday, hindi ko alam. Mag ho-hotel ata si gaga, pero si Mandy, kasama ko."
Pumayag ako sa plano ni Nomari. Wala pang petsa o lugar kung saan kami magkikita pero bago raw siya lumipad papuntang Maynila ay sasabihan niya ako agad.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Художественная прозаStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime