Hi, Ako si Anna. 23 years old.
May boyfriend ako, si Nathan.
8 years na kami ni Nathan, since high school.
***
5:16 am
Nagising ako sa ringtone ng phone ko, nakita kong tumatawag si Nathan. Agad kong sinagot.
"Happy 8th Anniversary baby." sabi niya.
"Happy Anniversary din baby."
"Gising kana."
"Ang aga pa, Wala naman pasok ee."
"Sige, tawag ka nalang pag gising mo."
"Okay, I love you baby."
"I love you too."
At binaba ko ang phone. Ang aga aga naman gumising nung lalaking yun. Tuwing sabado, hapon na yun nagigising pero bahala na, matutulog nalang muna ako ulit.
***
10:07 am
I rubbed my eyes and kinuha ko ang phone ko. Nag facebook ako ng makita ko ang status ni Nathan.
"Happy 8th Anniversary baby, Alam kong madami na tayong napag daanan pero anjan ka parin, never mong sinukuan ang ugali ko. Salamat sa pag chachaga mo sa makulit na kagaya ko. Isa lang ang wish ko baby, ang makita nating sabay ang pag laki ng mga apo natin. I love you so much baby."
Sobrang sweet naman nun. Kinikilig ako.
Agad ko siyang tinawagan at agad niyang sinagot.
"Hi baby, Gising na ako. Where are you?" tanong ko.
"Sa labas ng bahay niyo."
Nagulat ako at agad sumilip sa bintana.
Nakita ko siya nakaupo sa tapat ng gate namin.
"Bakit hindi mo sinabi? Kanina ka pa ba jan?"
"Yes baby, Nung binati kita, andito na ako nun."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Ayoko kasing maistorbo ka sa pagtulog, kaya hinintay nalang kitang magising."
"Baby naman ee, Wait punta ako jan."
At binaba ko ang phone.
Pinuntahan ko si Nathan at pinagbuksan ng gate.
"I missed you so much baby." sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Namiss din kita." bulong niya sakin.
Matapos namin yakapin ang isa't isa tinanong ko siya.
"Saan tayo ngayon baby?"
"Anywhere you want to baby."
Habang nag iisip ako kung saan pwedeng pumunta, nag salita si Nathan.
"Baby, may ibibigay pala ako sayo." sabi niya.
"Ano yun baby?" sabi ko sabay ngiti.
Inabot niya saakin ang isang Pink na paper bag. Na excite ako kaya tinignan ko agad ang laman.
"Barbie doll?" tanong ko sakanya.
"Oo, nagustohan mo ba baby? Hindi yan mamahalin pero galing yan sa puso ko." ngumiti siya.
"Anong akala mo saakin? Bata? Naglalaro ng barbie doll? Aanhin ko naman yan?"
"Sorry baby kung hindi mo nagustuhan, ayan lang kasi ang kinaya ko."
Binalik ko sakanya ang Paper bag at ang Barbie doll. At nag walk out. Sinirado ko ang gate at umakyat na sa kwarto ko.
Nakakainis siya, 8th Anniversary namin tapos ano, Barbie Doll lang ang ibibigay niya?
Okay pa sana ang teddy bear pero bakit Barbie Doll? Nakakainis lang talaga.
Naligo nalang ako para mawala ang inis.
Pero wala ee, Lahat na ginawa ko para mawala ang galit ko pero eto naiinis parin ako.
Tawag siya ng tawag, Text ng text pero dedma.
After 3 hours, Sumilip ako sa bintana para tignan kung andun parin siya. Nakita ko siya nakaupo parin sa harap ng gate namin.
Nakonsensya naman ako kaya bumaba ako at pinag buksan ulit siya ng Gate.
"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka padin umaalis?" sabi ko.
"Kasi baby, gusto kong ibigay sayo tong Barbie doll."
Inabot niya saakin at kinuha ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko nga tatanggapin yang barbie doll mo."
Hinagis ko iyon sa kalsda at hinabol ni Nathan.
Nakahalukipkip ako habang tinitignan siyang dinadampot ang barbie doll at inirapan siya.
Tumalikod ako at papasok na sana sa bahay ng biglang may narinig akong tunog.
BOOOOM.
Lumingon ako at nakita ko si Nathan, nasagasaan ng isang mabilis na sasakyan.
Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko, tumakbo ako patungo kay Nathan habang umiiyak.
"Nathan, baby, don't leave me." sabi ko habang umiiyak.
"Baby, Don't cry." sabi niya habang nakangiti at pumikit.
"Baby, Sabay pa nating makikita ang mga apo natin diba." sabi ko habang umiiyak.
"Baby, sorry. Sorry. Wag mo ako iwan." sabi ko.
Iyak lang ako ng iyak at kinuha ko ang phone ko para tumawag ng ambulance.
"I- I love ... you." sabi ni Nathan at tuluyang pumanaw.
Nadala pa namin siya sa hospital pero wala na talaga.
***
At the burial
After 3 days, shock parin ako sa nangyari.
Hindi parin ako makapaniwala na wala na si Nathan. At ang masakit pa dun, dahil saakin.
Ililibing na si Nathan ngayon, niyakap ko ang coffin niya at iyak ako ng iyak.
"Sorry, I am sorry baby. Dahil saakin, namatay ka. Mahal na mahal kita baby." sabi ko and suddenly nakita ko ang Barbie Doll beside his coffin. Kinuha ko yun at inuwi.
***
Nang makadating na ako ng bahay, humiga ako agad at niyakap ang barbie doll. Tinignan ko yun, Isa lang naman siyang normal at simpleng barbie doll pero bakit ganun ang halaga niya kay Nathan. Pilit niyang binibigay saakin kahit ayoko. Ano bang meron dito.
Napaisip ako at inilagay sa isang box ang barbie doll, sa box na yun lahat ng galing kay Nathan ay nakalagay.
Humiga ako para matulog at magpahinga na, ilang araw na kasi ako iyak ng iyak at walang tulog. Pero hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang barbie doll at tinignan. May nakapa ako sa bag nito. Sing sing, at may papel, nakasulat, "Will you marry me?"
Tumulo ang luha ko at isinuot ang sing sing sa kamay ko.
"Yes baby, I will marry you. Kahit huli na ang lahat, kahit wala kana, Mahal na mahal parin kita at Mamahalin parin. Thank you sa mga alaala mo baby. Alam kong masaya kana kung nasaan ka man. Sana tulungan mo akong makaya kong ipagpatuloy ang buhay ko ng wala ka. love you so much baby."
BINABASA MO ANG
Barbie Doll - One Shot
Short StorySi Anna ay isang simpleng babae pero maarte pag dating sa bagay. Malaki siya kung humiling. Pero paano kung isang araw, Bigyan siya ng kanyang boyfriend na si Nathan ng isang Barbie Doll. But she expects more than that. Anong gagawin niya?