Prologue

16 0 0
                                    


Magulo ang kalsada. Maingay ang tunog ng mga sasakyan, sinabayan pa ng mga boses ng mga tao at ng malakas na buhos ng ulan. Abala ang lahat. May kanya-kanya silang ginagawa. Samantalang ako, abala sa pagsunod sa lalaking naka berdeng polo.

Pilit siyang umiiwas sa mga patak ng ulan. Sa wari ko'y pauwi na siya galing eskwela. Sa kanyang paglalakad, may nadaanan siyang nagtitinda ng cotton candy. Bumili siya ng dalawa, saka dali-daling tumakbo sa ulanan ng walang kahit anong proteksyon.

Narating niya ang paradahan at sumakay sa isa sa mga tricycle. Kapansin-pansin ang payat niyang pangangatawan, maputing balat, matangos na ilong at mahahabang pilik mata. Sa pagtigtig mo palang sa kanya, malalaman mo nang may lahi siyang dayuhan.

Ngunit di katulad ng mga karaniwang anak banyaga, siya'y hindi nakararanas ng luho. Ang gamit niyang bag sa eskwela ay galing sa isang kapit-bahay, halatang napag-lumaan na. Ang sapatos niya'y gawa sa goma, mabibili mo sa palengke sa halagang singkwenta pesos. Ang polo niyang berde na lamang siguro ang natitirang maayos niyang gamit.

Isa siyang iskolar sa isang tanyag na paaralan sa probinsya ng Laguna. Ang nagpapa-aral sa kaniya ay ang mayor ng lunsod na siyang may-ari rin ng paaralang iyon. Matalino at madiskarte siyang tao. Sa edad na 19 anyos ay marami na siyang napasukang trabaho matustusan lamang ang kanyang pag-aaral. Hindi siya katulad ng mga karaniwang kabataan na lulong sa gimikan at inuman.

Alas-singko ng hapon nang makauwi siya sa munti nilang tahanan. Nakaabang na ang mga kalat at ligpitin sa kanya. Nagpalit na siya ng damit at saka agad sinimulan ang mga gawaing bahay.

Alas-otso ng gabi, dumating na galing trabaho ang nanay niya kasama ang limang taong gulang niyang kapatid. Agad tumakbo sa kanya ang bata sabay halik sa pisngi nito.

"ano kamusta trabaho ni nanay ha, toy?", tanong nya sa kapatid.

"ayos lang kuya Pau!", sagot naman nito.

Ibinaling niya naman ang tingin niya sa nanay niya na halatang pagod sa pagtatahi.

"Nay, kakaluto ko lang ng ulam. Kain na tayo", aniya.

"Sige nak. Maghain ka na at ako'y magbibihis lang."

"sige po nay", sabi nya nang nakangiti.

"Ang ganda ng ngiti nya. Sana kaya ko ring ngumiti ng katulad niyon", bulong ko sa'king sarili habang naka-pikit.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang kisame ng aking kwarto na punong-puno ng mga glow-in-the-dark items.

Bumangon ako mula sa aking kama at dumiretso sa ref upang uminom ng tubig. Pagkatapos ay bumalik ako saglit sa kama para kunin ang cellphone ko. Kakain na siya, kakain na rin siguro ako.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata, makalipas ang ilang segundo, nakita ko na ulit siya. Masaya na siyang kumakain ng hapunan kasabay ng kanyang pamilya. Napangiti ako at saka nagmulat na.

Apat na taon na ang nakalipas simula nang madiskubre ko ang bagay na ito. Araw-araw kong nasasaksihan ang pamumuhay nya. Sa bawat araw na lumilipas, lumalalim na ang paghanga ko kay Paulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TransparentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon