"Ano ba'ng makakapagpasaya sa 'yo?" Tanong ng isang sikat na si Alex Page, na bokalista ng bandang Field, kay Chelsea Williams, na isa niyang taga-hanga. "Is there anything you want me to do?"
Napangiti naman si Chelsea sa kaniya. "Actually, you being here is enough but...but there's some things that I want to do with you before I leave."
"B-Before you leave?" Kunot-noong tanong ni Alex kay Chelsea.
Imbis na sumagot ay kinuha ni Chelsea ang isang papel na nakatiklop sa bulsa ng pantalon niya at iniabot ito kay Alex. Nalilito man ay binuksan pa rin ito ng bokalista at binasa ang laman noon.
My Bucket List
1. Be his girlfriend for the next 100 days
2. Have an ice cream date with him
3. Travel places I've never been before with Alex
4. Tell him you love him so much
5. Be with him until I fall asleepNapatingin dito si Alex saka siya ngumiti. "Are you sure you want to be my girlfriend just for 100 days?"
Nahihiyang tumango si Chelsea rito. "Y-Yeah. J-Just for the next 100 days. Please? 'Yon lang ang kahilingan ko bago ako umalis. Could you give me a chance?"
Natahimik muna si Alex bago muling ngumiti. "Okay, you're officially my girlfriend now."
Kumalabog ang dibdib ni Chelsea nang sabihin 'yon sa kaniya ni Alex. Ang lalaking noon pa niya hinahangaan. Matagal na siyang taga-hanga nito at ng bandang Field pero hindi siya magkaroon ng pagkakataong makita ito nang malapitan at makausap nang ganito. Pero ngayong papunta ang banda sa Cebu para ro'n magkaroon ng concert ay kaagad siyang pumunta ng airport at nagkaroon ng lakas ng loob lapitan siya kahit pa pinipigilan siya ng mga guwardiya nito.
"But..." Napatitig si Chelsea kay Alex nang magsalita ulit ito. "Saan ka ba pupunta? Masyado ba 'yang malayo? Nalibot ko na ang buong mundo, for sure ay magkikita pa tayo."
Binigyan siya ni Chelsea ng isang matamis na ngiti. "I'll tell you on the 100th day."
Ngumiti rin si Alex saka tumango-tango. "Okay."
Nagsimulang tuparin ni Alex isa-isa ang mga nasa bucket list ni Chelsea. Gusto niyang kahit paano ay mapasaya niya ang isa niyang fan. Kung ito lang makakapagpasaya rito bago ito ay umalis ay masaya pa niyang gagawin 'yon. Kahit pa nga pinigilan siya ng manager nila ay hindi siya nagpatinag dito. Kahit ito man lang ay magawa niya para sa isang fan na malaki ang naiambag sa career niya.
Nilagyan ng malaking check ni Alex ang unang nasa nakalista ro'n. "There, natupad ko na ang pang-una."
"Pwede pa ba 'kong humiling?"
"Sure. What's that?"
Napayuko si Chelsea sa hiya. "K-Kung gagawin natin 'yang mga nasa bucket list ko...k-kailangan mong—"
"Don't worry, I already told my manager na mawawala ako ng 100 days." Nakangiting putol sa kaniya ni Alex habang nakatingin sa cellphone niya saka muling ibinalik ang tingin kay Chelsea. "He can't say no to me."
Pareho silang natawa sa sinabi nito.
Tumayo si Alex mula sa pagkakaupo sa isang park na nirentahan niya upang walang ibang umistorbo sa kanilang dalawa. Matapos kasi nilang magkita sa airport kanina ay napagpasyahan ni Alex na dalhin ito sa isang park para makapag-usap sila nang maayos nang walang umiistorbo sa kanila. Mabuti na lang at mabilis kumilos ang kaniyang manager kahit pa biglaan ito. Paniguradong katakot-takot din na sermon ang matatanggap niya rito, pero sanay na siya ro'n.
![](https://img.wattpad.com/cover/188847242-288-k828282.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Bucket List [One-Shot Story]
Short StoryOne-shot story Book cover illustrated by: Ajjay Arts Important Notice: This book cover was commissioned by the writer and is protected by copyright. All rights to the artwork belong solely to the artist. Reposting, reproducing, or using this cover f...