Chapter 1: That Summer Night

158 9 1
                                    

CHAPTER 1: THAT SUMMER NIGHT

(5th month of the year)

"Oh! Amanda? Gabi na ah? Ngayon ka palang uuwi? Yari ka nanaman sa nanay mo nyan!" Sabi ni Mang Rudy habang nakikipagtawanan sa mga kainuman. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sanay na ako sa mga yan. Ewan ko ba kung concern o nag-aasar eh.

"Pst!.." *lingon "...Psst!...Pssst!" Nagpalinga-linga ako. Tinignan ko ang puno, damuhan at ang tindahan ni Aling Bebang. Wala namang tao. Nalagpasan ko na sila Manong Rudy ah! Nyek. 

Napakamot ako sa ulo at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Nako! Anong oras na pala, makikipagrakrakan na naman ako sa nanay ko nito. Haaaay!" Kung alam lang nya na rumaraket talaga ako kaya gabing gabi na ako kung umuwi. Summer kasi eh. Sayang naman kung tumunganga lang ako sa bahay at mag-antay ng bulalakaw na gawa sa pera. 

Pano nalang kami ni Nanay sa pasukan neto! Madugong gastusan pala kapag college. 

"Pst!...Hoy!...Pst!...Pst!"

"Anak ng! Sino kaya yun? Kanina pa yun ah!" Binilisan ko ang paglalakad habang hinahanap ang epal na kanina pa sumisitsit. Kahit binibilisan ko, may anino sa likod ko. Hindi akin yun. Di naman ako ganun katanga para di matukoy kung alin yung anino ko -__-

Halos takbo na ang gawin ako. Pero naisipan kong harapin ang mokong na abnormal.

"Sino ka ha?" Nililiwanagan ko kung sino siya. Malayo pa lang, amoy ko na yung mabantot na amoy ng alak. Imposibleng tambay lang 'to. Galing pumorma oh! Bigla nalang...

"...Aaaaaah! Bitawan mo ako! Sino ka ba? Argh!" Sigaw ako ng sigaw. Peste. Ginawa akong sako. "Waaaaah! Tulong! Help! Tulong! Help!" Mahal ko pa buhay ko. Tae na yan. 

"Wag kang maingay kung ayaw mong may mangyari sayong masama." 

"At bakit hindi ako mag-iingay ha? Ikaw yung kanina pang sumisitsit sa akin noh? Sino ka ba? Bakit mo ako dinala dito? Alam mo ba na nag-aalala na yung nanay ko kaya kailangan kong makauwi kaagad sa lalong madaling panahon kung hindi kakaladkrakin ako ng nanay ko." 

Binaba niya ako at isinandal sa pader. Di ako makatakas. Nakaharang yung braso niya. Akala ko OA lang yung ganitong eksena at sadyang gusto rin ng mga babae yung gagawin sa kanila kaya di sila makatakas, pero ang hirap pala talaga. Medyo awkward plus the bad aroma ng alak. Ayoko talaga neto!

"Maki-cooperate ka nalang."

Napatigil nalang ako sa boses niya. "Tt..Te..Teka! Pamilyar yung boses mo ah? Ikaw si EN..." Natitigan ko sa mata. Tama nga ako. Si Enzo Thomson nga! 

Hinalikan niya ako. 

Hinalikan niya ako? o_O

Hinalikan niya ako! O____O

HINALIKAN AKO NI ENZO?! Ang pinakasikat at idolo ng lahat ng nabubuhay sa henerasyon ko. Waaah. Ganun ba ako kabait at gusto na akong kunin ni Lord? I'll die! Enzo Thomson to eh! 

Kissed by My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon