May Pag-asa pa ba?

7 0 0
                                    

        Kapag nagmahal tayo ng isang tao lalo na't isang beses palang ay ang laging nasa isip natin ay ang mga positibo na pwedeng mangyari ngunit pag pangalawa na may takot at pangangamba na dahil malay mo ang nakaraan ay hindi na pwede balikan dahil nga "NAKARAAN" na. 

"Promise natin sa isa't isa walang iwanan." pangako ko sakanya. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi iyon. Sabi nga ng iba Don't make promises if you're happy. Pero alam ko naman na totoo iyon kasi nga kita mo saaming mga mukha ang napakaganda na ngiti namin sa isa't isa lalo na't pag kami ang magkasama.

"Promise." sayang sabi ni Nico habang yakap yakap ako.

        Kapag ang nagmamahal, kahit maliliit na bagay ay pinag-aawayan dahil nga minsan nasasaktan sila at hindi lang maamin-amin.

"Masakit Nico, ang pagsabihan na hindi ako nararapat para sayo dahil parang magkabilang mundo tayo!" sigaw ko sakanya. Para matatak sa isipan at puso niya na masakit ang pinagdadaanan ko dahil lang sa mga naririnig-rinig ko sa ibang tao.

"Wag ka maniwala dun! Hindi iyon totoo. Andito lang ako, diba promise natin walang iwanan? Naiinggit lang sila sayo dahil isang katulad ko na lalaki ay nagmamahal sayo ng lubusan kesa sa kanila. Please. Don't give up so easily." makaawang sabi ni Nico. Masaya ako kapag nasa tabi ko siya kaya ayaw kong mawala sa piling niya.

        Pero bakit ganun, sabi niya na walang iwanan, pinaalala pa niya saakin ngunit parang konti nalang ay parang mawawala na siya ng lubusan. Para na siyang isang bula na malapit nang maglaho sa aking mga mata.

"Nico, bakit wala ka nalang laging time saakin?" tanong ko sakanya.

"Kasi nga busy ako kasama mga barkada ko. Alam mo naman si Criston, kararating lang sa ibang bansa kaya nagcecelebrate kami para sakanya." sabi naman niya saakin at inakbayan ako.

"Isang buwan niyo cinelebrate ang pagkarating niya sa Canada? Wow Nico what a good excuse for me to believe you!" inis na sabi ko sakanya. Sa nangyayari ay parang may mali na. Hindi na siya yung dating minahal ko.

"Ano ba?! Hindi ka ba nagsasawa na lagi nalang tayo magkasama Sandy?!" sigaw niya na may pagkahalong galit. Bakit? Anong nagawa ko? Sawa na ba siya?

"So, you're telling me that you're tired of everything and wanted to end th-" hindi ako natapos kasi nagsalita siya,

"I want to break up with you." sa pagkahina ng boses niya ay pinaulit ko sakanya ang sinabi niya, huminga muna siya ng malalim "I WANT TO BREAK UP WITH YOU SANDY DON'T YOU UNDERSTAND?!"

Sa sakit na naramdaman ko ay nasampal ko siya, "So, ito pala ang tinatawag na forever ah? Ha! Natawa naman ako."

Sa totoo lang, narinig ko ang sinabi siya saakin nung sinabi niya saakin na he wanted to break up with me, pinaulit ko lang sakanya para tumatak sa isipan ko na EVERYTHING HAS ENDED.

Nag walk-out ako pero pinigilan ako ni Nico, "What now Nico?" mukha siyang naguguluhan, nababasa ko sa mukha niya nagkamali siya sa ginawa niya but like what I said awhile ago, everything has ended and no more turning back now.  Tinignan ko siya ng masama, at ayun binitawan niya na ang pagkahawak niya sa kamay ko. Masakit! Pakshemay, ang sakit umibig lalo na't pag minahal mo talaga yung isang tao.

Mag iisang linggo na pero may tinik  parin saking puso. Araw-araw ay parang palalim ng palalim ang sugat at wala nang makakagaling pa rito.

        Ang sakit sobra! Next month, first anniversary namin pero wala na yun dahil hindi na naabot. Bakit ba kasi napadala ako sa pride ko? 

"Sandy, pasok ka na." sabi sakin ni Mommy.

"Bye Ma." tipid na sagot ko sakanya.

Hindi ko kinausap ang mga kaibigan ko, mga kaklase ko o kahit na sino pa skwelahan dahil gusto ko muna mapag-isa. Kumain, matulog, at makinig ng kanta ang ginagawa ko pag ako'y nag-iisa.

"Sandy, kausapin mo naman kaming mga kaibigan mo. Dahil lang sa lintek na pag-ibig na yan iniiwasan mo na kami. Hindi naman kami yung nagkasala ah? Kami ba ang nakasakit sayo?" inis na sabi ni Jamei.

Tinitigan ko siya, oo nga naman kasi, mali itong ginagawa ko. Iniiwasan ko mga kaibigan ko dahil lang sa broken hearted ako. Napaka arte ko masyado! Hindi ko man lang pinansin kung anong nararamdaman nila kapag ginagawa ko yun. Kaibigan ko sila kaya may karapatan sila, sige na tama na, tapos na ang lahat at kailangan ko na muling ngumiti.

"I'm sorry Jamei, please forgive me." maikling sabi ko sakanya at yumuko dahil naluluha na ang aking mga mata. Kahit masakit kakalimutan ko, kahit mahirap gagawin kong maging masaya na hindi ko siya kapiling sa aking tabi, kahit na mahal ko parin siya ngayon kailangan kong iwasan ang nararamdaman ko para sakanya dahil tapos na ang lahat.

"Sandy?" mahinhing boses ang narinig ko.

"Jamei, mahal ko pa siya! Pero, kakayanin ko wag ka mag-alala. Naniniwala na talaga ako sa walang forever. Bwisit na forever! 21 lang ang may forever!" sinasabi ko sakanya habang nakayuko parin ako.

"Sandy, tama na. I'm sorry." isang napakalaki at napakalambot na kamay ang dumapo sa aking pisngi.

Oo! Tatanggapin ko na ang lahat na wala na. 

TAPOS NA ANG LAHAT! PAST IS PAST! HINDI NA SIYA PWEDENG BALIKAN!

Nang imulat ko ang aking mata sa pagkakaiyak ko ay

"Nico?" bulong ko.

Ngumiti lang siya.

Totoo nga bang nasa harapan ko siya ngayon?! 

"Sandy, I'm sorry. Please forgive me for hurting you."

 May halong sakit at saya ang naramdaman ko nang makita ko siya sa aking harapan.

Tapos na nga ba o naguumpisa palang? 

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May Pag-asa pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon