"Bakit ang daming manloloko sa mundo?masaya ba sila kapag nakakapanakit sila ng ibang tao?sana sila nalang iyong pinapatay sana sila nalang!" Sigaw nito habang nagwawala na dahil broken hearted siya."Shh tahan na Erine wala namang magagawa iyang pag-eemote mong yan eh! Hindi na siya babalik hindi ka na niya babalikan pa kasi meron na siyang iba!" Sabi ko dito feeling ko kasi malapit na siyang mahibang na kapag iniwan ko siya baka may gawin siyang di maganda.
"Alam ko pero hindi ko kayang pigilan eh mahal ko pa kasi." Sabi nito habang patuloy na lumuluha dahil sa sobrang sakit ng kaniyang nadarama.
Ganoon ba talaga kapag nagmamahal ka?kailangang makaramdam kadin ng sakit?takot pero kailangan nakakapit ka parin kasi hindi mo alam ang mga mangyayare?pero hindi mo mapipigilan na mahulog ang taong mahal mo sa iba? ang unfair naman na loyal ka sa kaniya habang siya,nagmamahal na pala ng iba.
"Ang hirap kalimutan ng taong nagpaintindi sa akin ng totoong ibig sabihin ng pag-ibig." Pilit man ay nakita ko siyang ngumiti siguro nga hindi pa niya makakalimutan iyong taong iyon pero sana makamove on na siya.
"Ang hirap kasi kung nakastock ka lang sa memories niyo pero in reality may mahal na pala siyang iba." Sabi ko naman dito ayaw ko na kasi siyang umasa baka kasi lalo siyang masaktan
"Kung pwede lang ayaw ko nang kiligin dahil iyong huling nagpakilig sakin ay dumurog din sa akin." Sabi pa nito habang tulalang nakatingin sa kawalan habang pilit kinakalma ang sarili.
"Unti-unti ko nading tinatanggap na hindi ako good enough para piliin ng isang tao kasi im not wort it patapon lang ako diba?"sabi pa nito pero ngayon nakatingin na siya sa akin pilit ko mang iwasan ang kaniyang mga mata upang di ko makita na deep inside nadudurog na siya pero kapag iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya baka isipin niya na iiwan siya ng lahat
"Erine hindi lahat ng tao nang-iiwan maybe hes part of your history but not your destiny."sabi ko pa dito habang nakatingin sa kaniyang mga mata at pilit na inaalam kung ano ang nasa isip niya.
"Bakit pa kasi ako nag-effort sa maling tao hindi sana ako masasaktan ng ganito."
Diba nga kaya tayo nag-eeffort kasi mahal natin iyong tao?huwag mong isisi sa sarili mo lahat nagmahal kalang,hindi naman masamang magmahal eh huwag lang sumobra."sabi ko dito hindi ko alam kung saan ko napulot iyong mga sinasabi ko ngayon parang ako pa iyong maraming alam sa pag-ibig eh hindi ko pa naman iyon nararanasan at nararamdaman.
Ang sakit pa kasi Kristel eh alam mo iyong feeling na mahal ko pa siya,pero humanap na agad siya nang iba feeling ko dinudurog ako ng paulet-ulet at hindi na mabubuo pa." Sabi pa nito at hindi na muling nagsalita.
Feeling ko matagal pang maghihilum ang sugat sa puso niya kasi sariwa pa ito at talagang minahal niya iyong tao ganoon naman talaga eh magmamahal tao at masasaktan