Chapter Ten

4.5K 135 24
                                    

"Umuwi ka para umalis." I whispered.

"Gabi pa naman ang alis ko bukas." Sagot niya at malungkot na ngumiti.

"It's okay. I understand." 

Magkaharap kaming dalawa. Nakahawak siya sa aking baywang at nakatalukbong ang comforter sa aming mga katawan.

It was a solemn night. The calmness in his face made me forget all the turmoil in my world. The subtle light from the lampshade gave justice to his beautiful russet brown eyes, making it darker yet warm. I trace his pointed nose using my trembling fingers.

I don't know why I'm trembling. Maybe because of fear? Maybe because of anticipation?

"Thank you for understanding," He smiled and then he slowly brushed my hair with his fingers.

Sa sobrang rahan nito, napapikit ako. Parang hinehele rin ako ng haplos niya at kalaunan ay hinila na rin ang aking kaluluwa para makatulog.

Kinaumagahan ay binulabog ako ng mga paalala at schedules ko para sa café at kompanya. Uunahin ko na ang pagbisita sa factory ngayong umaga. Mabilis ang pagbangon ko at pagkilos. Wala si Groian sa aking tabi at siguro ay nasa baba na.

Mabilis akong naligo muna. Nagsuot ng kulay puting crop top, faded maong jeans at Timberland boots. Ito ang madalas na suot ko kapag bibisita sa factory, which is pangatlong beses ko palang gagawin simula nang naging CEO ako. Hinayaan kong nakalugay ang buhok at kinuha na ang handbag.

Pagbaba ko ay namataan ko si Groian na umiinom ng kape. Nakasuot na siya ng itim na sando at boxer shorts at ang buhok ay bahagyang magulo.

He smirked while eyeing me from head to toe. I have to use all the prayers I have to prevent throwing myself at him.

Santisisma! Huwag mo na akong pahirapan! Nakabihis na ako!

He grinned at me and continues to check me out.

"I have to go to the factory today." Sabi ko na para bang may tinatanong siya.

Sinulyapan ko ang mga pagkain sa hapag. Tila mayroong pista sa dami ng niluto niya. Tignan ko pa lang iyon ay mukhang masarap na.

"Thanks for the breakfast."

Kumindat lang siya sa akin at mabilis na hinubad ang kanyang kulay itim na sando at ginawa iyong pamunas sa maliliit na butil ng kanyang pawis.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Tinuon ko ang pansin sa niluto niyang bacon and eggs. Mayroon ring El Nido Soup.

"Kumain na tayo." Sabi ko.

Tumango siya at sinuot muli ang kanyang sando.

"Sasamahan kita sa factory." Aniya habang nagsasandok ako ng pagkain para sa kanya.

"Hmm, wala ka bang ibang gagawin?" 

He looked at me with the same intensity as always. Ang lalim ng kanyang mga mata ay palaging isang malaking hiwaga para sa akin. Para bang binabalik ako nito sa unang panahong nakilala ko siya at wala pa ring nagbabago.

"Meron."

"Ano naman?"

"Ang mahalin ka." Hirit niya at ngumisi.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil tiyak na para akong kamatis sa pula. Naririnig ko ang patuya niyang tawa at nilapitan ako para patakan ng halik sa pisngi na lalong nakapagpamula pa sa akin.

"Ihahatid kita sa factory. That's final." Aniya.

Naligo muna siya sandali at nang bumaba ay nakasuot na siya ng puting v-neck t-shirt, maong pants at boots. Buti at may dala siyang gamit! Siguro ay nasa sasakyan niya iyon.

Strings Attached (Good Kiss Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon