06 Longing Eyes

4 0 0
                                    

Her Point of View

‘I hope I could talk to you today, honey.
- Dad

Napatitig lang ako sa phone ko matapos ko mabasa ang text message ng secretary ng Dad ko. Talking to him is the last thing I would want to do today. Mas kailangan kong asikasuhin ang mga kasama ko kaysa makipag-usap sa kanya. Inayos ko na ang backpack na dadalhin ko at ang camera, the school paper asked me na magdocument ng magiging performance ng Bulletproof Boy Scouts dahil hindi sila makakasama doon at wala rin silang kakilala na mapagkukuhanan ng documentation sa SLA school paper at um-oo ako.

***

Pagkarating namin sa suite na pahirapan kong pinakiusap sa admin at hotel manager ng SLA, ayaw nila kaming bigyan ng tag-iisang kwarto pero ayaw din nila kaming bigyan ng iisang kwarto para magkasya kami. I already did search their school blueprint kaya alam ko na mayroon silang master suite sa center wing ng mini hotel. Isang linggo din akong nakipag-usap para hayaan nila kaming matulog doon ng isang gabi man lang.

Upon seeing their satisfied faces pagkapasok naming sa suite ay nakahinga ako ng maluwag, hindi naman pala sila maarte at mareklamo. Nagpaalam din ako para ayusin na ang lunch nila, alam kong gutom na sila kahit hindi nila sabihin.

Pagkalabas ko ay biglang may tumawag sa pangalan ko, nang lingonin ko kung sino yun ay nakita ko si Jimin.

“James Emmanuel,” bati ko sa kanya ng makalapit sya sa akin.

“Wag mong buoin ang pangalan ko, Zooey Andrea,” pagbabalik nya sa bati ko, nginisian ko naman sya.

“Sasamahan kita sa baba, wag ka ng umangal pa,” sabi nito at nagsimula nang maglakad. Hinayaan ko nalang sya at nakisabay na din ako sa kanya.

Nobody knows that Jimin is my childhood friend, but as usual, childhood friends grew apart as time flies.

“Why are you not coming home until now?” nakakunot noong tanong nya sa’kin.

“That’s not the kind of question I expected from you. At wala rin akong balak sagutin ang tanong mo, kaya please huwag mo nang tanungin pa,” sagot ko sa kanya at nagkibit balikat lang ito.

“Nagtatanong lang ako, and by the way Andrea,” napatigil ako sa pagtawag nya ng pangalan ko.

“Don’t call me by that name Jimin, I hate it,” he patted my shoulder and said, “I have that habit of calling you by second name, alam mo naman yun,” tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad muli.

***

After almost thirty minutes, nakaayat na kami ulit sa suite, tumunog muli ang phone ko kaya binasa ko yun. It was my dad’s secretary again. Hindi ko napansin na tumigil sa paglalakad si Jimin kaya nabangga ako sa likod nya, nagsorry naman ako sa kanya at ngumiti naman ito.

Inaya ko na ang anim para bumaba na dahil nakahanda na yung pagkain para sa kanila.

“Sya yung anak nung congressman diba?”

“Oo, kaya pinaayos yung special na master suite para daw sa kanya.”

“Ay talaga ba? Grabe talaga pag may koneksyon no? Laging special treatment.”

Napatigil ako ng bahagya sa paglalakd ng marinig ko yun, I want to tell them how hard it is to book that master suite without using my own name. Dahil kaya isang linggo akong nakikipagusap dahil hindi ko ginamit ang pangalan ng kahit na sino, I badly want to tell them I work hard for that suite.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LighthouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon