Sabi mo ako na talaga, kasi ayaw mo na ng iba
Sabi mo di ka na maghahanap pa, kasi ako lang sapat na.
Sabi mo hindi moko lolokohin, kasi hindi ka tutulad sa kanila
Na hindi ka magsasawang mahalin ako, dahil alam mong ang kapalit nun ay ang pagmamahal ko para sayo.
Sinabi mo yun diba?
Akala ko kasi totoo
Masyado kasi akong nagtiwala sa kislap ng mata mo,
Sa bawat katagang lumalabas sa labi mo na sinasabing, 'MAHAL MO RIN AKO'
Pero paanong ang lahat ng pangako ay napalitan ng salita at purong salita?
Paanong ang matatamis na salita ay nasa dulo na lang ng dila?
Paanong ang mga tawanan natin noon ay napalitan ng hikbi at purong sakit?
Paanong ang pagmamahal ay galing nalang sa labi at puro na hinanakit?
Paano nangyari yun mahal?
Paanong mahal moko noon pero sinasaktan mo na ako ngayon.
Naalala ko pa noong sinabi ko sayo na hindi ako magsasawang intindihin ka
Na hanggat sinusubukan mo hindi ako mawawalan ng pag-asa
Na kahit ang sakit sakit na hindi ako mawawalan ng gana
Na kahit sabi nila itigil ko na pero ayaw ko kasi mahal kita Mahal na mahal kita.
Na kahit binibigyan moko napakaraming rason para iwan ka hindi parin ako maghahanap ng iba
Kasi alam ko sa sarili ko na di ko kakayaning makitang nasasaktan ka
Lalo pa't ako ang dahilan
Ayokong maging rason kung bat ka nasasaktan
Hindi! Hindi ko kaya.
Kahit habang tumatagal nahihirapan akong dumilat
Dahil pinaramdam mo sa aking mabigat
Hindi naman kasi tayo ganito
Magkasabay pa nga tayong tumatakbo habang nangangako na Ikaw at ako hanggang dulo.
Na kahit malabo makikipaglaban parin ako
Kaya lang, tama nga pala talaga sila
Habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala
Kung dapat ko pa bang ipaglaban o kung meron ba talaga akong ipinapaglaban?
Meron nga ba talaga? O masyado lang akong umaasa sa mga bagay na para sayo ay wala na
Kaya pasensya kana mahal,
Pasensya kana kung kinailangan ko nang sumuko sa labang to. Sa labang ako lang ang lumalaban
Sa labang ako lang nasasaktan.
Mali ba kung unahin ko na muna ang sarili ko?
Mali ba na isipin ko na muna ang nararamdaman ko bago ang mararamdaman mo?
Mali bang masaktan ako dahil sa pinanggagagawa mo?
Mali ba yon? Kasalanan ba yon?
Mali ba kung hindi ko na kayang tuparin yung pangako kong intindihin ka kahit masakit na?
Yung pangako kong titiisin ko lahat makita lang kitang masaya?
Yung pangakong hindi ko bibigkasin ang salitang 'Ayoko na' at dudugtungan pa ng 'hindi ko na kaya'
Yung mga pangakong pangako noon pero di ko na kayang tuparin ngayon.
Kasi Ayoko na! A yo ko na!
Ayoko na kasi ang sakit sakit na.
Ayoko na kasi hindi ko na kaya
Ayoko na ng paulit ulit na pangako na nauuwi sa wala
Ayoko ng umiyak kasi nakakasawa
Ayoko ng sayangin lahat ng pagkakataon na maging masaya
Ayoko na ng salitang 'mahal kita'
Kasi kung ganyan pala ang pagmamahal para sayo, ayoko nang mahalin moko.
Wag mo na ako mahalin dahil ang sakit mo pala magmahal.
pumasok ako sa relasyong to para maging masaya hindi ang masaktan ng sobra.
Ayoko na, Ayoko ng masaktan ng paulit ulit sa parehong dahilan
Ayoko ng umasa pa sa parehong paraan
Ayoko ng umiyak pa kailanman
Ayoko na! Patawad dahil ayoko na.
At mahal, pinapalaya na kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/188942300-288-k924977.jpg)